Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Kahit na mukhang wala na sa paligid ang Rin na tinawag ni Mama, hindi ko pa rin makalimutan yung chills na naramdaman ko nung nakita ko siya at nung lumapit siya.
"Miss, okay ka lang ba?"
Napatingin naman ako kay Mr. Nestor Mercado, the guy with the glasses and suitcase. Tinanong ko kasi siya kanina na kailangang malaman ang name niya para sa investigation. Pinakita ko pa sa kanya ang fake FBI ID para mas maniwala talaga siya, tutal ang sabi ko sa kanya kanina ay kasama talaga ako sa investigation team.
"Okay lang po. Uhm, may kilala po ba kayong Renato Sison?"
"Hmm? Oo. Magkakaklase kami noong college, kasama na rin si Felicity. Bakit mo naitanong?"
"Ahh. He was found dead a while ago."
Pagkasabi ko no'n ay halos mabitawan niya ang suitcase niya.
"P-patay na siya? Paanong nangyari 'yon?"
"Hindi ko po pwedeng ikwento ang buong pangyayari pero namatay rin po siya dahil sa sunog."
"B-bakit ang daming namamatay ngayong araw? Nakakatakot."
"Oo nga po pala, kilala n'yo ba ang sinasabi n'yong ka-meet dapat ni Ms. Felicity bago kayo?"
"Oo. Sabi niya, isang antique collector daw. Parang nakita ko siya kanina rito. Naka-formal attire pa siya. Sabi ni Felicity, kinukulit raw siya ng collector na ibenta sa kanya ang ilang antique items niya pero ayaw niya dahil masyadong mababa ang presyo na inaalok ng collector."
That must be the rich-looking guy. Napatingin ako sa direksyon ni Hiro dahil siya ang nagtatanong sa collector.
"Siya po ba?" sabay turo ko sa direksyon nila.
"Oo. That's him."
That was why he looked pissed and depressed at the same time. Kasama sa mga nasunog ang antiques na gusto niyang bilhin. Saka ko ulit naalala ang sinabi ni Sir Hayate na may part daw na hindi nasunog sa may second floor at 'yon ang kwarto ni Mrs. Andres. Posible na nandoon ang antique items na gusto niyang bilhin. Kung siya ang killer, hindi siya aalis hangga't 'di niya nakukuha ang mga 'yon.
"Pwede po bang makita ang laman ng suitcase n'yo?"
"Ah. This? Sure," sabay bukas niya ro'n at bumungad sa akin ang laboratory glasswares.
"Test tubes? Beakers?"
"Sorry. These are my personal glasswares. Ayoko kasing gumagamit ng glassware sa lab."
"Lab?"
"Yeah. I'm actually a scientist. Ako ang nagfa-facilitate ng lab sa office namin. Si Felicity naman ay isang anthropologist, kaya mahilig siyang mangolekta ng mga antigong bagay."
Namangha naman ako bigla. Ibang klase pa rin talaga kapag mga scientist. Ewan ko pero ang taas ng tingin ko sa kanila. Siguro dahil hindi ko strength ang Science at medyo mahina talaga ako ro'n.
Napatingin ulit ako sa kanya dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanya pero hindi ko malaman kung ano. Nagpaalam naman ako at pinuntahan ko ang ex-husband ni Mrs. Andres at buhat niya pa rin ang anak niyang natutulog.
"Excuse me po. Uhm, kasama po ako sa investigation team at gusto ko lang pong hingin ang statement n'yo," sabay pakita ko doon sa FBI ID.
"Kung tungkol kay Fely, wala akong alam sa nangyari! Sinabi ko na nga 'di ba? Halos ilang bahay ang layo ko noong nangyari ang sunog at akala ko ay nagsusunog lang siya sa may bakuran!"
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...