Lumabas silang apat sa silid at nagtungo sa clinic para maipagamot si Mary Rose. Agad naman siyang tinurukan ng sexy'ng school nurse ng tetanus toxude at sinabing kailangan niyang magpainject ng anti-rabies.
"Naniniwala ba kayo kay Jesusa?" Ang tinutukoy nito ay ang babaeng weird kanina sa taas ng kanilang building.
"Seriously Nico?" Taas kilay ni Sarah habang nasa tabi ni Mary Rose.
"Bakit?" Tumingin siya dito habang nakataas ang magkabilaang balikat.
"Halata kasi sa mukha mo na natatakot at naniniwala ka sa kanya." Sabat ni Christopher habang abala sa pagbuo ng rubiks cube. Kanina pa niya iyon inumpisahan subalit hindi niya mabuo-buo.
"Hindi naman. Kaso may naiisip lang ako." Nagyoko siya ng ulo at tumingin sa sahig na kulay puti.
"Then what is it?" Tanong ni Mary Rose habang inaayos ang manggas ng kanyang damit. "Nalagyan ka na ba ng pagiging baliw niya?"
"Grabe ka naman magsalita sa kanya Rose!" Sita ni Sarah. "Ganon lang talaga si Jesusa pero di naman siya baliw sa pagkakaalam ko."
"Well," namaywang ito sabay tingin kay Sarah. "Kung ayaw mo ng baliw di sinto-sinto na lang."
"Ewan ko sa iyo" napangiwi na lamang ito. "Ano ba kasi iyon Nico?"
"Nagsimula na yata akong malasin" nag-angat ito ng ulo pagkatapos ay tumitig sa mga kaibigan. "Kaya siguro laging mababa ang mga marka ko sa mga test natin dati."
"Funny!" Bigkas ni Sarah. "Lahat na lang ng jokes mo napaka-waley." Napailing ito. Akala mo naman kung ano ng seryoso.
"Last mo na iyan!" Ibinato pa ni Christopher sa kanya ang nilalaro kaya napaaray si Nico. "Tara na nga! Magmeryenda na lang tayo. Kanina pa ako nagugutom. Tiyaka balita ko maganda at sexy pa iyong bagong tindera" sabi niya sabay akbay kay Nico. Napangiti silang dalawa. "Unahan tayo sa kanya!" Sabi niya sabay takbo.
Palabas na si Christopher sa pintuan ng biglang lumitaw si Tricia.
"Watch out!" Itinulak niya muli ito papasok at natumba sila sa may semento.
"Tricia! Ginulat mo kami" giit ni Sarah. Pagagalitan pa sana niya ito subalit bigla silang napatingin sa labas ng makarinig sila ng napakalakas na ingay.
Biglang nagsibagsakan ang mga matutulis na bakal mula sa itaas ng ginagawang second floor ng school clinic. Kitang-kita nila kung papaano iyon tumusok sa may lupang tinutubuan ng bermuda grass.
Lumabas silang lahat at gulat na gulat.
"Anong nangyari?" Pasugod na tanong ng school nurse mula sa mga nagtratrabaho sa itaas. Sapo-sapo ang sariling dibdib.
"Patawad ma'am! Natanggal iyong tali." Paghingi ng matandang trabahador. "Bumigay siguro dahil sa sobrang bigat."
"Muntik niyo na akong bagsakan mga gago!" Sigaw ni Christopher. "Hindi kayo marunong mag-ingat. Papaano kung natamaan ako? Kaya niyo ba akong ipagamot? Natural hindi!" Singhal niya. "Malalaman ito ng daddy ko at ipapatanggal ko kayong lahat."
Natahimik ang matanda at napahiya.
"Enough Christopher!" Ani ni Sarah pagkatapos higitin ang kamay nito. Ramdam niyang nanginginig pa iyon sa galit.
"Ayos lang ba kayo?" Baling nurse sa kanila kaya tumango sila. "Salamat sa Panginoon at walang nasaktan."
"Yeah! Yeah!" Sagot ni Christopher habang umiiling. Naglakad ito paalis ngunit bigla itong napatigil ng magsalita ang isang trabahador.
"Iyang ugali mong 'yan ang magpapahamak sa iyo."
Liningon niya ito at gusto niyang sumbatan ngunit hindi siya makasagot ng bigla niyang makita ang nakaputing babaeng may mahabang buhok na nakatayo sa likod ng matandang trabahador.
--
"Hey!"
"Ha?" Gulat na tanong ni Christopher.
"Bigla ka na lang kasing natahimik simula ng sabihan ka ng trabahador kanina. Huwag mo ng isipin iyon."
"Tama si Tricia" sang-ayon ni Sarah habang nilalapag ang biniling pagkain sa may canteen. "Well, creepy iyong pagkakabigkas niya pero sa panahon ng Twitter at Facebook nag-eexist pa ba ang mga ganoong bagay?"
"What do you mean?" Kunot noong tanong ni Christopher.
"Gaya ng mga banta" sumubo ito ng fries. "The way the old guy talk kasi parang gaya siya ni Jesusa. Iyon ba ang iniisip mo?"
"Hindi iyon ang ikinababahala ko" tumitig siya sa mga mata ng kaibigan. "May nakita ako."
"Ano?" Si Tricia. Sinabayan pa niya ang pagsubo ng chips ang pagtatanong pagkatapos ay uminom siya ng soda.
"Hindi ano, kundi sino?" Mahina niyang bigkas. Inilapit niya ang mukha sa mga ito.
"Anong ibig mong sabihin?" Turan ni Nico. Umayos ito sa pagkakaupo at tumitig sa kanya.
"May nakita ako at sigurado ako doon. Isang babaeng nakasuot ng puti ang nakita ko. Lapnos ang balat niya sa mga kamay. Hindi ko nakita ang mukha niya pero alam kong nalalapnos din iyon." Paniniguro nito.
Napalunok sina Mary Rose at Sarah.
"Sa tingin niyo ba nagbalik siya?" Tanong ni Tricia.
"Naku! Sana naman hindi!" Nayakap ni Sarah ang sarili habang iiling-iling. Bigla siyang nakadama ng kaba. "Nakalimutan ko na iyon."
"Shut up Sarah!" Saway ni Mary Rose. "Huwag mo ng ipaalala ang dating nangyari. It was over. Huwag na tayong bumalik sa nakaraan pa."
"Hay naku!" Tumayo si Nico. "Niloloko niyo lang ang sarili niyo. Tama si Mary Rose dapat ay huwag na nating alalahanin ang nangyari. Aksidente ang lahat." Mariin niyang bigkas pagkatapos ay umalis ito at nagtungo sa banyo.
Agad binuksan ni Nico ang male comfort room para juminggle. Pasipol-sipol pagkatapos ay naghugas siya ng kamay.
Napakatahimik sa loob ng banyo at medyo madilim. Tanging agos lamang ng tubig sa may gripo ang kanyang naririnig maliban sa kanyang pagsipol.
Napalingon siya at pinatay ang gripo ng may marinig siyang hagikgik ng isang babae. Pamilyar sa kanya ang huning iyon.
"Sino yan?" Kinatok niya ang isang cubicle. "May tao ba rito?"
Muli niyang narinig ang hagikgik ngunit hindi niya matukoy kung saan iyon nagmumula kaya umikot siya at pinagmasdan ang paligid.
Dahan-dahan siyang pumasok sa cubicle. Para bang hinihila siya papasok ng biglang magsara ang pinto! Nagulat siya at nahawakan niya ang dibdib dahil sa tunog na nilikha non.
Nico..
Lumamig bigla ang likod ng kanyang tenga ng may bumanggit ng pangalan niya. Napalingon siya ng wala sa oras. Bigla siyang nakadama ng kakaibang presensya. Sa ngayon ay nararamdaman niyang hindi na siya nag-iisa.
"Sinong nandiyan!" Matapang niyang sigaw. "Kaninong prank ito? Oras na malaman ko yari ka sa akin!"
Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng cubicle ngunit hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ay may humihila iyon mula sa labas.
"Anak ng tokwa naman oh!" Napakamot siya sa kanyang ulo. "Hindi na ito nakakatuwa. Babasagin ko talaga ang mukha mo kapag nalaman ko kung sino ka."
Kinuha niya ang sariling cellphone para tawagan ang isa sa kanyang mga kaibigan ngunit nagulat siya ng may marinig siyang isang ringtone na malapit sa kanya!
"Hindi! Hindi ito totoo.." Napailing-iling siya lalo na at ang ringtone na kanyang naririnig sa ngayon ay pagmamay-ari ng taong patay na. Sigurado siya doon.
Sa sobrang nerbiyos niya sa narinig ay nabitawan niya ang kanyang cellphone at nagkalat iyon sa sahig. Yumoko siya para pulutin iyon.
Nang madampot niya ang lahat ay nakarinig siya ng mga yabag kaya sumilip siya sa baba ng pintuan.
Napaatras siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang isang pares ng nalalapnos na paa palapit sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi sumigaw para makatawag pansin sa ibang tao dahil bigla siyang nakadama ng labis na takot.
VOTE AND COMMENTS!
SORRY NA KUNG LAME IYONG STORY. ^.^
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...