Chapter 26 - Vanished Arrow

1.1M 32.1K 7.9K
                                    


"Don't worry, she's going to be fine. She just needs rest."

Pagkasabi no'n ng doctor ay nakahinga ako nang maluwag.

After that incident, Akane called the three guys to help us carry Riye. Her eyes turned yellow and I guess that could also increase the distance of using her inner voice. Hawak ko naman ang bow, quiver at staff na tineleport namin ni Riye rito dahil hindi ko alam kung paano 'to ibabalik.

"What happened?" tanong ni Reiji nang makita niya kaming buhat si Riye palayo sa east side ng gubat

"Someone attacked us," pag-amin ko at napatingin silang apat sa akin. "Sasabihin ko mamaya kung anong nangyari pero bago 'yon, kailangan muna nating madala si Riye sa Medical Department."

"Leave her to me."

Kinuha naman ni Reiji si Riye mula sa amin at natualala na lang kami nang bigla siyang nawala, tulad nang nangyari noong nabaril si Riye. Sinundan namin si Reiji at nang papalabas na kami sa gubat ay saka ko lang narealize na hindi na kami naka-attend ng Psychology class.

Tumakbo kami papunta sa Medical Department at dumiretso kami sa information desk. Hindi pa man kami nakakalapit ay nagsalita na agad ang babae ro'n.

"Room 236," sabi niya saka siya ngumiti sa amin.

"Thank you!"

Halos patakbo kaming pumunta ro'n sa room na sinabi ng babae. Umakyat kami papuntang second floor at nakita namin si Reiji sa tapat ng isang kwarto.

"How is she?" tanong ni Ken.

"Still in emergency room."

Napaupo na lang kaming lima roon at makalipas ang ilang segundo ay na-realize kong nakatingin na sila sa akin.

"Ano bang nangyari, Akemi?" tanong ni Akane.

Napayuko na lang ako dahil bigla akong na-guilty. If I hadn't followed that person, Riye would still be fine. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari mula noong nakita ko siya sa bintana ng dorm na nakasilip sa amin hanggang sa pagsugod niya sa amin ni Riye. Saka ko lang narealize na tumutulo na pala ang luha ko.

"I'm sorry. Everything is my fault—"

"It's not, okay?" Akane interjected. "Kung wala ka ro'n ay baka kung ano nang nangyari kay Riye. You did well," dagdag niya at saka niya ako niyakap. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"What did the cloaked guy say?" tanong naman ni Hiro.

"Sabi niya, kailangan daw nila si Riye. Hindi ko rin alam kung bakit."

"Hindi kaya Shinigami ang umatake sa inyo?" tanong ni Ken sa akin.

"Hindi ko alam. Basta naka-black siya at may hawak siyang baril. Akala ko kung ano nang mangyayari sa amin pero bigla kong nakita si Akane. Nag-panic ako that time kasi baka bigla niya ring atakihin si Akane pero tumakas siya. Nang ginamit ko ang pana sa kanya ay bigla na lang siyang nawala."

"Hah! Maybe he got scared of me!" sabay taas pa ni Akane sa sleeves ng damit niya na parang naghahamon ng away.

"Maybe he got scared of your face," Ken retorted and Akane hit his arm in return.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Riye kaya napatigil kami sa pag-uusap at tumayo kaming lahat.

"How is she, Doc?" tanong ko habang pigil-hiningang hinihintay ang sagot niya.

"Don't worry, she's going to be fine," sabi niya at psara akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ko 'yon. "Physical injuries lang naman ang nakuha niya pero malalim. She still needs rest."

"Thank you, Dr. Yuuki," sabi ni Reiji.

Agad namang tinransfer si Riye papunta sa isang room at sumunod kami ro'n.

"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari rito?"

Napatingin kaming lahat nang biglang may nagsalita at nakita namin sa pintuan si Ma'am Reina kasama sina Sir Hayate at Sir Hiroshi. Tumingin silang lahat sa akin kaya ikinuwento ko rin sa kanila lahat ng nangyari.

"You mean the arrow also vanished?" tanong ni Sir Hiroshi.

"O-opo."

"Can you summon it back? We can discover something out of it," sabi naman ni Sir Hayate kaya napatingin ako kay Sir Hiroshi. Hindi ko naman alam kung paano isa-summon back 'yon.

"And if it did hit the guy, his blood would be on the arrow," dagdag ni Dra. Yuuki na pumasok din para i-check si Riye.

"Pero kay Riye po ang arrow. Nag-switch lang po kami ng weapons that time."

"I see," Sir Hiroshi muttered.

Naging seryoso naman bigla ang itsura niya. He grabbed the cotton that Dr. Yuuki used to dress Riye's wound and rubbed it onto his palm. Suddenly, his eyes turned green and a blast of wind coming from his hand almost knocked us. The next thing I knew, the arrow I shot at the guy was already on his hand.

"You really are the grandson of Mr. Aiwa, the Legendary Mechanic, and the son of Mayu, the Genius Inventor," sabi ni Dr. Yuuki at kinuha niya ang arrow mula sa kamay ni Sir Hiroshi. Nakita ko naman na may dugo sa tip ng arrow and that means natamaan nga siya no'n.

"You five should go to Ms. Hina. You ditched her class, right?" biglang sabi ni Sir Hayate kaya bigla akong nahiya. Hindi na kami nakapasok sa Psychology class kanina dahil sa nangyari.

Agad naman kaming lumabas doon sa room ni Riye at naiwan sa loob sina Dra. Yuuki, Ma'am Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi. Habang naglalakad kami ay biglang pumadyak nang malakas si Akane.

"They are not saying anything," she pouted.

"Figures. They are aware of your sixth sense and how you always stick your nose to one's business," Hiro retorted.

"Tss. Gusto ko lang naman malaman ang pag-uusapan nila."

It seemed like their discussion wouldn't be appropriate for us. I'm sure they were talking about Shinigamis because that guy was probably one.

"Wala naman tayong magagawa. Kung seryosong kaso ang nangyari kanina, kikilos at kikilos ang teachers natin," dagdag ni Ken.

"But why do they need Riye? What do they want from her?" tanong naman ni Reiji at kanina ko pa tinatanong 'yon sa sarili ko.

"Gusto ko ring malaman kung paano nawala bigla ang lalaki kasama ng arrow na ginamit ko sa kanya," dagdag ko naman.

"Sa tingin n'yo may kinalaman 'to sa robbery cases na nangyayari ngayon? Kung Shinigami ang lalaking 'yon, ibig sabihin, Shinigami rin ang may pakana ng roberry cases?" tanong ni Akane nang nakalabas na kami sa Medical Department.

Wala nang sumagot pa sa mga tanong naming dalawa ni Akane. I'm sure may kanya-kanya silang iniisip about sa binitiwan naming mga tanong dahil sarado ang mga isip nila sa ngayon.

Bago kami pumunta kay Ma'am Hina ay bumalik muna kami sa dorm para kunin ang mga gamit namin. Pagkapasok namin ni Akane ay nagtanong agad ako sa kanya.

"Paano kaya na-teleport ni Sir Hiroshi pabalik ang arrow na sinummon ni Riye? Posible pala 'yon?"

"Hindi ko rin alam. Pero 'di ba sabi ni Sir Hiroshi sa atin, kung sino lang ang nag-mark ng weapon ay siya lang ang makakapag-summon no'n? I guess he's powerful enough para ma-teleport pabalik ang arrow kahit hindi siya ang nag-summon by using the owner's binder. After all, he is the chairman of the Technology Department. At isa pa, apo siya ni Sir Aiwa. It's in their blood."

"Ah, sino pala 'yong Mayu na binanggit ni Dra. Yuuki?"

"You'll know her sa History class natin mamaya. Kaya tara na kay Ma'am Hina para makapasok pa tayo sa History class ni Mrs. Seira!" saka niya ako hinatak nang makuha na namin ang gamit namin.

But that name . . . I think I heard that before.


***

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon