Chapter 15

1.4K 42 0
                                    

Nagpumiglas siya ng maramdaman niyang may malamig na mga brasong yumakap sa kanya. Sinubukan niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa ng matakpan ng kamay ang kanyang bibig. Siya na ba ang susunod? Siya na ba ang mamamatay? Oh God! Hindi pa siya handa.

"Shhh! Huwag kang maingay. Baka mahuli tayo." Bulong ng taong nakayakap sa kanya.

Kilala niya ang boses na iyon. Nang matanto niya kung sino iyon ay tumigil siya at kinalma niya ang sarili.

Nang makita nila ang papalapit na ilaw ay nagtago sila sa likod ng pintuan pagkatapos ay yumoko. Maya-maya ay nawala na ang ilaw na nagmumula sa labas.

"What are you doing here?" Mahina niyang tanong pagkatapos makahinga ng maluwag. Jesus Christ! It was Reizelle. Akala niya ang isang serial killer na ang humablot sa kanya at akala niya ay katapusan na rin niya.

"Ikaw bakit ka naririto? I mean kayo." Balik tanong ni Reizelle.

"Ikaw ang nakita ko sa kabilang bintana kanina. Am I right?"

Tumango ito. "Akala mo siguro multo" biro nito ngunit hindi natawa si Sarah kaya agad din siyang nagseryoso. "Agad akong lumipat at sumunod dito ng makita ko kayo."

"Ano bang ginagawa mo dito? Dis oras na ng gabi" kunot noo niyang tanong.

"Nagbabakasakali kasi akong makakahanap ng clue tungkol sa nangyari kay Nico" sagot naman nito.

Nagsalubong ang kilay ni Sarah. "Why do you care so much? Bakit ka sumasali at nakikigulo? Hindi mo naman kami kaano-ano."

"Gusto ko lang makatulong. Iyon lang." Tumayo ito at sumilip sa salamin ng pintuan. "Wala na siya. Maari na tayong lumabas."

Tinungo nila ang hagdan pababa.

"Nasaan na kaya sila?" Tanong ni Sarah. "Bigla silang nawala na parang bula. Nakakainis!" Padabog niyang turan habang napapakamot sa kanyang ulo.

"Subukan mo kaya silang tawagan para malaman natin." Suhestiyon nito.

"Di na kailangan. Malamang nasa kotse na ang mga iyon." Umakyat ito ng bakod para umalis ngunit napatigil siya ng mapansin niyang hindi gumagalaw si Reizelle. "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Masyado ng malalim ang gabi. Isa pa ay delikado dito. Baka totoo iyong serial killer."

Umiling ito. "May kailangan pa akong gawin dito."

"Ano iyon?" Kunot noo niyang tanong.

"Papasok ako sa office ng principal." Nakita niya ang pagngiti nito ng bahagya dahil sa tulong ng liwanag ng buwan.

"Nababaliw ka na ba?" Naibulalas niya pagkatapos ay bumaba siya ng rehas. "Kapag pumasok ka doon at nahuli ka ay tiyak na mapapatalsik ka dito sa school. Bawal na bawal tayong pumasok doon maliban na lang kapag pinayagan tayo. Hindi mo ba alam?"

"Alam ko iyon." Mahina nitong sagot. "Pero gusto kong makita kong ano ang nangyari kahapon. Nakarecord 'yun sa CCTV. Isa pa ay sigurado akong nahagip kayo ng mga cameras ngayon kung hindi kayo nag-ingat. Kaya kahit na hindi kayo nakita ng mga security guards ngayon tiyak akong narecord ang mga mukha niyo at malalaman na malalaman ng principal iyon" isplika niya.

Bumuntong-hininga ito. Sabagay ay tama ito. Lalo na at nagpanic sila kanina ng makita ni Tricia na paakyat ang isang guard. "Sasama ako."

"Talaga?" Napangiti ito. "Sasamahan mo ako?"

"Oo na." Nagulat siya ng yakapin siya nito bigla.

"Tara na! Para makauwi na rin tayo."

Magkahawak kamay nilang tinungo ang principal's office. Pagkarating nila doon at nagulat sila ng hindi nakalock ang kwarto.

"Weird." Si Sarah. "Di naman nila hinahayaang nakabukas lang ito."

Pumasok sila ng dahan-dahan at agad tumungo sa nakabukas na computers.

"Nakapagtatakang wala ring bantay dito." Si Reizelle. "Swerte!"

"Baka may pinuntahan. Baka nagbanyo lang."

"Kung ganoon ang mabuti pa ay bilisan na natin."

Una niyang hinanap ay ang CCTV footage nila. At tama siya, nakuha ang ginawang pagtakbo nina Tricia, Mary Rose at Christopher kanina. Dinelete niya iyon agad para hindi na makita ng iba.

Sumunod niyang hinanap ay ang araw kung saan naganap ang karimarimarim na pagpatay kay Nico. Kailangan nilang makita ang nangyari. Baka sakaling makakuha pa sila ng clue.

"Heto na" tumingin siya kay Sarah. Nakapukos ito sa screen ng computer at walang kakurap-kurap.

Nakita nilang pumasok si Nico sa loob. Maayos naman ang sumunod na nangyari hanggang sa makita nilang may kung anong dinudukot ito sa loob ng piano.

"Teka, isang teddy bear?" Nagtatakang tanong ni Reizelle.

Mas inilapit ni Sarah ang mukha niya sa screen at napahawak siya sa kanyang dibdib ng marealize niyang ang teddy bear na pag-aari ni Vanessa iyon. Pero papaano napunta iyon doon? Sa pagkakaalam niya ay na kay Jesusa ang teddy bear.

Maya-maya ay namatay ang ilaw sa loob ng music room. Nabalot ng kadiliman ang loob ng kwarto kaya wala na silang makita.

Napaiyak na lamang si Sarah habang pinakikinggan ang sigaw ng kanyang kaibigan. Humihingi ito ng tulong at tila ba takot na takot.

"Sarah!" Hinawakan ni Reizelle ang balikat nito at tumingin sa kanya.

Inilapag niya ang headset at nagtakip siya ng labi habang umiiyak. Ngayon ay awang-awa siya sa sinapit nito. Ni hindi nila ito natulungan kaya iyon ang ikinasasama ng loob niya. Ayaw na niyang marinig ang palahaw nito. Mas lalo lang siyang maaawa.

"Kunin mo ito." Tumingin siya sa inaabot nito. Isang flash drive. "Copy iyan ng video. Maari mong ituloy na panoorin iyan sa bahay niyo. Alam mo na.. kung sakaling kaya mo na."

Kinuha niya iyon at ibinulsa. Naglakad siya palabas na agad namang sinundan ni Reizelle ngunit hindi pa man sila nakalalabas ay napansin nilang naging kulay puti na lang ang screen ng computer.

"Nasira ata natin." Si Reizelle. "Lagot!"

"Hindi naman siguro. Tara na!"

Nang makalabas sila ng kwarto ay biglang umapir sa screen ang isang nakaputing babae habang nakatitig sa camera ngunit hindi na nila iyon nakita.

--

"Saan ka ba nanggaling?" Naiinis na salubong ni Tricia kay Sarah. "Kanina pa kami naghihintay sa iyo. Antagal-tagal mo at bakit naririto ang babaeng iyan?"

"Galing kami sa principal's office."

"Are you out of your mind Sarah?" Nanlaki ang mga mata ni Mary Rose. "Papaano kong nahuli ka?"

"Hindi lang ako kundi lahat sana tayo." Mariin niyang bigkas. "Nakuhanan tayo ng CCTV kaya kinailangang mabura iyon. At salamat kay Reizelle dahil siya ang tumulong sa atin."

"Totoo ba?" Tanong ni Christopher.

Tumango naman si Reizelle. "Binura namin iyong kuha."

"Maraming salamat kung ganoon" lumapit si Mary Rose dito at pinisil ang magkabilaang palad nito. "Kung malalaman iyon ng faculty ay tiyak na papapuntahin ang parents namin at ayoko sanang mangyari iyon."

"Wala iyon." Gumanti ito ng pisil. "Ewan ko ba pero parang napakalapit kasi ng loob ko sa inyo. Gustong-gusto ko kasi kayong tulungan."

Dahan-dahan namang lumapit si Tricia. "Kung ganoon ay salamat din" ngumiti ito, "at patawad sa mga nasabi ko sa iyo dati. Sana ay hindi mo minasama ang mga iyon. Okay ka din pala."

"Hayaan mo na. Wala naman sa akin ang mga bagay na iyon." Ngumiti rin ito ng bahagya. "Hindi naman ako sanay na magtanim ng sama ng loob."

Umuwi na silang lahat kasama na si Reizelle. Inihatid na rin nila ito sa kanilang bahay.

VOTE AND COMMENTS <3

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon