Chapter 27 - The Great Seven

1.1M 33.2K 7.3K
                                    


Dahil sa hindi namin pagpasok sa class ni Ma'am Hina ay magkakaroon daw kami ng make-up class sa weekends. Buti na lang at naintindihan niya ang nangyari sa amin kaya pinagsabihan niya lang kami. Pagkatapos no'n ay pumunta na kami kay Ma'am Seira para sa History class.

"I heard what happened to Ms. Riye. I hope she is fine," sabi ni Mrs. Seira kaya naalala ko na naman ang kalagayan ni Riye. "For now, let us discuss the big names in the history of Tantei High."

Pagkasabi no'n ni Mrs. Seira ay napatingin ako kay Akane. Ito pala ang sinasabi niya kanina.

Sa simula ng lecture ni Mrs. Seira ay nabanggit niya ulit sina Shou at Natsue—the founders of Tantei High. She also mentioned the first generation Senshins who helped build this institution. She went on and on until she mentioned the name Hideo and his image was projected in front of us. Nagulat ako nang makita ko ang lalaking nakausap ko no'n sa library, na ang sabi ni Akane, ay ang tatay ni Hiro.

"Hideo, the current President of Tantei High, became well-known because he won against thousands of Shinigamis and imprisoned them."

Kinilabutan naman ako sa narinig ko. Thousands? Sa isang Shinigami nga, halos mamatay na ako sa sobrang kaba, tapos siya, nakaya niyang talunin ang thousand Shinigamis? Is he a human?

"But of couse, with the help of six more people. They are the strongest Senshins of their generation and they all belong to the Atama family. One of them was Mayu."

Nang mabanggit ang name na Mayu ay mas lalo akong naging interesado. Nag-project ang itsura ni Mayu at sumakit ang ulo ko sa nakita ko.

"Mayu was also known as the Genius Inventor. She was a woman with great talents and skills when it comes to Technology. She helped Hideo in defeating the Shinigami attack 15 years ago."

I knew it. I had seen her before.

Noong bata pa ako ay may pumuntang babae sa bahay namin. Ang sabi ni Mama ay kaibigan niya 'yon. Ang natatandaan ko lang ay siya ang nagbibigay kay Mama ng contact lenses. Siguro dalawa o tatlong beses lang siyang pumunta sa bahay pero hindi ko natandaan ang pangalan niya. She would always call my name with a melancholic look on her face.

"Sadly, she's already dead. She died before her father and as a tribute to her, Sir Aiwa named his last invention to his only child. Hence, Miyu's name."

Pagkarinig ko no'n ay biglang bumigat ang pakiramdam ko. That person was already dead? No way.

"Among the Great Seven, only Hideo and Michiko remain alive. But their five comrades are considered as heroes of this school because they have contributed a lot in every field."

Hindi naman ako makapaniwala sa naririnig ko. Dalawa na lang sa pito ang buhay? Ang Michiko ba na binaggit ni Ma'am Seira ay si Ma'am Michiko ng PD class namin?

Bigla naman akong may na-realize. Kung kaibigan ni Mama si Ms. Mayu, ibig sabihin ba no'n . . .

"Ma'am Seira, may kilala po ba kayong Rina Lazaro?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero baka kasi kilala niya si Mama. In the first place, Senshin rin si Mama dahil pure blood raw lahat ng Senshins.

"Hmm? Wala akong natatandaang ganyang pangalan. Bakit mo naitanong, Ms. Akemi?"

"Ahh. Wala lang po. Sorry po."

Napatingin silang lahat sa akin at hindi ko naman sila masisisi dahil bigla na lang akong nagtanong ng kung ano. Akala ko pa naman, kilala nila sa Mama kaso hindi ko naman alam ang alternative name na ginamit niya noong nag-aaral pa siya rito.

"Okay, let us proceed. Isa rin sa pitong tao na nabanggit ko kanina ay si Akira."

Napansin ko namang napatingin si Mrs. Seira kay Akane kaya sinundan ko siya ng tingin. Akane had the same expression when she saw Ms. Reynalyn hanging on the ceiling.

"Akira was one of the front fighters and she gave a lot of support to Hideo. However, like Mayu, isa rin siya sa mga namatay sa kanilang pito." Pagtingin ko kay Akane ay parang lumubog ang puso ko dahil ang lungkot ng mukha niya. "She was a great detective and warrior. You must be proud of her, Akane."

"Yes, Ma'am. I am proud of my mother," she said as she smiled but her eyes reflected grief and pain.

Doon naman natapos ang lecture ni Mrs. Seira dahil hindi namin namalayan na tapos na pala ang time. Parang ang kaunti pa lang ng nadi-discuss namin pero 1 ½ hours na pala ang nakalipas. Unlike sa History class ko noong di ko pa alam ang existence ng Tantei High, simula pa lang ng klase namin ay inaantok na ako. Dito lang yata ako nagkainteres sa mga tao sa nakaraan. Paulit-ulit ko na kasing naririnig sina Magellan, Lapu-Lapu, Karl Marx, Napoleon Bonaparte at Alexander the Great kaya siguro nabo-bore ako sa History class dati pero ngayon, bagong mga pangalan ang naririnig ko.

Lumabas kami sa room at sasabayan ko na sana si Akane pero bigla akong hinatak ni Ken. Pagtingin ko, nakatingin lang sa akin sina Ken, Hiro at Reiji.

"B-bakit?"

'Open your mind.' Narinig ko naman yung boses ni Hiro at para siyang nag-uutos kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. I opened my mind.

'Huwag mo munang kakausapin si Akane tungkol sa Mama niya,' sabi ni Ken sa isip ko. Itatanong ko sana kung bakit ganito kami mag-usap pero na-realize ko na dahil baka marinig kami ni Akane 'pag normal conversation ang ginawa namin.

'She tends to get emotional when the subject is her Mom,' dagdag naman ni Reiji.

'Look after her,' Hiro said. 'She might go to the forest. That's where her Mom died.'

Pagkasabi niya no'n ay hinabol ko naman si Akane at ginawa ko ang mga sinabi nila. I stayed quiet while we were walking to the dorm but she suddenly sighed.

"Binilin nila ako sa'yo, 'no?" saka siya tumingin sa akin. Hindi na ako nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya. "Those three. They still treat me as a kid. Hindi naman na ako tulad ng dati na halos araw-araw pumupunta sa gubat."

"Nag-aalala lang sila sa'yo."

"I know and I'm really thankful for that. Siguro dahil na rin sa inasal ko noong nakita natin si Ms. Reynalyn."

"Ang cute lang nilang mag-worry," sabi ko naman. Para kasi silang mga tatay kanina ni Akane kung magbilin sa akin. Nakita ko namang natawa rin si Akane kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"Yup. Daig pa nila si Daddy."

Noong nasa dorm na kami ay nagpalit agad kami ng damit dahil balak naming dalawin si Riye sa Medical Department at doon na lang magpalipas ng gabi. Nahiga muna ako sa kama namin habang hinihintay ko si Akane na magpalit at may gumulo naman sa isip ko.

"Akane, sinu-sino pa 'yong mga hindi nabanggit kanina ni Mrs. Seira sa pito?"

"The Great Seven consists of Hideo, Michiko, Mayu, Akira, which is my mom, Naomi, Mitsuo and Akemi."

Bigla akong napabangon nang marinig ko ang name na Akemi.

"A-akemi? You mean the one with the cursed name?"

"Yes. She was one of them."


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon