Magkakasunod silang lumabas ng bahay pagkatapos makita ang mga nakakatakot na itsura ng mga kaluluwa. Lahat sila ay hangos na hangos sa ginawang pagtakbo.
"Ano ang mga iyon?" tanong ni Mary Rose. Mababakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat at takot.
"I don't know" sagot ni Tricia. Napahawak siya sa sariling dibdib. "Mukhang kaluluwa ng mga taong namatay. Napakacreepy ng mga itsura nila."
"Sinabi ko na kasing huwag niyong bubuksan" galit na sagot ni Sarah. "Pero hindi kayo nakinig sa akin. Tignan niyo tuloy ang nangyari? Hindi natin alam kung ano ang mangyayari pagkatapos silang makawala."
"Di ikaw na ang magaling" naningkit ang mga matang sigaw ni Mary Rose habang nakatitig kay Sarah.
"Tama na" saway ni Christopher. "Hindi ito ang tamang oras para mag-away away tayo."
"Kasalan niyo pa rin ito!" Matigas na paninisi ni Sarah.
"Guys tignan niyo!" Itinuro ni Nico ang bahay. Sa loob noon ay napakaliwanag.
"Hindi!" Sigaw ni Sarah. "Nandoon pa si Vanessa."
--
Sa nakakabulag na liwanag ay doon nakatingin si Vanessa. Hindi niya alam kung nasaan siya. Naglalakad lang siya sa lugar na puros kaputian.
Habang naglalakad ay nararamdaman niyang nanginginig ang mga tuhod niya. Isa pa ay natatakot siya. Saan ba siya papunta? Wala siyang ideya, ni hindi niya alam kung nasaan siya ngayon.
Ramdam niya sa kanyang pisngi ang paglandas ng kanyang luha. Napahinto siya. May babae sa kanyang harapan at hindi niya kilala kung sino ito.
Bagama't kinakabahan siya ay nilapitan niya pa rin ito. Umikot sa kanyang harapan ang isang babaeng walang mukha kaya napaatras siya.
"Huwag kang matakot" umalingawngaw sa paligid ang boses nito na para bang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"S-sino ka? Nasaan ako?" nanginginig ang kanyang labi habang nagtatanong.
"Kailan mong gumising" bigkas ng babae. "Kailangan ay gumising ka na ngayon bago pa man mahuli ang lahat" babala pa niya.
"Ha? Pero hindi kita maintindihan" iiling-iling niyang sagot.
"Gumising ka na!" Nagulat siya ng bigla siyang talunin ng babae. Nagsisisigaw ito. "Gumising ka na! Gumising ka na!"
Napasigaw din siya. Ramdam niya ang pagbaon ng kuko ng babae sa kanyang magkabilaang balikat habang siya ay niyuyogyog nito. Itinulak niya ito at dali-dali siyang tumakbo. Tumakbo siya ng tumakbo patungo sa lugar na hindi niya alam. Kahit saan talaga siya tumingin ay puro puti ang kanyang nakikita. Tumigil siya para huminga hanggang sa lumindol at mabiyak ang lupa. Bago pa man siya makahuma ay nalaglag na siya sa kadiliman. Wala siyang ibang alam gawin habang siya ay nalalaglag kaya pumikit siya at nagdasal hanggang sa..
Napasinghap siya habang hinahabol ang sariling paghinga. Labis na pagod ang kanyang nararamdaman. Nang ibinaling-baling niya ang ulo ay nasa nasusunog na siyang kwarto. Wala na ang babaeng walang mukha. Kung kanina ay parang nasa langit siya dahil sa kaputiang paligid ngayon naman ay parang nasa impyerno siya dahil sa init na naibibigay ng napakatinding apoy.
Ipinikit niya ang mga mata pagkatapos ay nagmulat. Wala siya sa impyerno kundi nasa totoong mundo na siya. Ang bahay na kinalalagyan niya ay nasusunog.
"Ano ito?" Nanlaki ang kanyang mga mata. Maliban sa apoy na nakapalibot sa kanya ay nagulat din siya sa mga nakikita. Napakadaming nakaputing tao ang nasa loob din ng kwarto. Ang ilan ay lumilipad-lipad pa.
Umikot siya para tumungo sa may pintuan at para makalabas ngunit hindi niya iyon nagawa ng harangin siya ng lalaking may iisang mata at sabog ang ulo.
"Ahh!" Napasigaw na naman siya at natumba sa may sahig. "Ano ito?" Mangiyak-ngiyak na niyang sigaw. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Nababaliw na ba siya o nagtagumpay sila sa ginawa? Pero hindi dapat ganito, hindi niya inaasahang napakaraming espirito ang matatawag nila at lalabas.
Habang nakaupo sa sahig ay biglang natanggal ang kahoy na nasa kanyang itaas dala ng apoy. Dahil sa sobrang lakas ng apoy ay natupok na ang mga kahoy. Nagawa niyang tumalon kaya hindi siya nabagsakan.
Kahit na takot na takot na siya sa nakikita ay naglakas loob pa rin siyang lumabas. Nang nasa may hagdan na siya ay halos wala na siyang makita. Punong-puno na ng usok ang daanan at sumasakit na ang kanyang mga mata.
"Guys? Nasaan na kayo?" Umubo siya ng tatlong beses. Nahihirapan na rin siyang huminga. "Ligtas na kayo?"
Ibinaba niya ang paa sa may hagdan ngunit binawi rin niya agad iyon ng bumagsak iyon. Talagang napakalakas na ng apoy. Kahit saan siya tumingin ay mga nag-aalab na bagay na lang ang nakikita niya.
Sinubukan niyang dumaan sa may bintana. "Shit!" Bigkas niya. Nakakandado naman iyon. Unti-unti na siyang nanghihina at hinahabol ang hangin na nasa paligid.
Mula sa bintana ay natatanaw niya ang mga kaibigan. Nanlaki ang kanyang mga mata pagkatapos makitang nakatayo at walang ginagawa ang mga ito. Hindi sila humihingi ng tulong.
"Tulungan niyo ako" pagmamakaawa niya habang dahan-dahan na siyang sumasalampak sa sahig. "I dont wann die! Please help me!"
Nang muli siyang tumingin sa mga ito ay gaya pa rin sila ng dati. Walang ginagawa. Ni walang humihingi ng tulong para sa kanya. Doon siya nagising at natanong sa sarili "wala ba talaga akong halaga sa inyo?"
Biglang bumangon at namuo ang galit sa kanyang dibdib. Habang ramdam niya ang init at sakit ng apoy ay nanatili siyang nakatitig sa mga ito.
"Humanda kayo! Babalik ako! Babalikan ko kayo at maghihiganti ako!" Malakas na sumpa niya sa sarili. Nanlisik ang kanyang mga mata at punong-puno iyon ng galit.
Media:
Siya si Tricia. Medyo bad girl. Kahit boyish maganda pa rin. Karamihan ay takot sa kanya. Kung ayaw mong matumba tuwing dadaan siya, pwes tumabi ka.Vote and comments.
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...