"Okay ka na ba?"
"Nee-chan."
Nasa tabi ko ngayon si Akane at Riye. Hindi ko sila masagot nang maayos dahil nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot. Nandito pa rin kami sa loob ng banyo, pero this time, kumpleto na kami at may kasama na rin kaming mga pulis.
Marami ring guests ang nakasilip sa may pintuan ng C.R. kaya lalo akong na-anxious. Bakit ba kasi nangyari 'to? If I was just more attentive. If I didn't let her out of my sight, this could have been prevented. Kung sinuot ko lang ang necklace ko, sana nadetect ko na kanina pa na may mangyayaring masama.
"Hey, huwag mo ngang sisihin ang sarili mo, Akemi," sabay tapik niya sa balikat ko. "Wala namang may gustong mangyari 'to kay miss Bianca, eh. And yes, I can hear you. Masyado kang distracted at hindi mo namamalayan na bukas na ang isip mo."
Hindi ako nakapagsalita. Alam kong tama ang sinasabi ni Akane pero nandoon pa rin 'yong feeling na kung may iba akong ginawa ay hindi sana mangyayari 'to. I was at the scene. Ako ang pwedeng makatulong, pero wala akong nagawa kundi sumigaw. I failed as a detective. I am a failure.
"You are not," matigas na sabi ni Akane.
"She's right," dagdag naman ni Ken. "Kung hindi ka sumigaw ay hindi namin malalaman ang nangyari at posibleng makatakas pa ang pumatay sa kanya kung hindi agad hinarangan ang gate."
"Ms. Akemi?" tawag ng isang police officer na kausap kanina ni Sir Hayate.
"P-po?"
"130 beats per minute? That's hella fast," he suddenly said. "Don't be too nervous."
'That's his sixth sense. He is the new head of the Criminal Investigation Division.'
Medyo nasasanay na rin ako sa presence ni Hiro sa ulo ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumasagot kapag nagkakaroon ako ng tanong sa isip ko. It was surprising most of the times but I'm grateful kasi tinutulungan niya akong maka-cope up sa Atama family pati na rin sa Tantei High.
Napatingin ako sa police officer at napanganga ako nang bigla na lang nag-shift ang kulay ng mga mata niya from black to green, and back to black. Ngumiti naman siya nang makita niya ang reaksyon ko kaya tinikom ko kaagad ang bibig ko.
"I just want to hear your statement as the first one to discover the body."
Tumango ako at tinulungan niya akong tumayo. My body was still shivering but I gathered enough courage to face Ms. Bianca.
Nakahiga siya nang patagilid at dilat pa ang mga mata niya habang kumalat na ang dugo niya sa buong cubicle. Umabot din ang blood stains sa dinging at shower curtain pero nanatili ang tingin ko sa tatlong letrang nakasulat sa tiles:
b e a
Sinabi ko naman sa kanya kung ano ang naabutan ko nang pumunta ako rito sa C.R. Buti nga at nag-i-input din sina Sir Hayate at 'yong lima kapag natitigilan ako sa pagsasalita.
"We have three primary suspects," panimula ni sir Hayate habang kausap niya 'yong police officer.
Sir shifted his gaze toward the three women who just entered the crime scene—Bea, Elle at JL. Dahil sa dami ng mga nakikiusyoso mula sa labas ay minabuti ng ibang pulis na isarado ang pinto sa C.R. at kami na lang ang natira kasama ang tatlong suspects.
"Hey! Bitiwan mo nga ako! Kaya kong maglakad mag-isa!" sigaw ni Bea sa officer at nagulat ako dahil biglang nag-iba ang ugali niya. Nakasunod naman sa kanya sina Elle at JL.
"Why are we here?" tanong ni JL. "Don't tell me kami ang mga suspects ninyo?"
"Yes," sagot naman ni Sir Hayate at iba-iba ang naging reactions nila. "For now, you three are our primary suspects. Especially you, Bea."
BINABASA MO ANG
Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop Fiction
Mystery / Thriller𝗘𝗿𝗶𝘁𝘆𝗶𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟭 || Infamous as a latecomer, Rainie found herself expelled from her current school due to her unpunctuality. Her seemingly ordinary life began to take a strange turn when she was forced to enro...