Chapter 22

1.4K 40 2
                                    

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Reizelle kay Sarah pagkatapos niyang maupo sa tabi nito. "Bakit ka nag-iisa? Nasaan si Tricia at Christopher?"

"Hindi ako nagugutom at hindi ko alam" mahina niyang sagot. Pagkatapos niyang iwanan kanina ang mga ito ay hindi na niya alam kung saan sila napadpad. She was pissed off, kaya mag-isa muna siyang nakaupo sa loob ng cafeteria.

Kumain? Walang-wala siyang gana. Papaano siya makakakain kung labis siyang nanlumo ng malaman niya sa kanyang mama na sa probinsiya nila ibuburol si Mary Rose at hindi sa bahay nila malapit sa kanila? Wala na siyang pag-asang makita at makasama ito. Kahit na sa huling sandali lamang.

"Nabalitaan ko iyong nangyari kay Mary Rose. Totoo bang patay na siya?"

Tumango siya ng bahagya. Hindi alam ni Reizelle dahil wala ito sa classroom kaninang pagdating niya. "Pinatay siya, gaya ng kay Nico."

"Kawawa naman siya, nagsisimula pa nga lang kaming magkakilalanan tapos wala na siya."

"Sinabi mo pa." Ngumiti siya ng mapait habang nakayukom ang dalawang kamay. "She doesn't deserve it like Nico."

"She deserve it."

"What?" Bigla siyang napatitig dito dahil sa sinabi nito.

"Huh?! Wala naman akong sinasabi ha?"

"Meroon, rinig na rinig ko ang sinabi mo at malinaw iyon. Taliwas sa sinabi ko."

Tumayo ito. "Wala no."

"Sandali!" Hinablot niya ang kamay nito at napansin niya ang isang mahabang balat sa kanyang pupulsuhan. Mga tatlong pulgada rin iyon.

Nang makita ni Reizelle na nakatitig si Sarah doon ay binawi niya ang kamay at namulsa.

"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" Turo niya.

"Wala ito." Tumingin siya sa labas ng bintana. "Hindi naman ito importante eh."

"Nagtangka ka bang magpakamatay?" Bulalas niya pagkatapos ay hinawakan niya ang isa nitong kamay ngunit agad ding binawi ni Reizelle. "Kung may problema ka hindi rason ang pagpapakamatay."

Ngumisi ito. "Alam ko tiyaka hindi ako nagpakamatay, ano ako baliw? Hindi pa ako nababaliw! Tiyaka mahal ko kaya ang buhay ko, maiwan na nga kita." Naglakad ito palabas ng cafeteria. "Weird ka na din this past few days" mahinang bigkas nito ngunit narinig pa rin iyon ng kanyang tenga.

Napasandal siya sa upuan habang nakatingin sa walang lamang lamesa.

Ako pa talaga ang weird? Samantalang ikaw nga diyan ang bigla na lamang sumusulpot kung saan-saan.

Pero kung weird na ang nakikita ng ibang tao sa kanya ay hindi niya rin masisisi ang mga ito, pati na rin ang sarili. Hayon at lagi niyang nakikita at nararamdaman ang kakaibang kababalaghan, na kapag sinasabi niya sa mga kaibigan niya ay ayaw siyang paniwalaan at nagmumukha lang siyang tanga. Isa pa ay dalawang beses na siyang namatayan ng kaibigan. Magkasunod pa kaya nakakatrauma.

Bumuntong-hininga siya ng malakas.

"Ang lakas naman iyan." Nakangiting bungad ni Jhunzen.

"May iniisip lang ako" walang saya niyang sagot.

"Ano naman iyon?" Nakangiti ito. "Iyon bang assignment natin sa Science? Naku! Madali lang 'yun, mani lang sa iyo 'yun."

Napangiti siya ng kaunti dahil sa sinabi nito. "Sana nga, but I hate Science. Hindi ako magaling sa subject na iyan."

"Ako din naman, alam mo mas maganda ka kapag nakangiti."

"Bola." Tumayo siya. "Maiwan na kita may pupuntahan lang ako."

"Sige." Sagot ng kanyang classmate.

Tinungo niya ang kwarto ni Mrs. Macalma. Nais niyang ipakita ang libro at malaman kung ano talaga iyon.

Kumatok siya ngunit walang sumasagot. "Ma'am! Nandiyan po ba kayo?" Kumatok siyang muli. Hinawakan niya ang seradura ng pintuan. Inikot niya iyon at itinulak. Hindi iyon nakalock. "Ma'am?"

"Yes Sarah?"

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay walang tao sa loob. Kinakabahan pa naman siya. "May gusto lang po akong itanong sa inyo" kahit nalulungkot ay sinubukan pa rin niyang ngumiti ng bahagya.

"Have a seat." Itinuro niya ang upuan na nasa harap ng kanyang desk. "What is it?"

"Gusto ko po kasing malaman kung ano ang ibig sabihin ng librong ito. Hindi ko po kasi maintindihan ang pamagat." Kinuha niya ang libro sa bag at ipinatong sa lamesa. "Ayos lang po ba kayo ma'am? Para po kasing namumutla kayo, may sakit po ba kayo?" Nag-aalala niyang tanong.

Hindi sinagot ng guro ang tanong nito.

"Ma'am?"

"Where did you get this book?" Biglang nanlaki ang mga mata nito at parang natakot.

"Sa library po, actually pangalawang beses ko na po iyang nakita."

"Hindi maari" wika ng guro at biglang naging aligaga. "Naulit na naman."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Kinakabahan niyang tanong.

"Sarah iha, matagal ng nasunog ang librong ito."

"Ano po?" Nagulat siya sinabi nito. Bigla siyang ginapangan ng pagtayo ng balahibo.

"Sinunog na namin ito noon iha, dahil gaya mo ay may estudyanteng gumamit nito noon at napahamak."

"Baka po iba iyon, imposible naman po iyang sinasabi niyo dahil papel po iyan. Kapag sinunog niyo ay magiging abo na" giit ni Sarah.

"Ito iyon at sigurado ako. Iisang kopya lang ito iha."

Napatayo siya sa kinauupoan dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang guro. "Hindi niyo pa po ako sinasagot. Ano po bang ibig sabihin ng librong iyan? Ano po ang kaya nitong gawin?"

'La persona que llama muertos' -- THE DEAD CALLER

"Dead caller.." Nag-echo iyon sa isipan niya. Totoo kaya ito? Pero ano ang kinalaman ng librong ito sa kanila?

"Bumalik kayo sa ispiritistang ipinakilala ko sa inyo dati. Dalhin mo ang librong iyan at ipakita mo sa kanya." Umubo ng tatlong beses ang guro. "Siya ang nakakaalam niyan."

"Ayos lang po ba kayo ma'am?" Hinaplos niya ang likuran nito ngunit agad din siyang napatigil ng maramdaman niyang malamig ito.

Maya-maya ay nakarinig siya ng napakalakas na tili ng babae na bumulabog sa lahat ng estudyante.

"Ano iyon?" Tanong niya sa sarili. Walang tigil ang kanyang naririnig. "Excuse me ma'am."

Lumabas siya ng silid at nakita niyang nagsisisigaw ang isa niyang kaklase sa harap ng girls comfort room. Si Donna, umaatras ito at nakatakip ang mga bibig habang umiiyak dahil sa labis na takot.

Tumakbo siya palapit dito para makita niya ang bagay na ikinatatakot nito at tumambad sa kanya ang karimarimarim na katawan ng tao.

Ang adviser nila si Mrs. Macalma! Nakatali ang leeg nito malapit sa bakal ng bintana. Nakabigti habang nakadilat ang mga mata. Wakwak ang tiyan at ang mga lamang loob nito ay nagkalat sa lapag. Atay, bituka at kung ano-ano pa. Hindi na matukoy ni Sarah kung ano pa ang mga iyon dahil maging siya ay natakot at nadidiri na rin. Sa katunayan ay gusto na niyang masuka dahil sa amoy ng napakalansang dugo. Sugat-sugat din ang mukha nito na para bang dinaanan ng napakaraming beses gamit ang isang matalas na kutsilyo.

Naglakad siya paalis ng magsidatingan ang ibang mga guro at napakadaming estudyante. Wala na, patay na ang butihing guro nila. Pero teka? Napatigil siya at muling napatingin sa pinangyarihan ng krimen. Kung patay na si Mrs. Macalma, sino ang gurong kausap niya kanina?

Dali-dali siyang nagbalik sa silid ng guro. Wala ng tao doon, ang nakikita na lamang niya ay ang gumagalaw na swivel chair na pagmamay-ari ng kanilang guro.

Vote and comments! Tnx.

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon