Makalipas ang isang linggo..
"Class dismiss!" Mahinang sigaw ni Mrs. Macalma pagkatapos tumunog ang school bell. Tapos na ang last period nila. "Sarah, I need to talk to you." Sabi niya pagkatapos bitbitin kanyang mga gamit sa lamesa. Naglakad at tumungo sila sa office na kanilang guro.
"What is it ma'am?" Kinakabahan niyang tanong.
Kapag pinapatawag sila ng kanilang guro ay lagi silang natatakot at kinakabahan lalo na at nalaman nilang halos lahat ng pangitaing sinasabi nito ay nagkakatotoo.
"Huwag kang matakot iha" ngumiti ito. "Gusto ko lang sabihin na sana ay ikaw ang mag-MC sa nalalapit na opening program na magaganap sa susunod na araw. Maganda kasi ang pinakita mo last year. Maliban doon ay wala na akong ibang mapili."
Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos marinig ang sinabi nito. "Sige po ma'am. I will make the script tomorrow morning pagakatapos ay ipapabasa ko sa inyo para macheck niyo kung maayos siya." Ngumiti siya ng bahagya.
"Sige iha, mag-iingat ka." Sabi ng guro pagkatapos ay nagyoko ito sa lamesa. Ang mga kuko nito ay kumukuskos sa salamin ng lamesa. Mukha na naman itong nababalisa.
Tumitig siya dito pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. "Bakit po ma'am?" May bago na naman bang pangitain na dapat nilang ikabahala?
"Ha?!" Nag-angat ito ng ulo at tumitig sa kanya.
"Ang sabi niyo po kasi ay mag-iingat ako. Para kayong nababahala. May problema na naman po ba?" Di niya maiwasang itanong.
"Ah iyon ba? Huwag mo na lamang akong pansinin iha. Walang ibig sabihin iyong sinabi ko." Ngumiti ito para masira ang tensyon na nakikita niya kay Sarah. "Don't be scared."
Tumango na lang siya at umalis ngunit hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang sinabi nito.
Mag-iingat ka.. napakalalim noong bigkasin niya iyon. Para bang may mangyayaring hindi maganda sa kanya. Habang nag-iisip ng malalim ay napabuntong-hininga na lamang siya. Bakit ba kung ano-ano ang naiisip niya? Naprapraning lang siya. Everything was finished. Everything was done.
Move on Sarah... bulong niya sa kanyang sarili.
Naglakad siya patungo sa mga kaibigan niyang kanina pa naghihintay sa kanya sa labas ng kanilang silid. Si Nico at Christopher ay nakabusangot na samantalang si Tricia at Mary Rose ay abala sa pagpipicture. Kinukuhanan ni Tricia si Mary Rose na nakasakit tiyan pose sa isa pader na feeling model. Napangiti siya ng kaunti.
Simula noong gabing nakita nilang nahigop ang kaluluwa ni Vanessa sa sarili nitong puntod ay wala ng nakakatakot na nangyari sa kanila. Everything seems fine and went to normal. Gaya sila ng ordinaryong teenagers na pag-aaral lang ang problema.
Lahat sila ay natahimik na ngunit bakit may kaba pa rin siyang nararamdaman? At ang kabang iyon ang dahilan kung bakit siya laging nababalisa. It sounds crazy pero pakiramdam pa niya ay parang may mga matang laging nakamasid sa kanya. Lalo na ngayon. Kahit gusto niyang hulihin iyon ay natatakot siyang lumingon.
Alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdam noon dahil kapag napag-uusapan nila si Vanessa ng biglaan ay agad na natatahimik ang lahat. Kailangan na talaga nilang kalimutan ang nangyari para maging masaya na sila.
"Sabay na tayong umuwi Sarah" saad ni Mary Rose. "Ihatid mo na lang ako kasi nasira iyong car ko. Hindi pa napapagawa ni daddy."
"Okay! Kayo guys?" Tumingin siya kina Tricia, Christopher at Nico.
"Sasabay na rin ako kay Tricia. Nasira din iyong big bike ko" sagot ni Christopher pagkatapos ay isinara ang zipper ng bag.
"Ako maiiwan muna" nagkamot si Nico ng ulo. "Kailangan kong magpractice ng piano sa music room dahil sinabihan ako ni Mrs. Macalma na tutugtug ako para sa opening program natin."
"Level up ka na dude!" Biro ni Christopher pagkatapos ay nakipag-fist bump ito.
"Kailangan talaga e," kibit balikat nitong sagot.
"Kung ganon ay uuwi na kami." Paalam ni Sarah.
"Mag-ingat ka dahil baka makakita ka ng mumo." Padilat na biro ni Mary Rose. "Duwag ka pa naman."
"HAHA. Nakakatawa. Sa sobrang nakakatawa nakalimutan kong tumawa" nakangising sagot ni Nico. Napasimangot na lang si Mary Rose at ibinalik ang ginagawa sa cellphone.
Umalis silang apat at iniwan nila si Nico. Nagtungo sila sa may parking lot.
"Apat na lang kayo?" Salubong ni Jesusa sa kanila ng nasa kanya-kanya na silang sasakyan. Malungkot ang mga mata habang nakatingin sa semento. Nakahawak pa ito ng isang napakaruming teddy bear.
"Ano bang sinasabi mo?" Nagsalubong ang bagong ahit na kilay ni Mary Rose. "Gumagana na naman ba ang pagkasaltik mo?"
"Iwas-iwasan kasi ang paghittit" si Christopher. "Kung ano-ano tuloy ang sinasabi mo" natatawa pa ito.
"Lima dapat kayo hindi ba?" mahinang bigkas ni Jesusa habang nanatiling nakatitig sa baba. "Pero ngayong gabi ay magiging apat na lang kayo." Bigla siyang tumingin sa mga ito. Wala silang ibang makita sa mga mata nito kundi labis na katigasan.
"Such a weirdo." Ngising turan ni Christopher habang nananatiling nakangisi. "Ano bang ibig mong sabihin?"
"Kayo magiging apat na lang" ulit nito.
"Guys kailangan ba natin siyang pakinggan?" Naiinis ng tanong ni Tricia. "Nag-aaksaya lang tayo ng oras sa kanya. Malapit ng magsimula ang PBB at ayokong mamiss ang episode ngayon." Well, Tricia is a real addict in watching PBB. She can't stop it.
"Sandali lang" si Sarah. Lumapit siya kay Jesusa. Habang naglalakad ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba na hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili. "Kilala ko ang teddy bear na iyan." Itinuro niya ito.
Ngumiti naman siya. "Natatandaan mo siya? Ang galing naman!"
"Oo, kay Vanessa iyan tama ba?" Napalunok siya.
"Oo, nakita ko diyan." Itinuro niya ang kotse ni Nico. "Pinulot ko siya kasi mag-isa lang siya. Nakakaawa siya." Lumungkot ang mga mata nito. "Napakahirap ang maging mag-isa. Talagang nakakalungkot."
"Sarah, nababaliw ka na rin ba? Bakit mo siya kinakausap? Close kayo teh?"
"Sandali lang Mary Rose." Mas lumapit pa ito kay Jesusa. Habang naglalakad siya ay naririnig na niya ang dagundong ng kanyang puso. "Ikaw ba ang naglagay niyan?"
Umiling si Jesusa habang pinapagpag ang laruan. "Hindi. Hindi ako."
"Kung ganoon ay sino?" Napalunok siyang muli habang naghihintay ng sagot mula dito.
"Si Vanessa." Napakalalim niyang bigkas habang nakangiti ng malapad.
Napatitig siya sa kanyang mga kaibigan. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong. Anong ibig nitong sabihin?
"Hay! Tuluyan na siyang nabaliw!" Iiling-iling ni Mary Rose. "Let's go guys! Nakakaistress na."
Lumapit si Christopher kay Sarah. Hinawakan niya ang kanang balikat nito. "Huwag kang matakot" sabi niya ng makita niyang nanginginig ang kanyang tuhod. "Alam nating tapos na ang lahat. Nakita natin ang nangyari sa kanya. It's over."
Tumango siya. "Sana nga" mahina niyang bigkas.
Naglakad sila patungo sa kanya-kanyang sasakyan at nilisan nila ang Unibersidad.
FEEDBACKS ARE HIGHLY APPRECIATED! Thank you :)
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...