Chapter 9

1.8K 50 7
                                    

Dali-daling pumasok sa sasakyan si Reizelle at huminga ng malalim. Pilitin man niyang huwag maiyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ay patuloy pa rin naman ang paglandas ng kanyang luha. Naguguluhan siya sa nangyari. After being shocked finding out that Vanessa is the one who's chasing her classmates ay nagulat pa siya sa matanda sa ginawa nito sa kanya.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Kunot noong tanong ni Mary Rose ng makabalik silang lahat. Naupo ito sa tabi ng bintana bandang likod.

"Hindi ko alam. Bigla na lamang niya akong sinaktan" ipinakita niya ang namulang braso. Nagmarka doon ang kuko ng matanda.

"Weirdo ka kasi" sabat ni Tricia habang nakangisi. Kasalukuyan niyang isinusuksok ang susi ng sasakyan.

"Bakit ganyan ka ba makitungo sa akin?" masama ang loob nito. "Napakasakit mong magsalita." Nagpunas siya ng kanyang luhang wala pa ring tigil sa pag-agos.

"Dahil ayoko sa iyo" tinitigan niya ito blangko. "Ayaw kitang makita at mas lalong ayaw kitang makasama. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa iyo kahit hindi pa kita kilala ng lubusan." Prangka niyang sabi.

"Tricia stop it!" Sita ni Christopher. "Wala itong patutunguhan. Umalis na lang tayo dito at gawin ang sinabi ng ispiritista."

"Gusto ko ng umuwi." Hayag ni Reizelle. "Pagod na ako."

"Huwag kang mag-alala dahil iyon talaga ang usapan namin kanina."

Gaya nga ng sinabi ni Tricia ay inihatid nila si Reizelle sa kanilang maliit na bahay. Pagkatapos ay dumiretsu sila sa simbahan para magdasal na sana ay magtagumpay sila. Bumili rin sila ng tig-iisang kandila.

"Ready na kayo guys?" Tanong ni Christopher. Kahit na kinakabahan sa kanilang gagawin ay pinilit pa rin niyang magpakatatag.

"Sa tingin ko ay handa na ako" sapo-sapo ni Sarah ang dibdib habang humihinga ng malalim. "Dalian na natin. Gusto ko na ring umuwi. Kanina pa text ng text si mommy. Sigurado akong nag-aalala na siya."

"Kayo guys?" Tanong ni Christopher sa iba.

Tumango ang mga ito. Bumaba sila ng sasakyan at pinasok nila ang napakadilim na sementeryo. Apat lang ang ilaw at iyon ay nakagay sa apat na dulo ng sementeryo. Napakatahimik ng lugar na talaga namang kinahihimlayan ng napakaraming patay na tao. Muli ay ilaw lamang ng cellphone ang kanilang ginagamit. Ilang minuto lang ay nahanap agad nila ang puntod ni Vanessa.

Sa lahat ng puntod ay iyon ang pinakapanget. Mahirap lang ang pamilya ni Vanessa kaya simple lang ang puntod. Ni wala pa iyong pintura.

Isa-isa nilang itinirik ang kandila habang nakaharap sa may puntod. Hindi pa man sila nakakapikit ay humangin na ng malakas at namatay ang mga ito.

"Biglang lumamig" sabi ni Sarah sabay yakap sa sarili.

"Oo nga" sang-ayon ni Nico habang isinusuot ang hood ng jacket. Buti pa ito at nakapagjacket bago sila tumungo ng sementeryo.

"And it's kinda weird dahil hindi naman kanina." Si Mary Rose.

Muling binuhay ito ni Christopher gamit ang lighter. Sinubukan nilang magdasal ng taimtim habang nakapikit. Habang binibigkas nila ang mga gustong sabihin para matahimik ang kaluluwa ni Vanessa ay mas lalo namang lumalakas ang hangin bagay na kinabahala nila.

"Guys parang walang nangyayari" hayag ni Mary Rose. Nakaramdam na rin siya ng kaba lalo na at nararamdaman niyang parang may mga matang nagmamasid sa kanila.

"Keep going!" Sagot ni Christopher. "Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Just keep praying."

Sinunod nila ang sinabi nito. Nang magdilat sila ng mga mata ay nagulat sila ng tumambad sa kanilang harapan si Jesusa. Mataman niyang pinagmamasdan ang mga ito.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon