FINAL CHAPTER

1.5K 44 10
                                    

Epilogue

Sarah P.O.V.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa loob ng dalawang linggo ay napakaraming hindi magandang nangyari sa amin. Sadyang napakahirap isipin na pipwede pa lang mangyari ang mga bagay na inaakala namin ay hindi totoo.

Sunod-sunod na namatay at naiburol ang aking mga kaibigan. Napakahirap tanggapin na dahil lamang sa isang pagkakamali ay nangyari ang lahat ng ito.

Pagkatapos na malaglag si Reizelle sa may tulay kahapon ay dumating ang aking mama na may mga kasamang pulis. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Basta naglandas na lamang ang napakadaming luha sa aking mga mata habang yakap-yakap ko siya. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong sabihin sa kanya ang mga karimarimarim na nangyari. Hindi ko pa kaya. Pero sinabi niyang magiging maayos din ang lahat.

Tok! Tok! Tok!

Napaigtad ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Bukas iyan" wika ko ng walang kakurap-kurap.

Pumasok ang aking mama. "Nakapag-ayos ka na ba anak?" mahina niyang tanong.

Umiling ako. "Pero malapit na po akong matapos."

"Dalian mo para makaalis na tayo." Hinaplos niya ang aking likod. "Huwag mo munang isipin ang mga nangyari."

"Sinusubukan ko po" sabi ko pagkatapos ay ngumiti ng bahagya.

"Hayaan mo at ipagdarasal natin ang mga kaibigan mo mamaya sa may simbahan."

Tumango ako. "Sige na ma, iwan mo muna ako." Bumalik ako sa aking kama pagkatapos ay naupo. Sa totoo lang ay gusto ko munang mapag-isa.

Lumabas siya ng silid kaya tinuloy ko na lang ang aking ginagawang pag-aayos ng gamit. Lilipat na kami ng bahay at lilipat na rin ako ng paaralan. Iyon ang naging desisyon ng aking mama para mas mabilis daw akong makalimot. Pero parang malabong mangyari iyon dahil sa binigay na sugat ni Reizelle sa aking mukha. Magiging peklat iyon kapag naghilom. Ang peklat na iyon ang magiging tanda ng lahat ng ginawa namin kay Vanessa. Buong buhay akong uusigin ng markang iyon.

Psst! Sarah..

Napalingon ako dahil sa tawag na iyon ng isang boses babae.

Uy, Sarah!

Isa namang boses ng lalake ang tumatawag sa akin.

Nilibot ko ng tingin ang loob ng aking kwarto ngunit wala namang ibang tao. Mag-isa lang ako. Nababaliw na ba ako dahil sa mga nangyari?

Wala sa sariling lumabas ako ng silid. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Sarah dali!

Nanggagaling ang pagtawag sa baba kaya sinundan ko ang boses.

Napabilis ang ginawa kong paglalakad hanggang sa marating ko ang pintuan patungo sa likod ng bahay.

Habang hawak-hawak ko ang seradura ng pintuan ay ramdam ko ang dagundong na aking puso. Bigla akong nakadama ng malakas na kaba, bagay na pinagtaka ko.

Binuksan ko ito at sumabog sa aking harapan ang napakaliwanag na lugar. Napatakip ako ng aking mga mata dahil hindi ko kaya ang labis na liwanag. Nang magdilat ako ay tanging usok lamang ang aking nakikita at puros kaputian. Parang wala itong katapusan.

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang malaking puno. Napakayabong ng punong aking nakikita ngunit hindi ko matukoy kong anong puno ito.

Parang may mga gumagalaw sa ilalim non kaya inanig ko sila. Napaiyak na lamang ako habang nakatitig doon. Sa ilalim ng mayabong na puno ay nandoon sina Nico at Christopher na naghahabulan. Habang sina Tricia at Mary Rose ay abala sa pagpapaganda. Nang makita nila ako ay kumaway sila sa akin habang nakangiti. Tinatawag nila ako palapit sa kanila.

"Guys.." Garalgal kong wika. Nadapa ako ng sinubukan kong tumakbo. Pero hindi ko naramdaman ang sakit dahil mas pumaibabaw sa akin ang tuwa at saya dahil muli ko silang nakita. Hindi ako makapaniwala sa ngayon. Nananaginip ba ako?

"Halika na!"

Napatingin ako sa kamay na nasa aking harapan. Makinis iyon at mukhang malambot.

"Vanessa.." Muli na naman akong napaluha.

"Halika na at itatayo kita." Ngumiti siya ng napakalapad.

Bigla akong tinayuan ng balahibo dahil sa ngiting iyon. Napakatunay ng kanyang ngiti. Ni walang bakas ng galit ang makikita sa kanyang singkit na mga mata habang nakangiti.

Hinawakan ko siya tiyaka ako tumayo.

"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.

Hindi ko siya masagot kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. "I'm sorry Vanessa.. Hindi namin sinasadya.. I'm sorry.." Tuluyan na akong napahagulgol.

Ramdam ko ang pagpisil niya sa akin bilang pagtanggap sa paghingi ko ng tawad. "Ayos na ang lahat Sarah. Let's all move on. Antagal kong narealize na hindi niyo naman talaga gusto iyong nangyari kahit na ayaw niyo sa akin."

"Im sorry.." Sa balikat niya ay humagulgol akong muli. Labis ang tuwa na aking nadarama dahil sa tingin ko ay nahanap na niya ang katahimikan. Hindi lang pala siya kundi pati na rin ang aking mga kaibigan.

"Patawad din" pahabol ni Vanessa.

Bumitaw ako sa pagkakayap sa kanya. "Salamat sa lahat..."

Tumango siya habang unti-unting umaangat ang kanyang mga paa paakyat ng langit.

"Paalam sa iyo" mahina niyang bigkas habang kumakaway.

Tumango ako habang pinipigilan ang aking pag-iyak. Maging sina Nico, Mary Rose, Christopher at Tricia ay umaangat na rin sila patungong langit. Kumakaway sila sa akin habang nakangiti.

**The End**

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon