Hindi gumagalaw si Vanessa. Para bang naipako na siya roon habang ang kanyang mga matang naging kulay puti ay nakatitig lamang sa isang dako. Ang kanang kamay nito ay pasong-paso dahil sa luha ng kandila. Ngunit parang hindi niya nararamdaman iyon.
"Anong nangyari sa kanya?" Nilapitan ito ni Mary Rose pagkatapos ay pinadaan niya ang palad sa mukha nito. "Hindi siya kumukurap."
Sinubukan din iyon ni Tricia. "Oo nga. Tiyaka puti na lahat ang mata niya. Napaka-creepy huh!"
"Ayos lang ba siya?" Si Sarah naman ang lumapit. Nakaramdam siya ng lamig ng hawakan niya ang kaliwang kamay nito. "Ano ba iyong binasa mo?"
"Hindi ko alam" sagot ni Tricia. "Nakita ko lang iyon sa bandang baba ng libro."
"Baka naman umeepekto na iyong dasal mo Tricia" biro naman ni Nico. "Wooh! Nakakatakot pero ang astig."
"Shut up Nico. We all know na hindi totoo ang librong iyan." Turo niya sa librong nasa lapag.
"Papaano kung totoo kaya siya nagkakaganyan?" Kinakabahang sabat ni Sarah. "Hindi naman natin alam. Hindi ba at sinabi ng librarian na delikado ngang libro iyan?"
"Hindi naman siguro." Tumayo at lumapit na rin si Christopher. "Baka naman may sakit lang siya at hindi lang natin nalalaman at umeepekto ito ngayon."
"Posible rin" sang-ayon din ni Nico habang nakahawak sa sariling baba.
"Ano ng gagawin natin? Tatawag na lang ako ng pulis." Natatarantang sabi ni Sarah.
"Nahihibang ka na ba?" Sabay na bigkas nina Tricia at Mary Rose.
"Bakit?" Kunot noong tingin niya sa mga ito. "She needs help! Di naman natin alam ang gagawin sa kanya."
"Gusto mo bang makulong tayo dahil sa trespassing?" tanong ni Tricia.
"Bakit?" Naguguluhan ito kaya tumingin siya kay Christopher.
"Kasi.."
"Kasi ano?"
"Kasi private property ang bahay na ito at itong buong lugar." Si Nico ang sumagot.
Napanganga siya! Kaya naman pala kaninang pumasok sila ay nakakandado iyong gate.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Kapag nahuli tayo ay siguradong grounded na naman ako kay mommy" naiinis niyang hayag. "Akala ko ba safe tayo sa lugar na ito?"
Napakamot na lang sila ng ulo. Obviously nagsinungaling sila sa kanya. She hate it!
"Hindi ka kasi papayag kaya di namin sinabi" sagot ni Mary Rose habang nilalaro ang sariling buhok. "Ano na? Tatayo na lang din ba tayo gaya ni Vanessa?"
"Sandali lang." Muling bumalik si Tricia sa harap ng libro.
"Ayoko na guys! Uuwi na ako." Hayag ni Sarah habang padabog na naglalakad. "Kayo na lang ang bahala dito. Mag-enjoy sana kayo."
"Pero wala kang sasakyan." Paalala naman ni Nico. "Nandito tayo sa kakahuyan rememmber?"
"Maglalakad na lang ako hanggang sa labasan." Humakbang na siya ngunit napatigil din siya agad ng may bigkasin si Tricia.
'La perswena kitamare de ombra'
"Anong nangyayari?" Tanong ni Sarah ng biglang lumindol. Ang ilaw na hawak-hawak ng bawat isa ay nagpatay sindi.
Tumayo naman si Tricia at niyakap ang libro. "Ewan ko."
"Ano na naman bang binasa mo?" Tila galit na sita ni Sarah.
"Tinuloy ko lang iyong binabasa ko kanina."
"I think it's working!" Sigaw naman ni Mary Rose habang nakahawak sa isang upuan para hindi siya tuluyang matumba.
"Ang astig naman!" Sigaw din ni Nico habang amaze na amaze sa nagyayari.
Ilang minuto rin ang nangyaring paglindol hanggang tuluyan na iyong tumigil.
"Uhm, guys?" Tawag ni Mary Rose. "Sa tingin ko ay nawawala si Vanessa."
Tumingin silang lahat sa paligid, sa lugar na kinatatayuan ni Vanessa, wala na ito.
"Saan siya nagpunta?" Si Sarah. Inilawan niya ang buong paligid.
"Malay ko" mataray na sagot ni Mary Rose. "Nashock ako sa lindol e."
Bigla silang nakarinig ng sigaw kaya dali-dali silang umakyat at tumungo sa ikalawang kwarto sa may kanang bahagi ng bahay.
Sa may pader ay nakaharap si Vanessa habang nakatulala. Ang kaninang nakasinding kandila nito ay namatay na.
"Anong nagyayari sa kanya?" Ngayon ay nakararamdam na ng takot si Sarah.
Naglakad si Vanessa palapit sa isang lumang aparador. Nang ituro niya iyon ay nabitawan niya ang kandila.
"Mukhang may gusto siyang ipakita." Ani ni Nico. Lumapit siya dito at pinulot ang kandila pagkatapos ay sinindihan para kahit papaano ay mas lumiwanag ang lugar.
"Nakakatakot na huh!" Wika ni Mary Rose habang nakakapit sa kanang kamay ni Tricia.
"Buksan natin" suhestiyon ni Tricia. "Why don't we open it?"
"Buksan natin baka may porn movies" masayang sabat ni Nico ngunit wala namang pumansin dito.
"Huh?! Are you sure?" Sarah asked Tricia.
"Tignan natin ang loob" sabi ni Christopher. "Ako ng magbubukas."
Lumapit silang lima sa aparador. Nang tignan nila ang mukha ni Vanessa ay gaya pa rin iyon kanina. Puting mga mata at nanigas na katawan.
Nang hawakan ni Christopher ang aparador ay nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya na nanggagaling sa loob.
"Bakit ka tumigil?" Tanong ni Nico.
"Tignan niyo" itinuro niya ang bukasan ng aparador. May nakadikit doon na papel na may chinese characters. "Ano ito?"
"Selyo ang tawag diyan." Sagot ni Sarah. "Sinelyuhan nila ang aparador. Huwag na lang natin buksan. Parang may hindi kasi magandang mangyayari."
"Wala iyan." Sulsol ni Mary Rose. "Buksan na natin iyan dali! Excited na ako."
Pinunit ni Christopher ang selyo. Maya-maya ay lumindol na naman. Lumakas ang hangin at nagsimula na silang makarinig ng boses ng iba't-ibang tao. Tili, matinis na halakhak at nakakabinging dalamhati.
"Anong nangyayari?" Sigaw ni Nico.
Mula sa pagkakatayo sa harap ng aparador ay tumalsik silang lima! Si Vanessa lang ang nanatiling nakatayo.
Kitang-kita nila ang paglabas ng mga nakaputing tao sa may aparador. Hindi. Hindi tao kundi kaluluwa ng mga taong ikinulong doon.
Sumigaw si Mary Rose at dali-daling lumabas ng kwarto. Ganoon din si Sarah, Tricia at Christopher habang si Nico ay nanatiling nakamata. Parang nahipnotismo ito.
"Nico!" Sigaw ni Christopher.
Nang magbalik ito sa sarili ay nakatayo sa harap niya ang isang lalaking tapyas ang kalahating mukha!
Napasigaw siya at nabitawan niya ang kandila. Dali-dali siyang tumakbo para lumabas ng silid at humabol sa mga kaibigang papalabas na ng bahay.
Media:
Siya si Mary Rose. Isa sa mga campus ultimate crushes. Sa murang edad ay naging cover na ng iba't-ibang magazines. Pinakamaarte sa kanilang magbabarkada. Guluhin mo na ang buhay niya basta huwag lang ang mga gamit niya lalong-lalo na ang make-up niya.Vote and comments!
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...