"Nico! Nico!" Hinatak ito ni Christopher mula sa pagkakasandal sa tabi ng bowl.
Takot na takot ito habang sumisigaw at nagpupumilit na sumuksok sa gilid. Para itong isang bata na naligaw kung saan at umiiyak. Nang hindi ito matigil sa pagpapanic na ginagawa ay sinampal ito ni Tricia.
Napatigil ito at nahimasmasan pagkatapos ay luminga-linga sa paligid.
"Nandito siya." Garalgal nitong bigkas habang yakap-yakap ang sarili. "Nakita ko ang mga paa niya.. Papunta siya sa akin."
"Sino ang tinutukoy mo? Hingang malalim, okay? Para maintindihan ka namin. Breathe in, breathe out."
"Nandito nga siya Tricia! Papaano ako makakakalma? Nandito si..."
Tinakpan niya ang bibig ng kaibigan pagkatapos at tumingin siya kay Christopher. "Hindi mo na kailangang banggitin ang pangalan niya. Alam na namin."
Inakay nila ito palabas ng banyo.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Mary Rose. "Bakit mukha siyang sinapian? Basa pa iyang damit niya."
Nang mapansin ni Christopher na pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante ay nagsinungaling ito. "Nadulas lang siya kaya siya ganyan."
"Uh, ganon ba? Engot ka talaga Nico" ngumisi si Mary Rose kahit na nakatanggap siya dito ng masamang tingin.
"Uuwi muna ako" ani ni Nico habang hinahabol pa rin ang sariling paghinga. Ang kanyang mga kamay ay patuloy pa rin sa panginginig.
"Kaya mo bang magmaneho?" Tanong ni Sarah. Mababakas sa kanyang boses ang pag-aalala. "Magpahatid ka na lang kaya kay Christopher baka mapaano ka pa daan."
"Kaya ko. Huwag kang mag-alala" mahina niyang sagot. "Kayo rin, ang mabuti pa ay umuwi muna kayo. Total wala pa tayong adviser. Bukas na lang tayo magkita-kita."
Kahit naguguluhan ang iba sa kanila ay sinunod na lamang nila ang sinabi ni Nico. Kung uuwi ang isa. Uuwi din silang lahat. Total wala rin naman silang gagawin.
---
Bumaba si Tricia sa kanyang kotse ng makarating siya sa kanilang bahay. Agad na dumampi sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin.
"Hey Scott" bati niya sa kanyang aso ng hindi matigil ito sa katatahol. "What's wrong?" Hinaplos niya ito at sinubukang patigilin ngunit patuloy pa rin ito sa pagtahol. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya. "Diyan ka na nga!" Naiinis niyang turan tiyaka siya tumayo.
Tahol pa rin ito ng tahol at galit na galit habang nakatingin sa likod ni Tricia.
Tinignan niya itong muli. Nakalabas ang matatalas nitong ngipin na para bang may gusto itong lapain malapit sa kanya. Nagtaka siya doon dahil wala naman siyang ibang kasama.
"Just shut up Scott! Okay? Nagugutom ka lang" sabi niya.
Kinuha niya ang susi para buksan ang nakalock na pintuan. Inikot-ikot niya ang lock ngunit ayaw namang mabuksan iyon.
"What the hell bruh?" Kunot-noo niyang tanong. Napakaingay na nga ni Scott di pa niya mabuksan ang pintuan.
Huminga siya ng malalim at iniikot ang susi. Sa wakas ay bumukas na iyon.
"Yes!" Tuwang-tuwa niyang sigaw.
Dumiretsu siya sa sariling kwarto at nagbihis. Isinuot niya ang isang kulay pink na bistida na niregalo ng daddy niya. Hindi iyon ang ideal na sinusuot niya pero dahil nasa bahay lang siya, okay na rin. Mas gusto niya kasi ang mga boyish dress.
Nang makapagpalit siya ay bumaba siya ng hagdan. Kamamadali niya ay hindi niya napansin ang nakatayong pako kaya naapakaan niya iyon.
"Aray!" Bulalas niya. Buti na lang at nakahawak siya sa may bintana. Kung hindi ay gumulong na siya pababa.
Umupo siya habang nakatitig sa paang dumudugo. Nainis siya bigla sa nangyari at nagtaka siya kung bakit may nakalagay na pako roon. Ang masama pa ay nakatayo ang pako at nakataas ang tulis nito.
Paika-ika siyang pumasok ng banyo para hugasan ang natusok na paa. Nang mahugasan niya ito ay naglagay siya ng alcohol. Napapikit siya at napakagat labi dahil sa labis na hapdi.
"So shit!" Bigkas niya habang nakatirik ang kanyang mga mata.
Tumayo siya para lumabas. Nang malapit na siya sa may pintuan ay dahan-dahang iyong nagsara kaya napatigil siya. Rinig na rinig niya ang lagitgit ng kahoy na pintuan.
Tumingin siya sa bintana dahil nagbabakasakali siyang inilipad lamang ng hangin iyon subalit nakasara naman ito. Nakalock pa nga.
Nang magyoko siya ng ulo ay napansin niyang muling dumudugo ang kanyang paa kaya bumalik siya para hugasan ulit ito.
Pagharap niya sa salamin ay nasindak siya ng makita niyang may nakaputing babaeng nakatitig sa kanya mula sa kanyang likuran. Ang mga mata nito ay mapupula at tila ba galit na galit. Gusto niyang sumigaw ngunit mas pinili niyang manahimik.
Liningon niya ito ngunit bigla itong nawala. Hindi niya alam pero biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso kaya nasapo niya ang kanyang dibdib.
Muli siyang tumingin sa salamin ng dahan-dahan habang nakapikit. Nagbabakasakaling makikita niya ulit ito. Idinilat niya ang kanyang mga mata at ang tanging nakikita niya ngayon ay ang kulay brown ng nakasarang pintuan.
Napabuntong hininga siya. Naisip na lang niyang stress siya. Lalo na at malapit ng magsimula ang pinoy big brother.
Maya-maya ay biglang nabuhay ang shower bagay na ipinagtaka niya. Habang papalapit siya para patayin iyon ay unti-unti naman niyang naaaninag ang imahe ng isang nakatayong babae sa likod ng shower curtain.
Napalunok siya. Hinawakan niya ang shower curtain at dahang-dahang hinawi iyon at nanlaki ang kanyang mga mata pagkatapos niyang makita ang umaagos na tubig na may kasamang abo.
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. SALAMAT PO <3
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...