"Nee-chan, gising na. Baka malate na naman tayo."
Pinilit kong bumangon dahil sa pag-alog sa akin ni Riye.
It's been three weeks since the serial murder case but I was still having nightmares about the victims and how I almost died. Wala rin muna akong pinagsabihan ng tungkol kay Sarah Angeles hangga't 'di pa ako nakakasigurado. Pwedeng siya nga ang nagsasalita sa isip ko noong nangyayari ang serial murders pero pwede ring hindi. I was also thinking if she was the cloaked person with ferocious green eyes who was staring at me in the alley. Ewan ko. Nalilito na rin ako.
Nag-focus na lang ako nang mabuti sa subjects namin. Buti nga at tinutulungan ako nina Akane at Riye sa pag-cope up dito. One month na ako rito pero parang bago pa rin sa akin lahat.
Pagkatapos naming mag-prepare ay pumasok na rin naman agad kami sa Logic class namin.
"Bakit ba laging late ang mga babae?" bungad ni Ken sa amin pagkapasok namin ng room.
"Kasi hindi kami wisik-wisik lang 'pag naliligo," Akane retorted.
Napangiti na lang ako dahil wala pa yatang araw na hindi sila nagbabangayan. Bigla ko namang naalala si Akane noong nakita niya ang naka-hang na bangkay. Sana hindi ko na siya ulit pang makitang gano'n. Seeing her with that kind of expression was hard to watch.
Napatingin naman ako sa tatlo. As usual, may hawak na namang libro si Reiji habang si Ken ay pinaglalaruan lang ang ballpen niya at mukhang bored na siya. Si Hiro naman, nakapikit na habang nakaupo pa rin nang maayos.
"Good morning!" Ma'am Reina greeted. "So, shall we play logic games?"
Para namang nabuhayan ang lima nang sabihin 'yon ni Ma'am Reina. Reiji suddenly put down his book and Hiro opened his eyes.
"Oh, sure, Ma'am!" Akane beamed. "Halos isang taon na rin ang nakalipas noong nagpa-logic games si Sir Eiichi." Bigla naman akong hinatak ni Akane sa braso at gano'n din ang ginawa niya kay Riye. "It's girls versus boys."
"Okay then, girls versus boys," pag-sang-ayon naman ni Ma'am. "Hmm, and let's spice things up. If you lost, you won't immediately get the newly-made weapons from the Technology Department. Call?"
"What?!" parehong sigaw nina Akane at Ken.
"N-nagawa na nila?" tanong ni Akane.
"Oh my gosh! After ten long years!" sabay talon naman ni Akane.
"Anong weapons?" pabulong na tanong ni Riye kay Reiji at nakinig naman ako sa kanila.
"Ah, right. You still don't know that. The project to make specialized weapons has been ongoing for ten years but we didn't expect to hear that they finally completed it."
"T-ten years? What kind of weapons are they developing?"
"You'll see."
That was the first time I saw Reiji with an excited face, though, it wasn't that noticeable. Hindi ko alam kung anong klaseng weapons ang sinasabi nila pero dahil eager silang manalo ay na-excite na rin ako.
Nasa right side kaming girls at sa left side naman ang guys, habang si Ma'am Reina ay nakatayo sa harapan.
"No need to raise your hands," she said. "I can determine who will answer first."
All of them turned silent. I could feel the tension between the two groups, especially between Ken and Akane. Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay kanina pa nila na-murder ang isa't isa.
"First," Ma'am Reina announced. "A man was trapped in a room and there are no windows and door. How did he get out?"
Nataranta ako sa tanong niya at parang huminto ang pag-process ng utak ko. Pakiramdam ko wala akong alam.
"Using the doorway. Walang pinto pero may pintuan."
Napatingin kami kay Hiro at nakakamangha pa dahil nakapangalumbaba lang siya sa may table na parang wala lang sa kanya ang question. Parang ngang hindi pa siya gano'n kainteresado.
"Correct! One point for the boys!"
"Yes! Nice one!" sabay hampas ni Ken sa likod ni Hiro.
"Next! Five girls stood under an umbrella. How come none of them did not get wet?"
"I-it's not raining," sagot ni Riye.
"Correct! One point for the girls!"
"Nice Riye!" sabi ni Akane sabay kurot sa cheeks ni Riye.
"Nee-san!"
"Ang galing mo Riye," bulong ko naman.
Ang bibilis nila mag-isip. Nakaka-intimidate tuloy.
"Next! Imagine you're in a room with no windows, door or doorway. How will you get out?"
"Stop imagining!" sigaw ni Akane.
"Correct! Two points for the girls!"
"Hah! Take that!" pang-aasar ni Akane kaya sinamaan siya ng tingin ni Ken.
Ang bibilis nila mag-isip, samantalang ako, hindi ko pa nga napa-process sa utak ko ang tanong ay sinasabi na agad nila ang sagot.
"Next! The girl is the doctor's daughter but the doctor is not the girl's father. Who is the doctor?"
"The girl's mother," kalmadong sagot ni Reiji at napakunot ang noo ko noong nakita kong nagbabasa na ulit siya ng libro na para bang hindi rin siya ganoon kaseryoso.
"Correct! Two points na rin for the boys! Okay, next! What word is so fragile that when you say it, you'll break it?"
"Hah! It's silence!" sabay smirk pa sa amin ni Ken.
"Correct! Three points for the boys! Next. How can a woman read in the middle of a dark room at night, with no lamp or any source of light?"
"Using braille. The woman is blind," sagot ulit ni Hiro.
"Correct! Four points!"
"Hala humabol tayo!" bulong sa amin ni Akane. Nahiya nga ako dahil ako na lang ang walang nasasagot sa aming anim. Grabe naman kasi 'yong bilis nila sa pagsagot.
"Next! A red house is made of red bricks and a blue house is made of blue bricks. What is a green house made of?"
"Glass!" sabi ni Akane. Oo nga 'no? Muntik ko nang isagot ay green bricks. Ugh. Nakakahiya.
"Correct! Three points for the girls! Last one!"
"Ha? Last na, Ms. Reina?!"
"Yes, Akane. Nahihirapan na rin akong mag-isip ng questions kung ganito kayo kabilis," sabay buntong-hininga niya. "Okay here's the last one. What six-letter English word has it's letter arranged alphabetically?"
Bigla akong kinabahan. Parang na-encounter ko na ang tanong na 'yan dati. Hindi ko lang maalala kung saan o kailan pero pinilit kong isipin. Almost there... wait...
"Almost?" patanong kong sagot at handa na akong takpan ang mukha ko sakaling mali ang sagot ko.
"Correct!"
"Oh my gosh, Akemi! Nice one!" sabi ni Akane at ginulo niya ang buhok ko. "At least, tie ang scores. Yes!"
"Okay, let's see. Since tie naman ang scores, you can go to Hiroshi now. He's waiting," sabi sa amin ni Ma'am Reina habang nakangiti.
Nagtatalon naman sa room si Akane kaya napangiti na lang ako. Dahil masyado akong na-stress sa game na 'to ay in-open ko saglit ang isip ko para lang mailabas ko ang pressure na nag-build-up habang nag-iisip ako kanina ng mga isasagot. Grabe. Nakakabaliw rin pala ang ganito.
Paalis na kami ng room nang bigla akong napahinto.
'Akemi, do you know something about Sarah Angeles?'
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ma'am Reina sa isip ko. I wasn't planning to tell anyone yet but I wanted to know more about her and I knew she could help.
In the end, I told her about what happened last time.
***
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...