Chapter 30 - Third Case: The Golden Sun

1.2M 32.7K 11.7K
                                    


Napatingin kami sa mga litrato na inilapag nung matanda. Nalula ako sa nakita ko. Gold, money and jewelries were shown in the photos.

"Excuse me lang ho, lola, pero hindi pa po bukas yung agency. Mag-fofour pa lang po."

Napatingin naman kami kay Ken. Pero sabagay, may point siya. At saka, paano nakapasok dito ang matandang babae? 'Di ba kailangan pang dumaan sa Tantei Police Department na nasa kabilang kwarto bago makapasok?

Nasagot naman ang tanong ko nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Sir Ryuu.

"Whoa! Ang aga n'yo yata? At bakit mga nakapantulog pa kayo?" sabay tingin sa amin ni Sir Ryuu na parang ang weird namin. "Mukhang 'di na kayo maghihintay nang matagal, Ma'am. This is Ma'am Ana Felidad. An alumna of Tantei High."

Pagkasabi no'n ni Sir Ryuu ay pare-pareho kaming nagulat. Galing din siya sa Tantei High? Pero kung isa rin siyang Senshin, bakit siya nagpapatulong sa isang robbery case?

"I know who the thieves are but I don't have any idea how to catch them," Ma'am Ana said.

"Paano n'yo po nalaman?" tanong ni Akane sa kanya at bigla namang naging yellow ang mga mat ani Ma'am Ana.

"I have the ability to distinguish pure metals from other kinds of matter. Noong time na nanakawin na nila ang Golden Sun ay pinalitan ko ito ng replica na hindi pure gold. I also installed a CCTV and I thought they wouldn't notice the change but they threatened me, saying that I should give them the real Golden Sun tonight. That's why I thought that one of the thieves has a similar ability as mine and I am sure that they are Shinigamis."

Natahimik kami after that. Ibig sabihin ba nito ay ang nababalitang robbery cases ay kagagawan na naman ng mga Shinigami?

"Teka, sila ang nagdemand na ilabas n'yo 'yong kung anuman ang Golden Sun na 'yon? What arrogant thieves," Ken commented.

"It's not what you think. Kung alam kong kaya namin sila ay hindi na ako pupunta rito. They are too strong for us. Noong pinalit ko ang replica, pinatay nila ang isa kong anak bilang kabayaran sa sa ginawa ko."

Pagkasabi niya no'n ay bumigat ang pakiramdam ko. They killed one of her children just because of that? Grabe. Wala ba talaga silang puso? Paano nila nakakayang pumatay ng inosenteng tao?

"Anong oras po raw nila babalikan ang Golden Sun at saan? Did they give some instructions?" Riye asked.

"I think they are high-ranking Shinigamis. They left a note in the room and they vanished after. Pagpunta ko ro'n ay nakasulat na ang oras at lugar."

She pulled something out of her bag and put it in the table. It was the note left by the Shinigamis.

10 PM

Display Room

The words were written in red ink and that bothered me.

"That's the blood of my son," she said as her voice cracked.

I was frightened by her a while ago but after learning what happened, I suddenly felt aad for her. Losing her son in the hands of Shinigamis must have been devastating.

"Why don't we use the Wavisual Device?" Napatingin naman ako kay Reiji. Wavisual? Ano 'yon? "The device that converts brain waves to visual images."

Ah. He mentioned that a while ago. Pero hindi ba sabi nila ay for officials lang 'yon ng Tantei High?

"Okay. Kakausapin ko lang si Hiroshi," sabi ni Sir Ryuu at saka siya dumaan sa hallway.

Bigla naman akong nakaramdam ng antok. Saka ko lang na-realize na hindi pa ako natutulog. Well, halos lahat naman yata kami ay hindi pa masyadong nakakatulog. I know na pagod kaming lahat pero kailangan naming tulungan si Ma'am Ana.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon