"Tuloy bukas iyan" sagot ni Mrs. Macalma pagkatapos marinig na may kumakatok sa pintuan ng kanyang office. Agad niyang itinigil ang ginagawang pagsusulat sa kanyang lesson plan.
Pumasok ang magkakaibigang Christopher, Nico, Tricia, Mary Rose at Sarah.
Agad na tumayo ang guro pagkatapos niyang makita ang mga ito. Sumilip siya sa labas at isinara ang pintuan. Para bang meron siyang kinatatakutan.
Labis ang pagtataka ng magkakaibigan sa biglaang pagpapatawag nito lalo na at oras na ng uwian.
"Bakit po ma'am?" Takang tanong ni Tricia. "May ipag-uutos po ba kayo?"
"Maupo muna kayo." Utos ng kanilang guro. Tumingin naman siya ngayon sa may bintana. Pasilip-silip pagkatapos ay hinila ang itim na kurtina.
Naupo sila sa malambot na sofa at naupo rin ang guro sa kanilang harapan.
"Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan." Mahinang bigkas ng guro. Halata sa tinig nito ang labis na pag-alala habang nakatingin sa kanyang mga estudyante.
"Ano ba iyon ma'am?" Nababagot na tanong ni Mary Rose. Inilabas niya ang make-up pagkatapos ay nagretouch na lang siya habang naghihintay sa sagot ng guro.
"Naniniwala ba kayo sa pangitain?" Mahina niyang tanong.
Nagtinginan silang magkakaibigan at napaisip sa sinabi nito.
"Kaninang kumakain kayo. May napansin ako sa inyong lima."
Nagsimula na silang magbulongan at si Christopher ang naglakas loob na magtanong. "Ano pong ibig niyong sabihin? I mean, ano po ang nakita niyo?"
"Pare-parehas kayong walang ulo. Magkakaharap kayo subalit tanging katawan niyo lamang ang aking nakita."
Sabay-sabay silang lima na natahimik at kinabahan.
"Isa pa ay may nakita akong isang babaeng nakaputi na nakatingin sa inyo ng masama. Lapnos ang kanyang balat. Itinuturo niya kayo at hindi ko alam kung ano ang dahilan."
"Ma'am huwag naman po kayong manakot. Hindi po kasi nakakatuwa."
"Hindi ako nananakot sa inyo Sarah iha. Nagsasabi ako ng totoo at sinasabihan ko lamang kayo para mabalaan. Ang pugot na ulo ang isa sa pinakamasamang pangitain sa lahat ng pangitain. Trahedya ang naidudulot nito."
"Ano po bang mangyayari kapag nakakita ka ng taong walang ulo?" Kinakabahang tanong ni Nico. Halata sa itsura nito ang labis na kaba at takot. Ni hindi na siya mapakali sa kinauupuan.
"NAMAMATAY SILA."
Nagsimula ng maiyak si Sarah habang ang apat ay muling natahimik. Lahat sila ay kinuluban ng takot sa narinig. Ito na ba ang sinabi ni Jesusa kahapon? Magkakatotoo na kaya? Nakapangingilabot isipin.
"Nagdarasal ba kayong mga bata gabi-gabi? Malakas iyong pananggala laban sa masamang pangitain na iyon."
Nagsiilingan silang lahat. Sa totoo lang ay hindi pa sila nagsisimba. Tuwing linggo ay mas gusto pa nilang magkulong para manood ng movies o di kaya ay magshopping na lang.
"Diyos ko!" Napatayo ang guro at lumapit sa kanyang lamesa pagkatapos ay hinila ang drawer. "Kailangan niyong magpunta sa isang ispiritista." Ibinigay niya ang address sa mga bata. "Malakas ang kutob ko na ang babaeng nakatingin sa inyo ang magiging dahilan ng lahat. Puntahan niyo ang taong iyan."
Tumayo sila para umalis.
"Mag-iingat kayo" habol ng guro.
"Maraming salamat sa babala ma'am" si Nico.
"May ipapasama ako sa inyo."
"Sino po?" Si Mary Rose.
"Ako" pumasok si Reizelle habang nakasukbit sa kanyang likod ang kulay gray na bag. Halatang hindi pa ito umuuwi.
"Pero bakit ma'am?" Naguguluhang bigkas ni Mary Rose. "Hindi naman na siya kailangan. Ni hindi pa nga namin siya kilala. Mukhang hindi pa siya mapagkakatiwalan. Baka mamaya siya pa ang dahilan at mapahamak kami."
"Kailangan niyo ako." Mariing wika ni Reizelle.
"Shut up! We're not talking to you." Mariin ding wika ni Tricia. "We're not giving you the power to talk kaya manahimik ka na lamang."
"Mga bata kailangan niyo siya." Halata sa boses ng guro ang paghingi ng pabor. "Isama niyo siya. Matutulungan niya kayo."
Nag-usap usap silang lima kung isasama ba nila si Reizelle o hindi.
"Sige. Isasama namin siya." Si Christopher. "Tara na Reizelle."
Sabay-sabay silang lumabas ng school building at nagtungo sa parking lot. Sila-sila lang ang nag-uusap. Tipong hindi nag-eexist si Reizelle.
"Guys! Baka gusto niyo akong kausapin kung saan tayo sasakay?" Nakangiti niyang tanong kahit medyo naiinis na siya dahil sa di pagpansin sa kanya.
Tumingin sila kay Reizelle.
"Dito tayo" si Sarah. "Medyo pagpasensyahan mo na kami. Hindi kasi kami sanay makipag-usap at makisabay sa taong mahirap. Bukod doon ay hindi ka pa naman naming tahasang kilala."
Hindi ito nakaimik sa narinig.
Nang makasakay sila sa sasakyan ay biglang nagpatay sindi ang ilaw.
"Ahem. Guys!" May itinuro si Tricia sa kanilang harapan.
Lahat sila ay nasindak pagkatapos makita ang isang lumulutang na babaeng nakasuot ng puting bistida! Unti-unti itong lumalapit sa kanila habang nakaunat ang dalawang kamay.
"Drive!" Tili ni Mary Rose.
Pero hindi makagalaw si Tricia. Pakiramdam niya ay nanigas siya. Nanatili siyang nakatitig sa lapnos na mga kamay ng babaeng unti-unting lumalapit sa kanila.
Lahat sila ay hindi alam ang gagawin hanggang sa napaigtad silang lima ng pumasok si Reizelle at isara ng malakas ang pinto ng sasakyan.
"Bakit?" Takang tanong nito. "Ayos lang ba kayo?"
Napatingin sila kay Reizelle.
"Wala ka bang nakita?" Mahinang tanong ni Nico.
Nangunot ang noo ni Reizelle. "Hello! Mayroon ba dapat?"
Nagtinginan silang lahat.
"Bakit parang takot na takot kayo diyan sa harapan natin?"
"Just ignore us" wika ni Sarah habang napapailing.
Lumabas sila ng parking lot na para bang wala sila sa sarili.
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorreurLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...