Dumiretso ang babae sa desk kung nasaan si Sir Hayate at bakas sa mukha niya ang pagkabalisa.
"This is a detective agency, right?" she asked while nervously looking around
"Yes, it is," Sir Hayate responded. "Welcome to Teitan Agency. How can I help you?"
Pinapupo naman ni Sir Hayate ang babae sa couch habang kaming anim naman ay nakatingin lang sa kanila. Hindi ko rin alam ang gagawin kaya naman sumandal na lang ako sa pader habang nakatingin sa kanila.
'Akemi, watch and observe carefully.' Halos mapatalon naman ako nang marinig ko ang boses ni Sir Hayate sa isip ko. 'You're the only one who still doesn't have any experience.'
'Y-yes, Sir.'
Nakita ko namang binigyan ni Akane ang babae ng isang baso ng tsaa at matapos no'n ay nagsimula na siyang magkwento.
"Nakatanggap kasi ako ng isang letter. Here," she said as she put a piece of paper on the table. Pagtingin ko ay bigla akong kinilabutan sa nakasulat doon.
"Oh my god," I gasped.
Tumingin naman sa amin ang babae, maging si Sir Hayate, kaya lumayo kami sa kanila. Hindi na tuloy namin marinig ang usapan nilang dalawa.
"Why?" bulong naman ni Akane na ngayon ay nasa tabi ko na.
"N-nakita ko 'yong nakasulat," mahina kong sabi kaya napatingin pati ang apat sa akin.
"Anong nakasulat?" tanong ni Ken. "Is it a code?"
"I will bathe you with your own blood. I'll take your life just like how you took mine. JC," I narrated. "N-nakasulat gamit ang red ink or maybe b-blood."
Akala ko ay magugulat din sila pero mukhang sanay na sila sa ganitong scenario. I was still trembling because I thought this kind of thing would just appear in crime and thriller movies.
"I received that last night," biglang sabi ni Akane. "Bigla na lang may nag-doorbell sa'min at pagbukas ko, may letter na sa tapat ng pinto."
She must be using her sixth sense.
"Sa tingin mo, bakit ka pinadalhan ng ganito?" Paniguradong si Sir Hayate ang nagsabi no'n.
"JC . . . my boyfriend. He died the day before I received that letter."
Napatingin akong muli sa babae at nanginginig ang buong katawan niya. Wait, JC ang nakasulat doon sa bloody letter. Don't tell me, sa kanya galing 'yon? That would be creepy.
Nagtama naman ang mga mata namin ni Sir Hayate at pinalapit niya kami sa kanila. Pagdating namin doon ay saka ko lang nakita nang maayos ang babae. She was as beautiful as a model.
"Here's our first client today. She's . . ." Sir Hayate's voice trailed off and he looked at the woman.
"Bianca Avila."
"She's Bianca Avila and—"
"Wait, why are you telling that to these kids?"
Ngumiti naman si Sir Hayate sa kanya. "Yes. They are also detectives."
Ms. Bianca Avila looked at Sir Hayate as if he just said something weird. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin at hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya o ma-offend.
"Don't worry, they will definitely solve this."
Either na-convince ni Sir si Miss Bianca o 'di kaya'y wala na siyang ibang choice kaya hinayaan na niya kaming making. We learned that she's 25 years old and a freelance model. Namatay raw ang boyfriend niya dahil nahagip ng kotse habang tumatawid sila. He was declared dead on arrival noong sinugod siya sa ospital.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...