"So here's our dormitory. Dito ang girls, doon naman ang boys."
Naglalakad kami ngayon sa student's dormitory habang nakaangkla pa rin sa amin ni Rizelle si Akane. Yes, that was her name. Napalingon naman ako sa tatlong lalaking nakasunod sa amin. 'Yong nagtanong kasi ng pangalan ko kanina ang nagbitbit ng maleta ko. Kasi 'tong si Akane, pinabitbit sa kanya. Nakakahiya tuloy.
"Okay, we're here!" Ngumiti naman si Akane saka siya lumingon sa tatlo. "O kayong tatlo, alis. Girl bonding muna kami. Bye!"
Inabot ko naman ang maleta ko tapos nagpasalamat ako sa lalaki. Medyo awkward dahil hindi man lang nila ipinakilala ang sarili nila kaya hindi ko alam ang mga pangalan nila.
"Tara rito, Rainie!"
Napatingin ako kinaAkane at Rizelle na nakaupo sa gilid ng isang malaking kama na mukhang kasya yata ang lima hanggang pitong tao. Sobrang laki naman ng kama nila!
I placed my luggage and backpack on the corner and I just stood beside my things awkwardly because I didn't know what to do or say.
"Ano pang tinatayu-tayo mo d'yan? Umupo ka rito," sabay hatak sa akin ni Akane kaya napaupo ako sa gitna nila. Sobrang hyper naman ng babaeng 'to. Pakiramdam ko hindi ko siya kayang sabayan.
"Ang cute mo pero sobrang awkward," sabi niya habang nakatitig sa akin kaya nanigas na ako sa kinauupuan ko. "Naalala ko tuloy si Riye sa'yo last year."
"N-nee-san!" Napatingin naman ako kay Rizelle. Ngayon lang siya nagsalita simula nang magkita kami.
"Ano ka ba Riye, wala naman akong gagawing masama kay Rainie," she remarked but her smile said otherwise.
Nakakatakot ang personality nitong si Akane. Parang ngayon lang nakakita ng babae. Pero ano raw? Riye? Kanina niya pa tinatawag na Riye si Rizelle. Nickname niya ba 'yon? Hindi ba mas malapit kung Rize?
"Uhm, bakit pala Riye ang tawag sa'yo?" 'Di ko na napigilang itanong kay Rizelle dahil na-curious ako bigla.
"Ah. Ano po kasi . . . that's—"
"Sorry. She's too shy. Kaya minsan ang boring niyang kasama, though, she's kind and dependable."
I couldn't believe she just insulted and complimented Rizelle in one sentence. I think I won't survive being with her.
"Anyway, Rainie, she's been using Riye ever since she stayed here," Akane said while playing with the curly ends of her hair.
"Huh? Nagpalit ka ng pangalan? Bakit?" tanong ko kay Rizelle.
"Kasi onee-san—uhm, may I call you nee-chan?" Napakunot naman ang noo ko pagkarinig ko no'n. Nee-chan? Parang narinig ko na 'yan sa TV dati. Ano ngang ibig sabihin no'n?
"A-ate or older sister po," Rizelle said, as if she just read my mind.
"Okay lang," sabi ko naman at saka ako ngumiti sa kanya at ngumiti naman siya nang malapad.
"Thank you po! Ahm, about my name, we are required to change it." Teka, ano raw? Bakit parang mali ang dinig ko? Required?
"Required? Totoo?"
Tumayo naman bigla si Akane at pumwesto sa harapan namin.
"You know what, Riye, I think we need to give her a history lesson," sabay hawak niya sa bewang niya.
Actually, I think I needed it, too. I mean, this was like a new world to me and for sure, they have a different culture.
"Ganito kasi 'yon, Rainie. You are required to use an alternative name here. Most of the time, we use Japanese names since the founder of Tantei High is a Japanese. For example, si Rizelle, Riye ang altenative name niya, which means blessed with logic. At ako, I'm Vivien and as you know, ang alternative name ko ay Akane which means red dye." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may ibig sabihin pa pala ang alternative names na gamit nila.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...