Chapter 8

1.6K 49 6
                                    

"Nakikita niyo po ba siya?" Tanong ni Nico habang napalaki ang mga mata. Naglakad at nagtago sa likod ni Tricia.

Sa ngayon ay nakatingin sa kanila ang babaeng nakaputi. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Oo naman iho. Pero huwag kayong mag-alala dahil hindi makakapasok ang isang di mapalagay na kaluluwa dito." Malumanay na sabi ng matanda. "Hinding-hindi siya makakaapak dito sa loob ng aking bahay dahil napapalibutan ito ng makapangyarihang dasal."

May isinaboy ito sa labas at biglang nawala ang babae. Isinara niya ang pintuan pagkatapos ay tinitigan sila isa-isa na animo'y kinikilatis.

"Maari na kayong maupo." Turo niya sa upuan. "Huwag kayong mangamba mga bata. Ligtas kayo dito sa loob."

Nakahinga sila ng maluwag dahil sa sinabi ng matanda. Nakakatakot lang isipin na bigla-bigla na lamang lumilitaw ang babaeng lapnos. Ang masama pa ay nakakalapit ito ng hindi nila namamalayan.

Bumalik sila sa upuang kawayan. Naiiling at gustong umiyak ni Nico ng maisip niyang niyakap siya ng isang kaluluwang hindi matahimik. Kaya pala siya nilalamig kanina dahil nakadampi sa kanya ang malamig nitong balat. At kaya pala nananakit ang batok niya dahil nakasakay ito sa kanya.

"Ngayon ano ang sadya niyo sa akin?" Pabulong na tanong ng matanda. Boses palang nito ay nakakatayo na ng balahibo kaya naman wala munang sumagot sa kanila.

Bago sila sumagot ay inilibot muna nila ang paningin sa loob ng bahay.

Masikip lamang ang lugar. Madumi at maalikabok kaya naman sina Mary Rose at Tricia ay bahing ng bahing kanina pa. Nagmukha itong abandonadong bahay na ewan. Basta ang alam nila ay creepy ang lugar.

Napapaligiran ng maraming Santo ang loob ng bahay at may mga iba't-ibang garapon na may mga laman na di nila alam kung ano iyon. Naisip na lang nilang gamot o di kaya ay panlaban sa mga masasamang espirito.

Nagtanggal muna ng bikig sa lalamunan si Christopher bago ito nagsalita. "Nakita po kasi ng guro namin na wala kaming ulo. Natakot po kami sa sinabi niyang mamatay kami kaya kami naririto. Gusto naming humingi ng tulong at siya rin po ang nagsabi sa amin tungkol sa inyo."

"Isa pa idagdag pa iyong isa naming kaklase na nagbabala rin." Sabi ni Mary Rose. "Well, medyo sinto-sinto iyon pero mukhang magkakatotoo rin iyong sinabi niya. It scares us!"

"Kayong lima hindi ba?" Itunuro niya sila isa-isa. "Hindi ka kasali." Turo niya kay Reizelle.

Tumango naman ito.

"P-pe.. Pero papaano niyo po nalaman?" Kinakabahang tanong ni Sarah. "Manghuhula din po ba kayo?"

"Hindi iha." Umiling ito at bahagyang natawa. "Nakita ko habang pinagmamasdan ko kayo pababa dito. Wala kayong ulo at masamang pangitain nga iyon. Trahedya ang dulot."

"Mamatay po ba kami?" Habang sinasabi iyon ni Sarah ay nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Lalo na ng maalala niya ang masamang panaginip kanina. Hindi niya kakayanin kung mangyayari iyon.

"Oo." Di atubiling sagot ng matanda habang nakatitig sa mga mata ni Sarah. "Iyon ang kasunod ng pangitaing iyon."

Lahat sila ay nagsitayuan at hindi alam ang gagawin at sasabihin. Si Nico ay aligaga na, si Christopher at Tricia ay palakad-lakad na para bang nag-iisip ngunit nananatili pa ring tahimik, si Sarah ay tuluyan ng naiyak samantalang si Mary Rose ay bumalik sa pag-upo at nanalamin na lang.

"Pero maaari niyong pigilan at kontrahin iyon." Nakangiting bawi ng matanda. "Lahat ng pangitain ay pwedeng kontrahin."

Nakahinga sila ng maluwag. Silang apat ay sapo-sapo ang dibdib na may napakabilis na pagpintig ng puso samantalang si Mary Rose ay nananalamin pa rin.

Nagpahid si Sarah ng kanyang mga luha at naglakas loob na magtanong. "Ano po ang dapat naming gawin para kontrahin ito? Ayaw pa po naming mamatay. Masyado pa kaming mga bata at marami pa kaming gustong gawin sa buhay" pag-amin niya.

"Humingi kayo ng tawad sa kanya. Ayon sa nakikita ko ay iyon ang pinakamabisang paraan para makontra ito."

Nagtinginan silang lima habang si Reizelle ay nagtataka sa sinabi ng matanda.

"Yun lang ba?" Tumingin si Mary Rose dito pagkatapos ay inilagay sa bag ang salamin. "Napakadali lang naman pala. Pipikit lang tayo at kakausapin siya." Pinagdikit pa niya ang palad at pumikit.

"Oo iha. Kapag ginawa niyo iyon ay matatahimik ang kaluluwa ng taong inyong nasaktan. Magtirik din kayo ng kandila sa libingan niya at magdasal. Ipagdasal niyong bumuti na ang lagay ng taong iyon at sana ay mahanap na niya ang katahimikan."

"Sandali lang! Ano bang pinagsasabi niyo lola?" Di maintidihang tanong ni Reizelle. Biglang natuon sa kanya ang tingin. "Ano ba ang ginawa nila? At para kanino sila hihingi ng tawad? Iyon ba ang dahilan kung bakit nakitaan sila na walang ulo?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Sa kaibigan nilang namatay at oo." Sagot ng matanda.

"Ano ito?" Inilibot niya ang tingin sa kanyang mga kaklase. Silang lahat ay hindi makatingin sa kanya ng deretsu.

"Ginagambala sila ng kaluluwa ng kaibigan nilang pumamaw. Siya ang rason ng lahat ng ito."

Tumayo si Christopher at bumuntong hininga. "Si Vanessa ang tinutukoy niyo. Tama po ba?"

Ngumiti ang matanda pagkatapos ay tumango. "Nakita ko na ito sa panaginip iho."

"Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit niya kayo binabalikan?" Naguguluhan pa ring tanong ni Reizelle.

"Relax Reizelle walang may gusto ng nangyari sa kanya. Aksidente lang ang lahat." Sagot ni Christopher habang pilit niya itong pinapaupo. "Just relax at huwag ka na lang magsalita, please?"

"Huwag mo ng sabihin sa kanya Christopher mukhang ayaw at wala siyang balak na maniwala" sabat ni Mary Rose. "Nagsasayang ka lang ng energy at saliva my dear friend" nakalabas na naman ang salamin nito at sa ngayon ay nagpapahid na ng red lipstick.

"Pero kung aksidente ang lahat bakit siya nagpapakita sa inyo?" Tanong pa rin ni Reizelle.

"Marami kang hindi nalalaman sa amin" walang emosyong sagot ni Tricia. "Kaya kung sana ay huwag ka ng magtanong. Naririndi at naiinis lang ako sa iyo."

"Aalis na po kami." Paalam ni Sarah mula matanda. "Gagawin po namin ang sinabi niyo para matapos na ang lahat. Tatanawin po namin itong isang utang na loob."

"Marami pong salamat" ani ni Christopher. "Magkano po ang bayad?"

"Wala iho," sabay iling. "Ginagawa ko ito ng libre." Inihatid sila ng matanda sa may pintuan. Sunod-sunod silang lumabas.

Huling lumabas si Reizelle at sa di sinasadyang pangyayari ay nagkadikit sila ng matanda. Bigla siyang hinablot nito at hinawakan sa kanang braso.

"Lapastangan!" Malakas na bigkas ng matanda sa kanya. Galit na galit ang itsura nito na para bang gustong pumatay ng tao.

Humigpit ang pagkahawak niya kay Reizelle dahilan para masaktan ito. Ang kaninang mabait na mata ng matanda ay biglang nagpupuyos na sa galit ngayon.

"Sinasaktan niyo po ako." Nagpumiglas siya at sinubukang kumawala sa pagkakahawak nito ngunit hindi niya kaya. Sa ngayon ay naguguluhan siya kung bakit biglang nagalit ito sa kanya. Dapat ba silang magtiwala sa mga sinabi nito?

"Bakit mo iyon ginawa?" Mababakas sa mga mata nito ang labis na galit at pagtatanong. "Bakit? Sumagot ka!"

"Ano pong sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan!" Nais na niyang maiyak dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Gusto niyang humingi ng tulong sa kanyang mga kaklase subalit nakalayo na sila. Napag-iwanan na siya. "Please! Bitawan niyo po ako. Natatakot na ako sa inyo."

Nang magawa niyang makawala dito ay dali-dali siyang lumabas ng bahay at patakbong bumalik sa sasakyan habang nagpupunas ng luha. Tumulong na nga siya ganito pa ang naranasan niya.

Nagulat ang lahat ng dumaan si Reizelle sa harap nila. Tumatakbo ito ng napakabilis na animo'y hinahabol ng napakasamang tao. Nang tignan nila ang matanda ay nanlilisik ang mga mata nito habang isinasara ang pintuan.

VOTE AND COMMENTS. THANK YOU SO MUCH. SIGURO NAMAN MEDYO NASAGOT NA ANG ILANG KATANUNGAN NIYO DAHIL SA CHAPTER NA ITO. SORRY KUNG LAME IYONG STORY, SADYANG GANON TALAGA. HEHE.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon