Chapter 7

1.6K 48 6
                                    

Halos mabingi ang lahat sa lakas ng pagsigaw ni Sarah sa loob ng sasakyan. Kanya-kanya silang takip ng tenga. Ang malakas nitong tili ay umalingawngaw sa loob at labas ng madilim na kalsada.

"Sarah! Sarah! Come to your senses!" Sigaw ni Mary Rose ngunit mas pumaibabaw pa rin ang napakalakas nitong tili.

Lahat sila ay sinusubukang gisingin ito.

"Mukhang hindi niya tayo naririnig" kinakabahang wika ni Nico. "Baka maputulan siya ng litid. Ano ang gagawin natin?"

"Alam ko na!" Kahit na nagpupumiglas si Sarah dahil sa ginagawang paghawak ni Nico at Christopher ay nagawa pa ring tumungo ni Reizelle sa paanan nito. Hindi siya nag-atubili at kinuha niya ang kanang paa nito. Kinagat ang pinakamalaki nitong daliri sa paa.

Nang maramdaman ni Sarah ang sakit ay bigla itong nagmulat ng mga mata at napasinghap. Nagbalik na ito sa kanyang sarili.

"Gising na siya!" Sabi ni Mary Rose. Napapalakpak pa ito.

Kahit na nagising na ito ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Tuloy-tuloy ang paglandas ng kanyang mga luha. Niyayakap ang sarili habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang..

Ayokong mamatay..
Ayokong mamatay..
Ayokong mamatay..

Hinawakan ni Christopher ang kamay nito. "Sshh! Walang mamatay kaya tumigil ka na. Everything is fine."

Unti-unti itong kumalma at huminga ng malalim ngunit ng makita niyang nakatingin sa kanya si Reizelle ay muli na naman itong nawala sa sarili. Takot na takot ito habang nakatitig sa kanya si Reizelle. Lumabas ito ng sasakyan. Nagmadali namang sumunod ang iba.

"Sarah ano bang nangyayari sa iyo?" Unti-unti ng nakadarama ng inis si Tricia dito. "Tumigil ka na nga!" Utos nito.

"Kasalanan niya!" Itinuro niya si Reizelle habang lumuluha. "Kasalanan niya."

"Okay Sarah! We get it. Natatakot ka pero for Gods sake! Relax." Si Christopher. "Pagod na kami tapos nagkakaganyan ka pa."

Akmang hahawakan ito ni Reizelle ngunit agad na nagsalita si Sarah. "Stop there! Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Huwag na huwag mo akong hahawakan."

"Pero bakit?" Nagtatakang tanong nito. "Gusto lang kitang tulungan."

"Sarah nananaginip ka lang kanina. Binabangongot ka. Everything is fine" ani ni Mary Rose habang lumalapit dito. Nagawa niya itong hawakan at yakapin. "Tahan na."

"It was her fault. It was her fault." Mahina niyang bigkas habang umiiyak sa balikat ni Mary Rose.

"Sshh! No ones fault kaya don't point finger. Sa katunayan ay siya ang nagligtas sa iyo kaya ka nagising."

Tumigil ito sa pag-iyak habang pinupunasan ang luha gamit ang likod ng kanyang kamay. "Talaga? But how?"

"Oo. Infact she bit your toe nail. Kung ako 'yun hindi ko makakaya dahil madidiri lang ako" ngumiwi ito pagkatapos ay ngumiti. "As in ew! Kagatin ang paa? Nakakadiri kaya. Di ka pa nga ata nakapalinis ng kuko" biro na lang nito.

Sa wakas ay kumalma na rin ito ng tuluyan. "I'm sorry. Napakasama kasi ng panaginip. Hindi ko kayang isipin na mangyayari iyon. Sobrang nakakatakot."

"Ano ba kasi iyon?" Curious na tanong ni Nico. "Pwede mong ikwento."

Umiling si Sarah. "Hindi na. Ayoko ng isipin pa iyon. Hindi ko kaya." Tumingin siya kay Reizelle. "I'm sorry ulit."

"Ayos lang dahil naiintindihan naman kita." ngumiti si Reizelle. "Masaya akong nakakatulong."

Nang handa na ang lahat ay nagsimula na silang maglakad pababa sa bahay na malapit sa may ilog. Iyon ang hinahanap nilang bahay ng ispiritista.

Ang tanging ilaw nila ay ang flashlight na nagmumula sa bawat cellphone ng isa't-isa. Nahirapan silang bumaba lalong-lalo na si Mary Rose na nakasuot ng high heels dahil mabato at lubak ang daan.

"Kumatok na kayo" utos ni Nico ng makarating sila sa harap ng bahay. "Linalamig na ako dito sa labas. Tapos kumikirot itong batok ko."

Nagtinginan sila.

"Anong sinasabi mo?" Si Tricia. "Tagaktak na nga ang pawis ko dahil sa layo ng nilakad natin pababa ng kalsada. Tapos napakainit pa."

"Ako din. Pinagpapawisan na ng sobra" anas naman ni Mary Rose. Naglabas ito ng panyo at pinunasan ang sarili.

"I swear guys. Nilalamig talaga ako."

"Abnormal!" Sabi na lamang ni Christopher kaya napangiwi si Nico.

"Tao po! Tao po!" Si Tricia ang kumatok. "Anybody home?"

"Mukhang walang tao." Si Sarah. "Bumalik na lang kaya tayo bukas? Napakalalim na kasi ng gabi. Baka mahirapan tayong umuwi."

"Or worst baka maligaw na naman" dugtong ni Mary Rose habang naiiling.

"Nandito na tayo kaya wala ng atrasan." Si Tricia. "Ang hirap kayang magmaneho. Halos apat na oras tayong nagbyahe."

Muling kumatok si Christopher. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng lumang bahay.

Itinapat nila ang ilaw ng cellphone at nagulat silang lahat ng sa kadiliman ay biglang lumitaw ang isang napakatandang babae. Lahat ng buhok nito ay kulay puti. Matandang-matanda ang itsura dahil kulubot na lahat ang kanyang balat. Napaatras sila ng wala sa oras. Well, they feel scared.

"Huwag kayong matakot" sabi ng matanda. "Kanina ko pa kayo hinihintay. Pumasok kayo. Dito, dito tayo sa loob" aya nito at mas niluwagan ang bukana ng pinto.

Sa sinabi nitong kanina pa niya sila hinihintay ay biglang tumayo ang balahibo nila. Isa-isa silang pumasok sa madilim na bahay.

Binuhay ng matanda ang isang malaking kandila at iyon ang nagbigay liwanag sa lugar.

"Iyong kasama mo iho hindi ba papasok?" Tanong niya kay Nico habang nakaunat ang kanang kamay paturo sa labas ng bahay.

"Ano po?" Naguguluhan niyang tanong.

"Iyong babaeng nakayakap sa iyo kanina bago kayo pumasok. Nakaakbay siya sa iyo at nakahilig ang kanyang ulo sa iyong batok."

Nakunot ang kanilang noo at sabay-sabay silang tumingin sa labas ng pintuan at sila ay nag-umpokan sa likod ng upuan ng makita nila kung sino ang sinasabi nito. Ang nakaputing babaeng lapnos ang balat ang sinasabi nito. Ang babaeng laging sumusunod sa kanila. Siya ang yumayakap kay Nico.

"Uhh. Alam ko na" nakangiting wika ng matanda. "Siya ang ispiritong sumusunod sa inyo."

VOTE AND COMMENTS. THANK YOU.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon