Chapter 21

1.4K 37 1
                                    

Paglampas ng gate ni Sarah ay bigla siyang natigilin ng may marinig siyang boses ng dalawang taong nag-uusap. Galing iyon sa comfort room kaya lumapit siya at sumilip sa nakaawang na pintuan. Si Jesusa ang nabungaran niya at nakikipag-argumento ito. Nakaharap siya sa nakabukas na cubicle. Hindi niya makita kung sino ang kausap nito. Maya-maya ay napatingin siya sa direksyon niya kaya bigla siyang napatago.

Bakit ba siya natatakot at kinakabahan dito? Maya-maya ay nagulat siya ng padabog na lumabas si Jesusa bitbit ang teddy bear. Hinihintay niyang may susunod na lalabas ngunit wala naman. Napabuntong hininga siya. Baliw na ba talaga si Jesusa? Dahil mukhang sarili lang naman niya ang kausap niya.

Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad patungo sa kanilang silid. Pagdating niya sa kanilang classroom ay agad siyang pinagtinginan ng kanyang mga kaklase. Bigla siyang tinubuan ng hiya na dati naman ay hindi niya nararamdaman. Nagyoko siya ng ulo sa kanilang guro bilang pagbati pagkatapos ay pumasok siya.

Ramdam niyang kating-kati na ang iba na magtanong sa kanya kung ano ang nangyari kay Mary Rose. Pagkaupo na pagkaupo niya sa likod ng kinauupuan ni Tricia ay tumunog na ang bell. Tapos na ang first period nila.

"Bakit anong nangyari?" Agad siyang niyakap nito. "Totoo ba?" Hawak kamay niyang tanong.

Kahit na sinabi niya sa sarili na hindi siya iiyak kapag nagtanong ito ay hindi niya pa rin napigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha. "Oo, nakita ko mismo.. Ang katawan niya.. Biyak ang ulo niya at napakadaming dugo."

"Ang mabuti pa ay umalis muna tayo dito para makapag-usap tayo ng maayos" suhestiyon ni Christopher ng magsimula ng magsiumpokan ang kanilang mga kaklase malapit sa kanila. Halatang gusto ring makasagap ng balita ang iba.

Gaya ng sabi ni Christopher umalis nga sila. Habang naglalakad paalis ay pinagtitinginan sila. Malamang ay kumalat na sa buong campus ang nangyari sa kanilang kaibigan. Kasalukuyan na sigurong pinagpyepyestahan ng mga tsismosa. Nagtungo sila sa likod ng kanilang school building kahit na alam nilang bawal dahil doon lamang ang walang tao.

"Now take a deep breath" utos ni Tricia. "Ano bang nangyari kay Mary Rose?"

Umiling siya habang hawak-hawak ang dalawang kamay ng kaibigan. "Pinatay siya sabi ng mga pulis kagaya ng kay Nico. She was tortured too."

"Papaano siyang napatay?" Di makapaniwalang tanong ni Christopher. "Hindi ba at maigting ang seguridad sa subdivision niyo?"

Tumango siya. "Hindi ko rin alam. Wala naman akong napansing kakaiba noon hanggang sa dumaan sa harap namin ang mga pulis."

"Sino kaya ang gumawa?" Naiiling na tanong ni Tricia. "At sa dami ng tao sa lugar niyo bakit si Mary Rose pa?"

"Malakas ang kutob kong iisang tao lang ang may gawa ng lahat ng ito" mariin niyang wika pagkatapos tumingin sa mata ng mga kaibigan.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" Tanong ni Christopher habang nakahawak sa kanyang balakang.

"Oo, sigurado ako" matigas niyang sagot.

"Pero sino?" Napaisip si Tricia pagkatapos niyang bumitaw dito.

"Si Vanessa." Mahina niyang sagot. "Malakas talaga ang kutob kong siya ang may gawa ng lahat. Nagbalik siyang muli para maghiganti sa atin."

"Hayan ka na naman" tila galit na turan ni Christopher. "Kailan ka ba magigising sa katotohanang wala na nga siya? Paulit-ulit na lang tayo."

"Nagbalik nga siya!" Pilit niya. "Kailan ka ba maniniwala sa akin? Kapag tapos na ang lahat? Kapag patay ka na o di kaya ay ako?" Tila maiiyak na siya dahil sa ayaw na maniwala nito.

Nagkibit-balikat siya. "Wala ka pa ring pruweba kaya mahirap talagang maniwala."

"Tricia?!" Tumingin si Sarah dito. "Maniwala kayo sa akin!"

Hinawakan niya ang braso nito. "Pero Sarah, totoo ang sinabi ni Christopher,  wala na talaga siya. Pare-parehas nating alam iyon dahil naibalik na natin siya mahigit isang linggo na ang nakararaan."

"Heto panoorin niyo." Inilabas niya ang laptop at ipinapanood ang CCTV Footage na gusto niyang ipanood kay Mary Rose kagabi.

"Ito ba ang kuha noong pinatay si Nico?" biglang namula ang mga mata ni Christopher. "Saan mo ito kinuha at bakit may kopya ka?"

"Binigay ito ni Reizelle sa akin noong pumasok kami sa principal's office, hayan!" Tinuro niya ang screen. "Lalabas si Vanessa diyan. Duguan ang kanyang mga mata. Humanda kayo dahil tititig siya sa atin habang nakangiti."

Pinagmasdang mabuti ni Tricia at Christopher ang video ngunit wala namang lumalabas.

"Nasaan ba?" Giit ni Tricia habang naiinip.

"Hintayin niyo lang." Napalunok siya. Ngayon ay makikita na naman niya ang nakakatakot na itsura ni Vanessa.

"Wala naman ha?" Naiinis ng turan ni Christopher pagkatapos tumitig sa kanya.

Nang malapit ng matapos ang footage kung saan ay malapit ng lumabas si Vanessa ay tiyaka naman tumigil ang video.

"Anong nangyari?" Si Tricia.

"Ewan ko," pinindot ni Sarah ang enter button ng dalawang beses ngunit nanatili pa ring nakatigil ang kanilang pinapanood.

Lumayo si Christopher at sumandal sa may pader. "Baka naghahallucinate ka lang noon, kakaisip mo" sabi nito.

"Hindi!" Ibinalik niya ang computer sa bag. "Isa pa ay ito," sunod niyang inilabas ang libro.

"Bakit nasa sa iyo iyan?" Gulat na turan ni Tricia.

"Natatandaan mo ba ito?" Tumango ito. "Ikaw Christopher?" Tumango rin ito. "Alam niyo bang minumulto ako ng librong ito?"

"Anong ibig mong sabihin?" Si Christopher. Makikita sa mukha nito ang labis na pagtataka.

"Noong araw na napanood at nakita ko si Vanessa ay bigla na lamang napasaakin ang librong ito. Ni hindi ko alam kung papaano ko ito naiuwi. Kapag tinatago ko ito ay lagi na lamang itong nakalabas kung saan-saan" kanyang isplika.

"Baka naman ikaw din ang naglalabas dahil gaya nga ng sabi mo ay hindi mo alam na naiuwi mo iyan" paliwanag ni Tricia. "Hindi ba at pwedeng mangyari iyon?"

"Imposible naman iyon!" Naiinis niyang sagot.

"Ano ba ang ibig mong ipahiwatig sa librong ito Sarah?" Kinuha niya ang libro at binuklat.

"Hindi ko pa alam subalit maaring may koneksyon ito sa mga nangyayari sa atin." Kinuha niyang muli iyon at ibinalik sa bag, "at hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakakuha ng sagot."

"Bahala ka" bigkas ni Christopher.

Tinalikuran ni Sarah ang kanyang mga kaibigan at naglakad siya paalis ngunit agad din siyang napatigil.

"Bakit?" Tanong ni Tricia ng siya ay lumingon.

"Narinig niyo ba iyon?"

"Ang alin?" Si Christopher. "Wala namang ibang tao dito ha?"

"May sumitsit sa atin." Iginala nilang lahat ang tingin sa paligid ngunit wala naman silang nakitang ibang tao. "Ang mabuti pa ay umalis na lang tayo dito. Parang may nagmamasid sa atin." Pagkasabi non ay inunahan na niya ang paglalakad paalis.

Vote and comments! Tnx.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon