"Aalis na po ako."
"Mag-iingat ka iha" hinaplos ng matanda ang kanyang mukha.
Tumango si Reizelle. Dalawang araw pa lang siya sa bahay nina Vanessa ngunit napagdesisyonan na niyang umuwi. Pakiramdam niya ay mas masasaktan lang siya kapag mananatili siya doon. "Kayo rin po." Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay. "Alam ko pong mahirap subalit sana po ay matulog kayo ng maayos. Subukan niyo pong magpahinga."
Pinisil nanan ng matanda ang kanyang kamay. "Hayaan mo at gagawin ko iyan para sa iyo." Ngumiti siya ng malapad.
Bumitiw siya dito pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang bag at naglakad paalis.
Nanlulumo pa rin siya sa nangyari dahil napakahirap talagang paniwalaan. Kung ano ang nangyari noon at kung papaano.
Gaya noong dumating siya ay muli na namang may tumawag sa kanyang pangalan. Kasalukuyan na siyang paakyat sa may kalsada.
"Vanessa?" Inilibot niya ang paningin at hinanap kung saan man nanggagaling ang boses.
Reizelle..
"Vanessa?" Ulit niya.
Ibalik mo ako..
"Ibalik?" Nabibingi na ba siya?
Ibalik mo ako... Kailangan mo akong ibalik..
"Ngunit papaano?" Naguguluhan niyang tanong habang dumadampi sa kanyang mukha ang napakalamig na simoy ng hangin. "Paano kita maibabalik? Napakaimposible."
Ang diary.. Nasa diary ang sagot..
"Magpakita ka muna sa akin" mangiyak-ngiyak niyang sigaw. Naghintay siyang may lumitaw ngunit wala naman. Pati ang boses nito ay nawala na rin.
Ibinaba niya ang bag at kinalkal ang laman. Agad naman niyang nahanap ang diary ni Vanessa.
Naupo siya sa ilalim ng puno ng aratilis pagkatapos ay binuklat ang diary. Nagsimula siyang magbasa.
March 16, 2014
Dear Diary,
Ngayon ang kaarawan ko. Napakasaya ko dahil nakasama ko ang bestfriend kong si Reizelle. Naglibot kami sa bayan at nanood ng sine. Binigyan din niya ako ng isang napakagandang teddy bear. Sa tingin ko ay ito ang mag-uugnay sa aming dalawa.."
Napaluha siya habang tinatapos ang pahinang iyon ngunit agad din siyang nagpahid. Hindi iyon ang sagot sa napakadaming katanungan sa isip niya. Ang gusto niyang malaman ay kung ano ang sinasabi ni Vanessa tungkol sa kanyang pagbabalik.
Napakadaming pahina ang nilampasan niya hanggang sa makarating siya sa nakatuping pahina.
April 03, 2016
Dear Diary,
Hi diary! Namiss kita ng sobra-sobra! :) Pasensya na kung hindi ako nakapagsulat ng isang buong linggo. Napakabusy kasi sa may school dahil alam mo na, patapos na naman ang school year. Sa susunod na taon ay 4th year na ako at masaya akong sabihin sa iyo na magtatapos na ako.
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
HorrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...