Kumakain kami ngayon ng breakfast dito sa isang stall sa Central Plaza pero hindi ko naman magawang galawin ang pagkain ko dahil sa nangyari kanina. Idagdag pa ang sinabi ni Akane tungkol sa sixth sense ko.
"Really nee-san? That's her sixth sense? Cool," sabi ni Riye habang nagkukwento pa rin si Akane.
"I think so. I really didn't see any shadow or figure near us, but I heard the way he ran. Kaso nga lang, mahina na lang ang narinig ko dahil mukhang malayo na siya pero nakita pa rin siya ni Akemi. That's why I'm quite convinced that her sixth sense is enhanced sight," sabay tingin niya sa akin.
We continued talking about what happened earlier until we finished our food. After that, we went to our next class, which is, Technology Development. Dahil hindi ko naman alam kung saan at ano ang buildings at rooms ay nagpahatak na lang ako kina Riye at Akane hanggang sa nakarating kami sa isang kwartong walang kahit anong laman at tanging ang puting dingding at kisame ang makikita. Pagpasok namin, nandoon na ang tatlong lalaki at may isang pang lalaking nakatayo sa gitna. He must be our teacher.
"Okay. Since all of you are already here, let's start this class," he said.
Behind his eyeglasses, his green eyes glinted, and I was quite scared because he seemed strict and serious.
Umupo naman kami agad sa sahig kung nasaan ang tatlo dahil wala rin namang upuan dito. I glanced at our teacher but immediately averted his gaze when our eyes met.
"This is the Technology Development class and here, you'll learn how to use and, hopefully, create devices that you need in solving crimes. I am Hiroshi, from Atama family, and I will be guiding you regarding this matter," bungad niya sa amin.
"Bago na naman pala ang teacher. Akala ko si Ms. Kako pa rin. Pero sabagay, isa rin 'yong masungit, eh," rinig kong sabi ni Ken at binatukan na naman siya ni Akane. Buti nga hindi sila pinapagalitan ni Sir Hiroshi. Tahimik lang siya ro'n sa gitna at nagpipindot ng kung ano sa hologram na keyboard . . .
Wait. A holographic keyboard? Where did that come from? Nakikita ko rin ang tina-type niya pero hindi ko mabasa nang maayos dahil nakaharap sa kanya. Napanganga na lang ako dahil doon at pakiramdam ko ay nanonood ako ng sci-fi movie. Ang galing!
"Unlike Mrs. Kako, I'll be introducing new gadgets and devices to you so you should pay attention while I'm discussing them," he said while looking at Ken and Akane. Natahimik naman silang dalawa at nag-focus na kay Sir Hiroshi.
"S-Sir, is Ms. Reina your batchmate?" mahinang tanong ni Riye at nagulat ako dahil hindi siya madalas nagsisimula ng usapan.
"Yes," Sir Hiroshi responded. "Actually, almost all of your teachers are new graduates or from batches before us."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Bakit nga kaya bago lahat ng teachers?
'Akemi-neesan, don't be too loud. Don't worry, sasabihin ko sa'yo mamaya.'
Okay. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon o dapat na akong mag-panic dahil narinig ko ang boses ni Riye sa loob ng ulo ko. Tumingin ako sa direksyon niya pero nakatingin lang siya kay Sir Hiroshi at mukhang wala man lang siyang pakialam sa akin. Mukhang nagha-hallucinate nga lang ako.
'Pfft. Akemi, huwag kang mag-panic! We forgot to discuss this to you because we thought you already know how how to use it. Hindi naman kasi namin akalain na wala ka talagang alam sa mundong pinasok mo. Pagkatapos ng class na 'to, i-e-explain namin agad 'to, okay?'
This time, it was Akane. At talagang sinabihan niya pa akong huwag mag-panic kahit na gusto ko nang sumigaw at sabunutan ang sarili ko dahil naririnig ko ang boses nila sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...