Chapter 27

1.3K 37 0
                                    

Isang araw ang mabilis na lumipas. Hinintay nina Sarah at Tricia kung may masamang mangyayari sa kanila. Karaniwan ay laging ala-sais ang ginagawang pagpatay ni Vanessa at naalala ni Sarah na ganoong oras ito namatay noon. Malamang ay naghihiganti talaga ito.

Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone pagkatapos iyong tumunog. "Hello Tricia? Kumusta?" Kinakabahan niyang tanong

"Buhay ka!" Mababakas sa boses nito ang tuwa, "at buhay din ako."

"Oo, wala namang kakaibang nangyayari dito" balita niya.

"Pati dito, tahimik subalit hindi naman iyong nakakatakot na katahimikan."

Nakahinga siya ng maluwag at nakaramdam din siya ng saya pagkatapos niyang marinig ito. "Sa tingin ko ay tapos na nga yata."

"Tapos na talaga girl!" Bulalas nito habang bahagyang tumatawa ng mahina. "Salamat sa Diyos."

Napangiti siya. "Because GOD is real. Sige na, may gagawin pa ako."

"Ako din, lalabas kasi kami ni Reizelle. Bye!" Pagakasabi nito ay nawala na ito sa kabilang linya.

Bumuntong hininga siya. Mukhang makakahanap na ito ng bagong bff at mukhang silang tatlo na ang magiging magkakaibigan this time.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Gabi na rin ngunit maliwanag pa rin sa labas dahil sa taglay na liwanag ng bilog na buwan.

Ilang araw pa ang kailangang palipasin bago ilibing si Nico at Mary Rose samantalang si Christopher ay kaibuburol lang kagabi. Bigla na naman siyang nalungkot pagkatapos maalala ang nangyari sa mga ito. Mamaya ay ipagdarasal na lamang niya ang mga ito, na sana ay matahimik sila.

Napaigtad siya ng biglang may tumama sa salamin ng bintana. Isang ibon, dahil sa pagkakabunggo ng ibon ay nabahiran ng dugo ang salamin. May sumunod pang isa. At isa pa. Isa pa ulit hanggang sa mabasag ang salamin dahil sa dami ng itim na uwak na bumangga doon.

Napaatras siya at dali-daling lumabas ng kwarto ng makapasok ang mga ito. Napuno ng ingay at itim na ibon ang loob kaya napatakip siya ng kanyang mga tenga.

Sumandal siya sa may pintuan at huminga ng malalim. Masamang pangitain daw ang itim na uwak. At sa dami ng uwak na iyon ay siguradong napakasama. Idagdag pang umatake sila.

Muli siyang napaigtad ng makita niya sa kanyang paanan ang libro ng The Dead Caller.

Bakit nandito na naman ito? Itinapon na niya iyon sa may tulay kahapon. Pinulot niya iyon. Bago siya tumungo sa may sala ay sinilip muna niya ang kwarto. Wala na ang mga ibon. Pero hindi iyon ang kinagulat niya. Kaninang lumabas siya ay napuno na ng balahibo ang loob subalit bakit napakalinis na ngayon? Tinungo niya ang nabasag na salamin. Hindi na rin iyon basag. Parang walang nangyari.

Weird..

Kinurot niya ang sarili para siguraduhing gising siya. Nasaktan naman siya kaya gising siya.

Lumabas na lang siya ng silid. Dapat ay hindi na siya manibago sa mga ganoong bagay lalo na at nakasaksi na siya ng mga kababalaghan.

Naupo siya sa sofa at wala sa sariling binuklat niya ang libro. Muli niya iyong binasa.

'dugo ng taong tumatawag ang pinakaunang kasangkapan sa pagtawag'

Inulit niyang basahin ang linyang iyon. Anong ibig nitong sabihin?

'matinding koneksyon nila sa isa't-isa ang pinakamalakas na kasangkapan'

Sa pagkakatanda niya ay hindi naman si Jesusa ang nagbigay ng teddy bear. Posible kayang nagkamali sila?

Biglang pumasok sa isipan niya si Reizelle. Muli niyang naalala ang peklat nito sa may pupulsohan. Isa pa ay ang reaksyon nito noong una siyang pumasok at umupo sa bakanteng upuan ni Vanessa. Tila ba siya ay nalungkot noon at sa pagkakatanda niya ay may pahaplos pa itong ginawa sa nakabakat na pangalan ni Vanessa. Parehas din sila ng paboritong ringtone.

Tumayo siya at napaisip ng malalim. "Hindi! Hindi naman siguro. Baka naman nagkataon lang ang lahat."

Bumalik siya sa kanyang silid at kinuha niya ang bag. Ayaw na niyang tignan ang libro kaya ang gagawin niya ay magbabasa na lamang siya ng pocketbook. May hiniram siya kay Reizelle noong nakaraang araw. Hinugot niya iyon sa loob ng bag. Pagkalabas ay may nahulog na isang papel na nakaipit sa pocketbook.

Kinuha niya iyon. Hindi lang iyon basta papel kundi isa palang larawan.

Pakiramdam niya ay nanghina ang kanyang mga tuhod pagkatapos niyang makita iyon. Napaupo siya sa kama ng wala sa oras.

Ang larawan ay kay Reizelle at kasama niya si Vanessa. Luma na rin ang larawang iyon. Siguro ay kuha iyon noong nasa elementarya pa sila. Sa baba ng larawan ay may nakasulat.

"Bestfriends Forever"

Nanginginig ang tuhod niya habang papalapit sa kanyang telepono. Nanganganib si Tricia ngayon dahil tama siya! Si Reizelle ang may kagagawan ng lahat at hindi si Jesusa! Sapat na ang ebidensiyang hawak-hawak niya.

"Hello?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Tricia makinig ka! Huwag ka ng tumuloy. Huwag na huwag kang makikipagkita kay Reizelle dahil mapapahamak ka lang" nangangatal niyang babala.

"What?"

Inulit niya ang sinabi dito.

"Kasama ko na siya ngayon at nandito kami sa may abandonadong warehouse malapit sa may school. May itatapon lang daw siya dito" imporma naman niya.

"Umalis ka na diyan! Dalian mo, siya ang tunay na tumawag ka Vanessa at hindi si Jesusa! Magbestfriend sila!" Halos isigaw na niya iyon.

Agad na natahimik si Tricia. Nang lumingon siya sa kanyang likod ay bigla na lamang siyang bumagsak dahil pinalo siya ni Reizelle ng tubo sa may ulo.

Vote and comments! Salamat. Past will be reveal.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon