Hindi na ako makatulog. After that revelation about Hiro ay hindi na nakapahinga yung utak ko. Nakaupo lang ako ngayon sa sahig habang piapanood kong matulog sina Akane at Riye.
Naisip ko naman bigla ang serial murder case. Wala pa rin kaming matukoy na suspects pero may clues na kami sa mga pagpatay. If Hiro's deduction was correct, the next murder would happen at 7 A.M. In addition, the things related to number thirtten really bothered me. Why would the killer do that? Gusto niya bang magpakilala by using that method? Or was he just teasing us?
Ni-review ko ulit yung mga nangyari kahapon. The first victim was Mr. Victor Delima, 43 years old. The cause of death might be because of poisoning or he was stabbed to death. The second victim was Ms. Reynalyn Geronimo, 37 years old. The cause of death was also poisoning but she was hanged when we saw her. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin ng killer ang pagtatago ng totoong cause of death pero siguro akala niya ay mga normal na pulis at investigators lang ang mag-iimbestiga sa mga pagpatay niya. Hindi niya alam na kayang tukuyin nina Riye at Ken yung totoong dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
"Still can't sleep?"
Napalingon naman ako sa kama at nakita kong gising na pala si Akane. Ni hindi ko man lang naramdaman ang pagkagising niya. Bumaba naman siya sa kama at sinamahan ako sa lapag.
"Naba-bother lang ako sa case na 'to."
"Yeah. Me too. Pero sa totoo lang, nag-iba talaga ang pakiramdam ko noong nasa 14th floor na tayo kanina."
"Dahil ba kay Ms. Reynalyn?"
"Hmm, maybe? Pero bago pa man tayo pumasok sa room niya ay iba na ang pakiramdam ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean, it felt like someone was watching us that time."
To be honest, I felt that, too. Iba ang pakiramdam ko sa building na 'yon at alam kong hindi lang 'yon dahil kay Ms. Reynalyn.
"Sa tingin mo, 'yong killer ang nakabantay sa atin?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko. Baka. Or worse, it's a Shinigami."
"You mean, Shinigami ang killer?"
"No, that's impossible. Shinigamis are silent killers and skilled assassins. They won't leave too much evidence and loopholes in their killings."
Bigla akong kinilabutan nang marinig ko 'yon. Nakakatakot talaga ang Shinigamis base sa mga naririnig ko sa kanila.
Sakto namang nagising si Riye kaya sumama na rin siya sa usapan.
"May mamamatay na naman ba ulit?" malungkot na tanong sa amin ni Riye noong nasa lapag na siya.
"Let's just hope Ms. Reynalyn was the last. Pero hindi tayo sigurado. We need to be prepared," sabi ni Akane. "Shall we go to Miyu? Mukhang tulog pa yung mga lalaki. I can hear them snore."
Nag-prepare muna kami bago lumabas ng kwarto. Pagtingin ko sa relo ko, 5:30 AM na. Dumaan kami doon sa creepy hallway tapos lumabas kami sa agency. Nakakatakot nga dahil madilim pa at wala pang mga tao. Nakita namin si Miyu na naka-park doon sa labas kaya agad kaming pumasok.
"Welcome, Master Akane, Master Riye and Master Akemi."
Nilatag ni Riye ang pictures na kinuha niya during the investigation at nag-discuss ulit kami ng possible scenes na nangyari during the crimes.
"Sa tingin n'yo, saan mangyayari ang next crime, kung meron man?" tanong ko sa kanila.
"Based sa places na pinangyarihan, I guess the number 13 should be involved. The first murder happened at the 13th Avenue while the second crime happened on the 13th/14th floor of a building."
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Misteri / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...