Agad na nagtungo si Sarah sa kanyang sasakyan para makaalis sa lugar. Kahit masakit ang buo niyang katawan ay pinilit niyang tumakbo mailigtas lang ang sarili.
Dali-dali niyang hinanap ang susi para paandarin ang sasakyan ngunit ng kapain niya ang leeg ng manibela ay wala iyon. Sa pagkakatanda niya ay iniwan niya iyon kanina.
"Shit!" Naibulalas niya habang napasuklay ng buhok gamit ang kanyang maruruming mga kamay.
Huminga siya ng malalim bago lumabas ngunit agad din siyang naisadlak sa kinauupuan ng mula sa kanyang likuran ay biglang lumitaw si Reizelle. Sinasakal siya nito gamit ang isang alambre.
"Akala mo siguro makakatakas ka na no Sarah?" Humalakhak na naman ito. "Pero hindi, ako ang naglagay ng kutsilyo doon at tama ang hinala kong gagamitin mo iyon. Diba sabi ko ay maglalaro tayo?"
Hindi siya makahinga sa sobrang higpit na ginagawa nito. Isa pa ay nasasaktan siya.
"Dapat sa iyo ay mamatay. Gaya ng mga kaibigan mo at gaya ng ating gurong pakialamera" matigas niyang turan habang nangigigil sa ginagawang pagsakal dito. "Ito ang gusto ni Vanessa kaya siya nagpaibalik sa akin."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Kung ganoon ay siya rin ang pumatay sa kanilang guro?
"Kung hindi sana siya nakialam at tumulong sa inyo, sana ay buhay pa siya ngayon. Masyado kasi siyang nakikialam at concern sa inyo. Inaalala niya kayo samantalang hindi naman niya alam ang buong katotohanan." Mas hinigpitan pa niya ang pagsakal dito kaya dumugo ng bahagya ang leeg ni Sarah.
Malapit na siyang maputulan ng hininga kaya iniunat niya ang braso at binuksan ang compartment. Hinanap niya ang stapler at sa isang iglap ay ipinisit niya iyon sa mukha ni Reizelle. Dahil doon ay nabitawan siya nito.
Ang bala ng stapler ay tumama sa kaliwang mata ni Reizelle habang siya ay nalaglag sa kinauupuan patungo sa may lupa. Umubo siya ng sunod-sunod habang lumalanghap ng hangin.
"Hayop ka talaga Sarah!" Sigaw nito habang tinatanggal ang nasa mata niya. Sumirit ang napakaraming dugo ng matanggal niya iyon. Mas lalo tuloy siyang ginanahan na patayin ito.
Bumangon siya at tumakbo palayo dito. Nagtungo siya sa kalsada para humingi ng tulong ngunit mukhang minamalas siya dahil maski na isa ay walang nastambang dumadaan.
Nang tumingin siya sa kanyang likuran ay patungo na si Reizelle sa kanya. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa marating niya ang kanilang paaralan.
"Tulong!" sigaw niya habang tumatakbo patungo sa guard house. Kinalampag niya ang salamin kaya agad namang nagising ang nagbabantay na guard.
Gulat man ay agad na tumayo ito. "Bakit iha?" Binuksan niya ang salaming pintuan.
"Help me!" Hagulgol niya. "Someone is trying to kill me!"
"Okay iha, huminga ka muna ng malalim. Hingang.."
Napatili si Sarah pagkatapos bumagsak sa kanyang harapan si manong guard. Sumusuka ito ng dugo at sa bandang tiyan niya ay naging basa. Ang puti nitong uniporme ay naging kulay pula. Nasaksak siya sa likod gamit ang isang matulis na bakal.
Habang umiiyak ay pinilit niyang tumingin sa kanyang harapan. Again, it was Reizelle.
"Hello again, Sarah!" nakangisi nitong bati.
"NO!" Sigaw niya at muli na naman siyang tumakbo hanggang sa marating ang tulay. Tumakbo siya ng napakabilis kahit na sugat-sugat na ang kanyang mga paa. Ngunit hindi naging sapat ang ginawa niyang pagtakbo dahil naabutan pa rin siya ng taong tinatakbuhan.
"Halika dito!" Hinablot niya ang buhok nito.
Kahit ramdam niya nahablot na ang kanyang buhok ay buong lakas pa rin na hinila ni Sarah ang sarili kaya nabunot iyon. Napasigaw siya sa sakit.
"Sinabi ng halika dito! Nauubusan na ako ng pasensya sa iyong babae ka!"
"Stop it Reizelle." Napasandal na lamang siya sa gilid ng tulay.
"Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko kayo napapatay lahat. Hangga't di ko naipaghihiganti si Vanessa."
"NO!" Wala na siyang lakas na tumakbo. Pagod na pagod na siya.
"Halika dito!" Tinalon niya ito ngunit nakailag si Sarah kaya dumiretsu ito pababa sa may tulay. Nalaglag siya!
"Reizelle!!" sigaw niya. Nang silipin niya ito ay nakakapit ito sa gilid ng tulay. "Kumapit ka at tutulungan kita."
"Please Sarah! Tulungan mo ako! Ayaw ko pang mamatay." Mangiyak-ngiyak nitong turan.
"Kumapit ka lang Reizelle. Hinding-hindi kita iiwan." Yumuko siya at iniaabot ang kamay. "Ito hawakan mo ang kamay ko. Hindi kita pababayaan."
Inabot niya iyon at hinawakan ng mahigpit. "Itaas mo ako please. Ayoko pang mamatay. Natatakot ako!"
"Basta kumapit ka lang" sinubukan niya itong hilahin.
Tumawa naman si Reizelle. "Gaga ka talaga! Agad ka namang naniwala. Isasama kita sa pagkalaglag ko!"
"NO! Please." Napakapit siya ng mahigpit ng pagbitinan ni Reizelle ang kanyang kamay.
"Hayan na Sarah! Malalaglag na tayo parehas."
"Baliw ka na! Baliw ka na!" Paulit-ulit niyang sigaw.
"Isasama na kita." Humalakhak ito.
"Hindi!" Sigaw niya. Ibinuka niya ang palad at binitiwan niya ito. "I'm sorry Reizelle."
Rinig niya ang napakalakas nitong sigaw bago ito bumagsak sa isang malaking bato. Napaupo siya sa sementadong daan at doon ay umiyak siya ng umiyak.
Thank you for reading.
Vote and comments!
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...