Chapter 34 - Hierarchy

1M 32.5K 10.9K
                                    


Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang pangatlong case na na-experience ko. I was still confined in the Medical Department because of my injuries.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa mansion ni Ma'am Ana. Sabi raw ni Dra. Yuuki, may poisonous substances na pumasok sa katawan ko upon contact with the bullets, which weren't ordinary and I almost died because of them.

"Nee-chan, uwi lang muna kami sa dorm para maligo."

"Ako rin. Feeling ko ang dumi ko na. Baka mamaya naaamoy na ako ng isang mokong mula sa malayo tapos aasarin na naman ako."

Ngumiti na lang ako sa kanila at sinabi kong umuwi na muna sila sa dorm para makapagpahinga na rin sila. Tatlong araw na rin kasi nila akong binabantayan tapos pumapasok pa sila sa klase. Pati sina Hiro, Ken at Reiji dinadalaw rin ako kapag tapos na ang klase.

Pagkalabas nila ay napatingin ako sa orasan at nakita kong 5 PM na pala. Sabi ni Dra. Yuuki, pwede na raw akong lumabas bukas ng umaga. Ilang oras na lang ang hihintayin ko. Tamad na tamad na rin kasi ako dito sa kwarto na 'to. Noong nakaraang dalawang araw kasi, bawal akong gumalaw nang gumalaw dahil baka raw kumalat pa lalo ang poisons na 'di pa natatanggal sa blood streams at muscles ko. Kaninang umaga lang talaga natapos ang complete extraction ng poison sa katawan ko.

"Mukhang okay ka na, ah."

Nagulat naman ako nang makita ko si Ma'am Reina sa tabi ko. Ni hindi ko man lang namalayan na pumasok siya rito sa kwarto ko. Kinabahan tuloy ako dahil akala ko ay kung sino na.

"Medyo okay na po," sagot ko naman pero biglang naging malungkot ang expression niya.

"Sorry Akemi. I wasn't able to protect you from him. When you both disappeared, I didn't know what to do. I panicked. Alam kong napuruhan ko si Kyuuya pero hindi ako mapakali noon dahil kasama ka niya. So, I decided to track the other one dahil naisip kong baka balikan niya ang kasama niya. Pero pagdating ko doon sa room, saktong nawala na ang presence ng Reaper at nakita ko na lang na sugatan sina Hayate at Hiroshi."

"Ms. Reina, wala naman kayong kasalanan. In fact, you saved me. Sorry rin po kasi kung hindi ako humawak doon sa cloak ng Reaper ay sana hindi ako napunta sa Black Dimension."

"How did you know that place?" tanong ni Ma'am Reina kaya bigla akong kinabahan.

I shouldn't have told her. Baka malaman niya pa ang tungkol kay Darwin. But in the end, sinabi ko na rin dahil baka may makuha silang valuable information from that.

"Ibig sabihin, nakatakas pala ng tuluyan si Kyuuya."

"Yeah. At kung tama ang pagkakaalala ko, pinapatawag siya ng isang babae."

"Babae?"

"That's what Darwin told him."

Para namang may na-realize si Ma'am Reina. "I knew it."

"Ang ano po?"

"Naalala mo ba ang sinabi nina Ken at Hiro? Sabi nila, those Shinigamis were following Sarah Angeles." Tumango naman ako. "And we told you that Reapers just follow orders from the higher ones. I am quite sure that the 'she' your classmate was talking is Sarah Angeles." Tumingin naman siya sa mga mata ko. "And surprisingly, mukhang sinunod din ng Reaper ang utos ng classmate mo."

Unti-unti ko namang na-realize ang gustong iparating ni Msa'am Reina kahit ayaw tanggapin ng utak ko.

"Y-you mean . . ."

"Yes. That Sarah Angeles and Darwin are on a higher level than those Reapers. That means they are stronger than them."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Ms. Reina. Parang bigla ko na lang naramdaman ang takot. Alam kong Shinigami si Sarah Angeles pati si Darwin, pero hindi ko akalaing nasa mataas na posisyon sila.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon