Kinaumagahan ay balik normal ang lahat. Maliban sa kanilang magkakaibigan na nagdadalamhati pa rin sa pagkawala ni Nico.
Mas hinigpitan na rin ang seguridad sa kanilang paaralan. Nagdagdag ng guards at inayos ang mga sirang CCTV's. Binawalan na rin ang mga estudyanteng magtungo sa likod ng mga buildings.
"Sorry natagalan" inilapag ni Reizelle ang mga biniling pagkain at inumin. "Heto orange, mango, pineapple at strawberry." Inilapag niya iyon isa-isa. "Tapos 'yung sinabi niyong paborito niyong chips." Ngiti niya pabungad.
"I said mine is grapes" taas kilay si Mary Rose. "It's my favorite drink. Hindi mo ba narinig kanina?"
"I'm sorry. Papalitan ko na lang" inagaw niya ang inumin.
"Huwag na nga lang!" Marahas ding inagaw ni Mary Rose pagkatapos ay binuksan. Agad niya iyong nilagok. "Mas masarap sana talaga kung grapes ito."
"I'm really sorry!" Nagyoko siya ng uli at napahiya sa sariling katangahan. Ang gusto niya ay tuluyan na siyang tanggapin ng grupo kaya naman kaninang inutusan siyang bumili ng kanilang makakain ay agad siyang pumunta. Mas mabilis pa kaysa sa kaibigan mong nakalimot sa iyo ng nagkasyota.
"Hayaan mo na Reizelle" pampalubag loob ni Sarah. "Bumawi ka na lang next time" kinindatan niya ito. "Everyone commits mistake. You should know that."
Tumango na lang siya. "Thanks Sarah."
Ngumiti ito pagkatapos ay itinuloy ang ginagawang pagsusulat na irereport niya next week.
"Anong gagawin natin? Vacant time natin ng dalawang oras." Si Tricia. Nakapatong ang ulo niya sa lamesa habang nilalaro-laro ang in can na orange juice gamit ang kanyang kamay.
"Borinngg!" Isinubsub ni Christopher ang mukha sa lamesa. "Kung nandito lang sana si Nico pwede sana kaming tumakas at maglaro ng..." Hindi niya naituloy ang sasabihin ng marealize niyang wala na ito.
Lahat sila ay napatigil sa kanya-kanyang ginagawa at muli na namang nalungkot.
"Pwede bang iwasan muna natin ang pag-usapan si Nico?" Hiling ni Mary Rose habang naglalagay ng pulbo. Hinalungkat ang bag at kinuha niya ang kanyang branded eyeliner. "Ayokong maistress ang beauty ko guys."
"Ako din" kibit-balikat na hiling din ni Sarah. "I need to focus guys. Ayaw kong mapahiya sa pagrereport."
"Ano pa nga ba.." Buntong-hiningang sagot ni Tricia.
"I know it is very hard but we need to forget what happens and move on" sabi pa ni Sarah. "Everyone dies. Lahat tayo ay doon papunta. Nauna nga lang si Nico" ngumiti siya ng mapait. "Mahirap man kailangan na nating tanggapin."
"Ang araw na lang ng burol ang isipin natin" saad ni Tricia. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang telepono ni Reizelle.
"Wait lang guys!" Kinalkal niya ang bag na nabili lang niya sa may bangketa. "Asan na ba 'yun?" Nguso niyang tanong habang hinahanap ang tumutunog. Nang ibalik niya ang tingin sa kanyang mga kaibigan ay napataas ang dalawa niyang kilay. "Oh, bakit kayo nakatitig sa akin ng ganyan? May dumi ba ako sa mukha o masyado lang akong maganda?" Biro niya subalit hindi sila natawa. Nakatitig lang sila sa kanya na para bang naengkanto.
"Kasi.." Si Mary Rose. Napalunok ito. Dahil sa gulat ay lumampas na ang pagkakasulat niya sa kanyang eye brow.
"Kasi ano?" Nangunot ang noo nito. "Nakakasuspense ha! Pwedeng sabihin niyo na? Nakakakaba kasi" napangiwi pa ito.
"Iyang ringtone mo. Iyan ang paboritong ringtone ni Vanessa" bulalas ni Christopher. "Mula noong nakilala namin siya ay iyan na ang gamit niya. Ang sabi niya ay paborito niya iyan."
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...