Chapter 36 - Fourth Case: Arson

936K 30.3K 15.9K
                                    


"No choice, then," Akane sighed. "I'll just borrow this car."

Pagkasabi niya no'n ay napahawak naman si Riye sa braso ko at para siyang nakakita ng multo

"Ayos ka lang ba, Riye?"

"D-don't let Akane nee-san drive," she whispered.

"Bakit?"

"We're going to die."

Bago ko pa matanong kung ano ang ibig niyang sabihin ay hinatak ulit kami ni Akane papasok sa puting kotse.

"Fasten your seatbelts, ladies. We're going to fly!" she cheerfully said.

Nang paandarin niya ang sasakyan ay pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako sasakay sa isang sasakyan na si Akane ang driver. That was when I realized what Riye meant by those words. We literally flied because she drove too fast without minding the speed bumps.

Sa loob ng limang minuto ay nakahawak lang ako sa seatbelt at sa kamay ni Riye. For five minutes, I felt what death was.

Pagkahinto ng sasakyan ay doon lang ako nakahinga. My body was numb and my energy had been completely drained. Nanginginig pa ang kalamnan at mga binti ko hanggang ngayon.

"We're here!" Akane beamed as she got out of the car as if nothing happened. Pagtingin ko kay Riya ay sobrang putla na niya at halos purple na ang labi niya.

"Holy shi—! Nag-drive ka?" bungad ni Ken nang akita niya kami. "Buhay pa ba sina Akemi at Riye? Shit! You killed them!"

"OA mo!"

Nagulat naman ako nang parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Teka, lumulutang ba ako?

"Why did you let her drive?" saka ko narealize na binuhat na pala ako palabas ng kotse ni Hiro, at ganun din naman ang ginawa ni Reiji kay Riye.

"I . . . I wasn't informed."

"Riye," Reiji called and I was surprised when he was pumping her chest. Wait, don't tell me—

"He's just adjusting his muscle strength to open the airway," sabi naman ni Hiro at saka niya ako binaba. After a few seconds, Riye finally inhaled sharply and coughed.

"T-thank you, Reiji."

"No worries."

Napatingin naman ako sa side nina Ken at Akane at nagbabangayan na naman silang dalawa.

"You idiot!" sigaw ni Ken habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ni Akane. "Isipin mo kung sino ang mga kasama mo kapag nagda-drive ka."

"Ouch! Ano ba! Nadala lang ako, okay?!"

"Nadala, nadala! Muntik nang hindi makahinga si Riye!"

"Magsosorry na nga ako, eh!"

"Nag-sorry ka na rin dati pero ginawa mo pa rin! You speed freak!"

"Whatever, smelly boy!"

Napabuntung-hininga na lang ako. Oo, malakas ang Atama family kapag seryosong bagay na ang usapan, pero kapag nasa ganitong sitwasyon, iniisip ko kung tama ba ang napasukan kong pamilya.

'Rainie, don't come here.'

Bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses ni Mama sa isip ko. Did she just talk to me through her inner voice?

I know I was doing the exact opposite of what she said but I couldn't help it. Tumakbo ako papunta sa bahay namin at hindi ako tumigil kahit tinatawag na ako nina Akane.

Malapit na ako sa bahay pero nawalan ng lakas ang mga binti ko nang nakita ko kung ano ang sumalubong sa akin.

"Kumakalat na 'yong apoy! Lumikas na kayo!"

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon