Chapter 6

1.8K 42 7
                                    

"Sigurado ka bang hindi tayo naliligaw?" Naiinis na tanong ni Christopher kay Tricia habang sinasabunutan niya ang kanyang sarili. Nagsisimula na rin siyang makadama ng inip. "Kanina pa tayo paikot-ikot sa lugar na ito. Ni hindi ko na alam kung nasaan tayo. Bakit ba minamalas tayo?"

Itinigil niya ang sasakyan. "Hindi ko rin alam! Parang wala itong katapusan." Nakaramdam na rin siya ng pagkabagot. Tapos gutom pa siya. It's a double kill!

Sa ngayon ay nasa isang lugar sila na hindi nila alam kung saang parte ng Santa Kapya. Nasa may mabato at lubak silang daan kung saan ang gilid ng daan ay napapalibutan ng mga napakakatayog na mga puno. Hindi rin maliwanag ang lugar dahil mapusyaw ang naibibigay na liwanag ng mga lumang poste na nagsisilbi rin nilang gabay. Tahimik din ang paligid at ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang radyo sa loob ng sasakyan at mga huni ng panggabing hayop at insekto. Halos wala ring kabahayan sa paligid. Silang dalawa lang ang gising dahil dis oras na ng gabi. Ang kanilang kaibigan kasama si Reizelle ay natutulog na sa may likod ng dala-dala nilang sasakyan. Si Nico ay nakanganga habang tumutulo ang wagas nitong laway samantalang sina Mary Rose at Sarah ay magkadikit ang ulo.

"Napakagulo kasi nitong ibinigay ni ma'am na mapa. Ni hindi ko maintindihan." Sabi niya pagkatapos bali-baliktarin ang hawak na papel na manilaw-nilaw.

"Sinabi mo pa." Sang-ayon nito. "Dapat ay nag google map na lang tayo."

"May problema ba?" Pupungay-pungay na tanong ni Reizelle. Naghikab ito at nagtanggal ng muta.

"Wala!" Galit na sagot ni Tricia.

"Tricia calm down." Sita ni Christopher. "Wala namang mangyayari kung magagalit ka. Nagsasayang ka lang ng lakas."

"Ewan ko ba kung bakit pinasama pa kasi siya." Ngumisi ito pagkatapos tumingin kay Reizelle gamit ang rearview mirror. "Matulog muna kaya tayo Christopher?"

"Hindi maari. Mahalaga ang bawat oras Tricia."

"Patingin ako ng mapa." Ibinigay ni Christopher iyon sa kanya. "Oh! Malapit na tayo ha? Nandito tayo ngayon oh?" Itinuro niya ang isang mark sign sa may tabi nila. "Kaunting kembot na lang at makakarating na tayo."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Inagaw ni Tricia ang mapa at laking gulat niya ng makita niyang nagbago ang mga linya na nakalagay doon. "Tignan mo ito Christopher."

"Papaanong?" Napatitig siya sa kaibigan.

"Nagbago ang mga linya."

"Oo nga. Pinaglalaruan ba tayo ni.." hindi niya naituloy ang sasabihin pagkatapos niyang mapansin na nakatingin sa kanila ni Reizelle.

"Sino? Mayroon ba akong hindi alam kaya ito nangyayari sa inyo?"

"Wala kang pakialam!" Pinaandar ni Tricia ang sasakyan.

"Gusto kong malaman dahil gusto kong tumulong sa inyo. Sungit!"

"Tama na Reizelle" sabat ni Christopher. "Malaki na ang naitulong mo sa umpisa pa lang at nagpapasalamat na ako doon."

Wala na itong nagawa kundi ang sumandal sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.

---

Nagising si Sarah ng maramdaman niyang huminto ang kanilang sasakyan. Kahit inaantok ay pinilit pa rin niyang buksan ang talukap ng kanyang mga mata. Tahimik ang lugar kaya dahan-dahan siyang bumaba at lumabas ng sasakyan. Nagtaka siya ng maramdaman niyang nag-iisa lamang siya.

"Guys! Nasaan kayo?"

Lumingon at naghanap siya sa madilim na paligid. Sadyang napakadilim. Kahit na sarili niya ay hindi niya makita.

Naglakad-lakad siya at nayakap niya ang sarili ng umihip sa kanya ang napakalamig na simoy ng hangin.

"Nasaan na kayo?" Inisa-isa niyang sinigaw ang pangalan ng kanyang mga kaibigan ngunit walang sumagot. Nag-echo lamang sa lugar ang kanyang tinig.

Hindi niya alam kung saan siya papunta dahil kusang gumagalaw ang kanyang mga paa. Napatigil lang siya ng maramdaman niyang may tumusok sa mga iyon.

Mga bubog. Napakadaming bubog ang tumusok sa kanya. Napapikit siya sa sobrang sakit ng tanggalin niya ang mga iyon isa-isa. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagimbal siya ng makita niyang may mga nanlilisik na mga matang nakatitig sa kanya! Nagmula iyon sa kadiliman.

Agad siyang tumayo para tumakbo. Kahit na dumudugo ang kanyang mga paa ay tumakbo siya dahil labis ang takot na sumaklob sa kanya.

Liningon niya ang nakita subalit naglaho na iyon. Pagbalik niya ng tingin sa kanyang harapan ay nabangga niya ang isang kulay puting kabaong. Nawalan siya ng balanse at natumba sa maliliit na piraso ng kahoy. Ngayon ay alam niyang nasa kakahuyan siya.

"Bakit ba ako naririto?" Tanong niya sa sarili.

Tumayo siya at nakita niyang may limang kabaong na nakahilera sa kanyang harapan.

Napaiyak siya dahil takot na takot na siya lalo na ng maramdaman niyang may isang malamig na kamay na humaplos sa kanyang likuran. Sinubukan niyang sumigaw ngunit walang boses na lumabas mula sa kanyang lalamunan.

"Hindi ito totoo." Umiling siya habang nakapikit. "This is only a dream. I need to wake up."

Pinunasan niya ang mga luha at naglakas loob na lapitan ang isa sa mga kabaong. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan niyang binubuksan iyon.

Natakpan niya ang mga labi pagkatapos niyang makita ang bangkay ng isa niyang kaibigan. Ang katawan ni Nico. Bahagya na iyong naaagnas kaya naman napakasangsang na rin ang amoy. Nais niyang masuka.

Dahil sa nakita ay dali-dali niyang binuksan ang iba pa. Ang huling tatlong binuksan niya ay katawan din nina Tricia, Mary Rose at Christopher ang nakahimlay. Naaagnas na rin at ginagapangan na ng nagtatabaang puting oud.

Muli siyang umiyak. "Bakit? Bakit kayo naririyan?"

Nilapitan niya ang huling kabaong. Napapaisip siya kung sino ang laman non.

Huminga siya ng malalim. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya iyon na walang laman.

Nakahinga siya ng maluwag. Ang akala niya ay makikita niya ang sarili sa loob non.

"Nagulat ka no?"

Hinanap niya kung kanino ang boses na iyon.

"Reizelle?" Laking gulat niya.

"Oo, ako ito." Umikot pa ito papunta sa harap ni Sarah. "Ang cute nila no?" Sabay turo sa mga bangkay.

Napanganga siya sa sinabi nito. Naaagnas na sila. Cute pa ba iyon?

"Alam mo?" Tumingin siya dito. Napakatigas ng ekspresyon ng kanyang mga mata "Ikaw na lang ang kulang dito." Hinaplos niya ang puting kabaong. "Mumurahin lang ang mga kabaong na ito subalit bagay na bagay sa inyo."

Tumitig siya dito. Napansin niyang nakasuot ito ng puting bistida at ang bistidang iyon ay pamilyar sa kanya.

"Bagay na bagay talaga kayo dito." Ngumiti ito. "Kaya naman kukunin na rin kita."

Napaatras siya ng unti-unting magbago ang itsura ni Reizelle. Ang kaninang maputi at makinis nitong balat sa mukha at katawan ay nagbago. Naging lapnos at naaagnas. Pati na rin ang mga mata nito ay naging kulay pula na para bang lumuluha ito ng masaganang dugo. Hindi na siya makatakbo ng hawakan siya nito at hilahin patungo sa loob ng kabaong. Napakainit ng kamay nito at pakiramdam niya ay napapaso siya.

Nagpumiglas siya habang nagsisisigaw. Sinubukan niyang itulak ang salamin ngunit hindi niya kaya. Pakiramdam niya ay may dumagan doon na napakabigat.

Ang tanging nagawa na lamang niya ay umiyak habang unti-unti niyang nakikita ang pababang takip ng kabaong. At sa kanyang tabi ay ang nakangisi ngunit nakangiting si Reizelle.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon