Kasalukuyan..
Ramdam ni Tricia ang pagtulo ng mainit na dugo sa kanyang sintido pagkatapos matanggap ang napakalakas na hampas ni Reizelle. Paikot ang kanyang nakikita na animo'y umiikot ang buong paligid pagkatapos niyang tumitig dito.
"Ikaw pala" mahina niyang bigkas habang nakahandusay sa sahig. Sa sobrang lakas ng tinamo niya ay agad siyang nanghina.
Ngumisi ito habang nakatitig din sa kanya. "Huli ka na." Kumalansing ang bakal na tubo ng bitawan niya iyon.
Sinubukang tumayo ni Tricia para tumakbo ngunit hindi niya magawa ng hilahin ni Reizelle ang kanyang mahabang buhok. Ramdam niya ang labis na sakit dahil parang maihihiwalay ang kanyang buhok sa kanyang anit. Napakalakas ng pagsabunot nito.
"Let me go!" Hinawakan niya ang kamay nitong nakasabunot sa kanya. "Bitawan mo ako you idiot."
"Ano ako tanga? Hindi ako kagaya ni Vanessa na susunod sa bawat inuutos mo." Marahas niya itong hinila papasok sa abandonadong warehouse.
"Sinabi ng bitawan mo ako." Sigaw niya. Nakagawa ng paraan si Tricia para kagatin ang kamay nito kaya siya nakawala at dali-daling tumakbo.
"Aray ko! Hayop ka talaga!" Hinabol niya ito ng makita niyang patakbo itong tumutungo sa kanyang sasakyan. "Akala mo ba makakatakas ka sa akin? Hindi kita hahayaan!" Sigaw din niya. Inilabas niya mula sa kanyang likurang bulsa ang isang kumikinang na bagay at sinaksak niya ito sa may likuran. Isa iyong maliit na kutsilyo na ginagamit sa paghiwa ng daing na bangus.
Impit ang sakit naramdaman ni Tricia ng tumarak iyon sa kanyang kanang balikat. Ramdam niyang tumulo ng sariwang dugo sa kanyang likuran. Dahil doon ay nasubsub siya sa maalikabok na lupa.
"Masakit hindi ba? Napakasakit?" Matigas niyang tanong. Itinarak niyang muli ang kutsilyo dito pagakatapos ay agad ring binunot. "Pero wala iyan sa sakit na ibinigay niyo sa amin ng patayin niyo si Vanessa. Pinatay niyo siya ng walang awa."
"Aksidente lang iyon" depensa niya at tuluyan na siyang napaluha ng masaksak siya ng ikatlong beses malapit sa kanyang kidney.
"Kayo ang may kasalanan. Kayong magkakaibigan. Kayo ang nagdala sa kanya doon kaya siya nasunog at namatay." Muli na naman niya itong sinaksak sa ikaapat na ulit dahil labis na galit. Masyado na siyang nag-aalab sa sobrang galit na kanyang nararamdaman. Reizelle can't control herself now. She only want's revenge.. To kill Tricia.
Gumapang siya patungong sasakyan. "Itigil mo na ito, please? Hindi ka ba natatakot sa mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito? Makukulong ka sa isang teenage facility. Magiging isa kang kriminal at sa mata ng mga tao ay huhusgahan ka. Mararanasan mo iyon araw-araw."
Muli niya itong sinabunutan. "Alam ko iyan gaga!" Inilapat niya ang kutsilyo sa leeg ni Tricia. "Nasaan na ang matapang na Tricia na nakilala ko? At Itigil? Nagpapatawa ka ba? Nagsisimula pa lang ako. Isa pa ay nag-eenjoy akong makitang nahihirapan ka habang dinudugo." Humalakhak ito. "Sa totoo lang ay pwede ko ng laslasin ang leeg mo kagaya ng isang baboy subalit nagpipigil lang ako. Ayoko pa!"
"Hindi ganito ang Reizelle na nakilala ko kaya please lang" pikit mata niyang pagmamakaawa. "Itigil mo na ito."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Reizelle na animo'y mas nagalit sa sinabi nito. "Hindi ako titigil dahil nararapat lang sa iyo ito. Dapat ay maranasan mo din ang sakit. Isa pa, you don't know me yet Tricia" bulong niya dito. "Hindi mo pa ako lubusang kilala."
"Pinagkatiwalaan kita! Papaano mo ito nagawa sa amin?" Umiiyak niyang tanong.
Humalakhak ito ng mapait. "Isa pang masakit iyan diba? Na ang taong pinagkakatiwalaan mo ay niloko ka. Ganyan din kayo kay Vanessa. Pinagkatiwalaan niya kayo pero anong ginawa niyo? Pinatay niyo siya! Nang dahil sa kagaguhan niyo ay namatay siya ng maaga."
"Hindi nga namin siya pinatay!" nakaramdam siya ng labis na hilakbot ng tumingin siya sa mga mata nito. Kagaya iyon ng kay Vanessa. Punong-puno ng galit at pighati.
"Tumahimik ka na!" Muli niya itong sinaksak ng paulit-ulit. "Ipapatikim ko sa iyo ang ginawa niyo kay Vanessa. Total ay patay na ang tatlo mong kaibigan sa iyo ko na lang ipaparamdam ang sakit ng taong nasusunog! Mararamdaman mo ng kaunti ang bagsik ng impyerno."
Hindi na makapiglas si Tricia ng hilahin siya nito papasok sa abandonadong warehouse. Nanghihina na siya ng sobra-sobra dahil sa dami ng saksak na tinamo niya sa kanyang likod. Panay na rin ang suka niya ng dugo.
Ibinato niya ito sa isang sulok pagkatapos ay itinali ang kamay sa isang bakal gamit ang isang kinakalawang na kadena.
"Excited ka na ba Tricia? Mararamdaman mo na ang kaunting init ng impyerno." Humalakhak ito ng nakapangingilabot.
"No please.." Mahina niyang bigkas pagkatapos maramdaman ang mainit na gasolinang naibuhos sa kanya. "Stop it! I'm begging you."
---
Agad na bumaba ng kanyang silid si Sarah ng maputol ang usapan nila ni Tricia. Nanganganib ang kanyang kaibigan. Dadalawa na lang sila kaya kailangan niyang iligtas ito kahit na anong mangyari.
Habang isinusoksok niya ang susi ng sasakyan ay labis ang nginig na kanyang nararamdaman. Naghalo-halo na ang emosyong nararamdaman niya pero mas pumaibabaw ang labis na takot. Takot para sa kaibigan.
"Sarah!" Napaigtad siya ng biglang lumitaw sa kanyang tabi ang kanyang mama. "Bakit ka umiiyak? Saan ka pupunta?"
"I'm sorry mama." Mula sa bintana ng sasakyan ay niyakap niya ito. "I'm sorry." Napaiyak na lamang siya.
"Bakit ka humihingi na tawad? Ano bang nangyayari sa iyo?" Naguguluhang tanong ng kanyang mama.
"I'm sorry.." Ulit niya pagkatapos ay bumitaw siya dito. Pinaandar niya ang sasakyan at siya ay umalis. Nang tumingin siya sa side mirror ay nakita niyang sumisigaw ang kanyang mama at tinatawag siya.
Mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo. Habang nakatuon ang mga mata sa daan ay naidasal niyang wala sanang masamang mangyari kay Tricia. Both of them thought everything was over. They thought everything was okay pero hindi! Masyado silang naging kampante at hindi sila nag-imbestiga ng mabuti. Dahil sa pagiging kampante nila ay mapapahamak na naman sila.
Pagdating sa abandonadong warehouse ay nadatnan niyang napakatahimik at nakapadilim ng buong lugar. Alam niyang nandon pa sina Tricia at Reizelle dahil nandoon pa ang sasakyan ng kanyang kaibigan.
Bumaba siya ng sasakyan at dahang-dahang pumasok sa loob bitbit ang isang maliit na flashlight. Habang naglalakad siya ay ramdam niya ang panginginig ng magkabilaan niyang kamay. Dapat ay wala siya sa lugar na iyon ngayon. Dapat ay umamin na siya sa kanyang mama at humingi sila ng tulong sa mga pulis pero hindi, masyado siyang nagmadali dahil ano? Dahil natatakot siya sa pwedeng gawin ni Reizelle kay Tricia.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa madilim na warehouse. Dahil madilim ang paligid ay nabangga niya ang isang lamesang may nakaibabaw na mga timba. Lumikha iyon ng ingay at nadapa siya.
"Sarah?" Umalingawngaw ang boses ni Tricia. "Help me!"
"Tricia? Nasaan ka?" Bumangon siya at naramdaman niyang nagkaroon ng sugat ang kanyang tuhod dahil humapdi iyon.
"Tulungan mo ako!" pagmamakaawa nito. Umalingawngaw iyon sa buong paligid.
"Pero nasaan ka? Sabihin mo sa akin!"
"Dito!"
"Saan?" Umakyat siya ng hagdan.
"Basta dito."
Natanto niya kung saan nagmula ang boses. Nagmumula iyon sa kwartong nasa kanyang harapan. Agad niya iyong binuksan pero hindi si Tricia ang nakita niya kundi si Reizelle. Inaaabangan pala siya nito.
"Hi Sarah!" Bati nito sabay hampas ng pala sa kanyang mukha.
Vote and comments!
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...