Nagising si Sarah dahil sa tunog ng bumabagsak na tubig sa may drum malapit sa kanyang tabi. Ang ilang talsik ng tubig ay tumatama sa kanyang makinis na mukha. Idinilat-dilat niya ang mga mata para rumehistro ang imahe sa kanyang harap.
Nasa harapan niya si Tricia at nakatali sa isang upuang kahoy. Mga sampung metro rin ang layo nila sa isa't-isa. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nakatali rin siya gaya ni Tricia at ang kanyang labi ay basa. Natikman iyon ng dila niya at iyon ay maalat. Dumudugo ang ilong niya dahil sa palo sa kanyang mukha.
"Napakabilis mo namang magising" mahinang bigkas ni Reizelle habang nilalaro-laro ang kanyang buhok. "Sampung minuto ka lang na natulog pero okay na rin." Ngumisi ito.
Sinubukan niyang sumigaw dahil amoy gasolina siya ngunit nakulong lamang iyon sa kanyang lalamunan ng dikitan ni Reizelle ng packing tape ang kanyang bibig.
"Sshh! Huwag kang maingay friend" hinaplos niya ang mukha ni Sarah. "Wala namang makakarinig sa iyo. Nagsasayang ka lang ng lakas."
Sinubukan niya pa ring mag-ingay para makatawag pansin ngunit wala namang nangyayari. Nang ilapit ni Reizelle ang kanyang mukha dito ay inuontog niya ng malakas ang sariling noo.
Napaatras si Reizelle dahil sa lakas non. Dumugo rin ang kanyang noo. "You stupid bitch!" Nilapitan niya si Sarah at sinampal ng napakalakas.
Halos mabingi siya sa lakas ng sampal na binigay ni Reizelle. Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paligid.
"Para di mo ito makalimutan pati na rin ang kasamaan niyong magkakaibigan ay bibigyan kita ng sugat sa may mukha. Remembrance mo ito sa akin." Sumigaw siya ng maramdaman niya ang tulis at talas ng kutsilyo sa kanyang kaliwang pisngi. "Pero oops! Kung mabubuhay ka pa pala pagkatapos nitong gabi." Humalakhak ito ng napakalakas. "Pagpipira-pirasuhin ko ang buo mong katawan hanggang sa di ka na makilala tapos ipapakain ko sa aso. Mag-iiwan ako ng iba at ipapadala ko sa mama mo."
Umiling siya habang umiiyak dahil hindi alam ni Sarah ang gagawin. Ngayon ay natatakot na siya. Sana nga ay hindi na siya pumunta mag-isa. Pero wala dahil talagang nasa huli ang pagsisisi. Nang tumingin siya kay Tricia ay nagising na rin ito at palinga-linga sa paligid.
"Sisimulan na natin ang laro" nakangiting bigkas ni Reizelle. Naupo ito sa lamesang napapagitnaan nila. "Kayong dalawa ay naligo sa gasolina. Ngayon ang gagawin natin ay.." pinutol nito ang sasabihin pagkatapos siyang tumingin sa dalawa, "aalamin natin kung sino ang unang mamamatay sa inyong dalawa. Excited na ba kayo?"
Umiling sila parehas.
"Oh diba nakakatuwa?" Humagikgik ito. "Mula dito sa lamesa patungo sa inyong dalawa ay may nabuhos na gasolina. Tapos itong si Cindy," inilabas niya ang isang daga, "ay susunugin ko. Kung saan siya tatakbo sa inyong dalawa ay siya rin ang masusunog. Naintindihan niyo ba?"
Wala na silang nagawang dalawa kundi umiyak at umiling. Sa isipan nila ay nanghihingi sila ng tulong.
"So game na kayo?" Tumawa ito. "Heto na!" Sinilaban niya ang dagang costa. Nagpaikot-ikot muna ito sa lamesa bago ito tuluyang nalaglag. Sa kinalaglagan nito ay iyong nabuhusan ng gasolina patungo kay Tricia!
"Hayan na!" Inilabas pa ni Reizelle ang cellphone at ivinideo ang tumatakbong paderetsung apoy patungo kay Tricia.
Sumigaw si Sarah bilang pagpigil ngunit wala siyang magawa. Rinig na rinig niya ang palahaw ni Tricia habang may busal ito sa bibig. Ang takot ay damang-dama rin niya. Nagsimula ng magliyab ang mga paa ni Tricia paakyat sa katawan nito hanggang sa lamunin ng apoy ang buong katawan nito.
Ang tanging nagawa lamang niya ay umiyak ng umiyak habang tinitignan ang nasusunog na kaibigan samantalang si Reizelle ay tila tuwang-tuwa sa nangyari.
"Yehey!" Sigaw nito. "Tignan mo ito Sarah oh?" Inilapit niya ang phone dito at ipinanood ang video. "Diba? Sunog na sunog siya? Halos hindi na siya makilala oh? Napakabongga!"
Napailing na lamang siya.
"Sunod naman ay ikaw." Binuhay nito ang lighter. Unti-unti niyang inilapit iyon sa kanya hanggang sa.. Napapikit siya. Naiisip na rin niya ang mangyayari sa kanya. Masusunog siya. Magiging lapnos ang buong katawan niya at baka hindi na siya makilala. Baka agnasin na rin sila ni Tricia doon. Ngunit wala siyang naramdamang init. Kahit na katiting ay wala. Nang idilat niya ang mga mata ay nakita niyang hawak pa rin naman ni Reizelle ang lighter.
"Malas.." Nagkamot ito ng ulo. Wala na atang laman itong lighter. "Napakaswerte mo Sarah. Sandali lang ha at kukuha ako ng bago." Umalis ito at lumabas ng kwarto.
Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.
Salamat Lord.. Bulong ng kanyang isip.
Nang tumingin siya sa baba ay may nakita siya. Isang kumikinang na bagay. Ang kutsilyong pag-aari ni Reizelle. Halos mapuno na iyon ng dugo.
Para makuha iyon ay itinumba niya ang upuan kasama ang sarili. Iginapang niya ang katawan hanggang sa nasa likod na niya ang kutsilyo. Nagawa niya iyong damputin. Dali-dali niyang pinutol ang tali sa kamay at paa. Bumangon siya at ginamit ang lahat ng lakas para makalabas sa abandonadong warehouse bago pa man makabalik si Reizelle.
Vote and comments!
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...