"Tulungan natin siya!" Tumakbo si Sarah palapit sa bahay na nasusunog.
"Sarah stop it!" Agad siyang pinigilan ni Mary Rose gamit ang paghablot sa kanyang kanang braso. "Are you out of your mind? Gusto mo bang mapahamak?" Giit nito habang nakatitig sa mga mata ni Sarah na kasalukuyang lumuluha.
"Kailangan ni Vanessa ang tulong natin. Look at the house!" Itinuro niya ang nagliliyab na bahay. "Mamamatay siya. Masusunog siya ng buhay. Hindi niyo ba naiisip iyon?"
"Huli na ang lahat Sarah!" Sigaw ni Tricia. "Papaano pa tayo makakapasok diyan? Napakalakas na ng apoy kaya natitiyak kong nasunog na ang hagdan paakyat sa lugar na kinalalagyan niya."
"Hindi! Magagawa pa nating pumasok". Nagpumiglas siya ngunit hindi siya makawala mula sa pagkakahawak ni Mary Rose.
"Sarah stop it!"
"At anong gusto mong gawin ko Christopher? Hayaang mamatay na lang si Vanessa? Hayaan siyang masunog? Kasalanan natin ito." Tumalim ang tingin niya kay Nico.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan." Nagkamot ito ng ulo. "Hindi ko sinsadyang mabitawan iyong kandila kanina. Natakot lang ako."
"Ikaw pa rin ang may kasalanan" idunuro-duro niya ito. "Hindi dapat nangyari ito kung hindi ka duwag."
"It was an accident Sarah kaya don't blame me." Sumimagot si Nico. "Isa pa hindi ko rin naman ginusto iyon."
"So ganoon na lang iyon ganon?" Naisuklay niya ang kamay sa sariling buhok. "For God sake! Napakasama niyo masyado."
"Nangyari na ang nangyari. Aksidente naman ang lahat e," Si Tricia habang naglalaro ng color switch. Yeah, kahit ganito na ang sitwasyon nakakapaglaro pa rin siya.
"Pero nasusunog si Vanessa ngayon. Hindi ba kayo naawa sa kanya? Tayo pa ang nagdala sa kanya dito. Sa tingin niyo ba ay walang makakaalam nito?" Kinakabahan niyang tanong. Muli siyang tumingin sa bahay. Mahigit kalahati na ang natutupok doon.
"Wala dahil tumakas lang siya." Walang emosyong sagot ni Christopher. "Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito. Baka may makapansin pa ng sunog. Mapapahamak tayo."
"Alam mo tama ka diyan" sang-ayon ni Mary Rose kaya nauna na ito sasakyan pagkatapos bitawan si Sarah. Nagsisunoran naman sila.
"Sarah let's go!" Tawag ni Christopher. "Baka may dumating pang ibang tao. Dalian mo!"
Wala sa sarili siyang naglakad patungo sa sasakyan. Bago siya pumasok ay muli siyang tumingin sa bahay. Sa may bintana ay para bang nakikita niya ngayon si Vanessa. Nakadapa habang humihingi ng tulong. Parang naririnig niya ang labis na pagtangis nito. Ang sakit, ang init parang nakikita niyang nararanasan ngayon iyon ni Vanessa.
Umalis sila sa lugar ng biglaan. Nang tumingin siya sa kanyang relo ay lampas ala sais na ng gabi.
Lahat sila ay tahimik habang papauwi. Tanging ang musika lamang sa stereo ang nagbibigay ingay sa loob ng sasakyan.
Nang magyoko ng ulo si Sarah ay bigla niyang naramdaman ang panginginig ng mga tuhod at mga kamay. Nagsisimula na namang bumagsak ang kanyang mga luha.
"Kalma ka lang" hinawakan siya ni Tricia. "Magiging maayos din ang lahat."
"Pero kasalanan pa rin natin ang nangyari.." mahina niyang bigkas. "It's all our fault."
"Sshh! No ones fault. Tandaan mo iyan Sarah."
Tumango siya. Yumakap siya dito habang naglalandas ang kanyang mga luha. Sa front mirror ay nakatingin sa kanya si Christopher at Nico.
Ano ng gagawin nila? Namatay si Vanessa at kahit bali-baliktarin mo man ang pangyayari ay kasalanan nila. Sila ang nagdala kay Vanessa at sila rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog
Pagdating sa kanilang bahay ay agad na bumaba si Sarah. Hindi na niya kinausap ang mga kaibigan at parang wala siyang lakas nag loob na tumingin sa mga mata ng mga ito. Wala rin siyang masasabi dahil gaya nga ng sinabi ni Christopher ay tapos na ang lahat.
"Saan ka galing?" Salubong ng kanyang mama.
"Namasyal lang kami ma. Aalis kasi si Tricia ngayong bakasyon" pagsisinungaling niya pagkatapos niyang magpunas ng luha.
"Teka, umiiyak ka ba?"
"Hindi ma, bakit naman ako iiyak?" Ngiti niyang sagot.
"Magpahinga ka na at kakain na tayo mamaya" utos ng kanyang mama.
Tumango siya. Pumasok siya ng silid at napasandal sa pintuan. Muling rumehistro sa isipan niya ang ang nangyari. Kahit anong isipin niya ay kasalanan talaga nila ang lahat. Wala na. Patay na si Vanessa. Siguro ngayon ay sunog na sunog na siya gaya ng inihaw na barbecue na paninda sa may kanto.
Tumungo siya sa kanyang higaan at nahiga. Hinila ang blanket at nagkumot.
"Tandaan niyo. Hindi tayo nagkita-kita ngayong araw. Hindi natin nakita si Vanessa. Hindi natin siya nakasama at nakausap. Basta kapag may nagtanong sabihin niyong wala kayong alam."
Iyon ang sabi ni Christopher kaninang pauwi sila. Lahat daw ng kasinungalin ay gagawin nila para hindi sila madamay.
Sumang-ayon na rin siya. Ayaw niyang makulong pati na rin ang kanyang mga kaibigan. Pero hindi niya alam ang susunod na mangyayari kaya natatakot siya dahil doon ay napaiyak na lamang siyang muli.
Media:
Siya si Sarah. Typical high school girl. Karaniwang suplada pero sa totoo lang ay mabait talaga. Siyanga pala, tinagurian siyang campus queen dahil sa napakainosente at napakaganda niyang mukha.Vote and comments! Thanks.
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...