Habang pababa ng hagdan si Sarah kipkip ang sariling mga gamit ay hindi siya makapaniwalang pati ang guro nila ay wala na. Parang kay bilis ng pangyayari at nakakatakot isipin na ang kausap pala niyang tao kanina ay ang kaluluwa na lang nito. Kaya pala nakakaramdam siya ng pagtayo ng balahibo kaninang nag-uusap sila at kaya pala malamig ito kaninang hinawakan niya.
Sa ngayon ay sinuspindi na naman ang klase dahil sa nangyari. Lahat ng estudyante ay pinauuwi at sinabihang mag -ingat dahil baka daw nasa eskwelahan pa ang taong may gawa non sa kanilang guro. Baka pa nga daw estudyante rin ng kanilang paaralan ang may gawa. Wala pang nakakaalam dahil ang CCTV na nakakabit sa harap ng comfort room ay biglaang nasira. Parang sinadya. Sa pinangyarihan ng krimen ay nagkakagulo pa rin ang mga tao roon. Ang iba ay mga estudyanteng nagmamatigas umuwi at syempre, mga pulis at ambulansiya.
"Sarah!" Malakas na tawag sa kanya ni Tricia.
Nilingon niya ito. Nagmamadali itong maglakad palapit sa kanya habang bitbit niya ang mahal na mahal na gitara. "Bakit?"
"Sabay na tayo, natatakot akong bumaba mag-isa. Baka kasi nandiyan pa iyong killer. Alam mo na, mas safe kapag dalawa tayo." Ngiti nitong sagot.
Iyon na naman ang kumakalat sa ngayon. Sinasabi ng ibang estudyante na posibleng gumawa nito sa kanilang guro ay ang taong pumatay rin kay Nico. Pero hindi niya pa rin maalis-alis sa sarili na ang kay Nico ay kagagawan ni Vanessa baka ang pati kay Mary Rose. Wala nga lang siyang katibayan. Pero sa kanilang guro ay naguguluhan siya kung bakit pinatay ito.
"Sabay na lang tayong umuwi. Ihatid mo na lang ako sa bahay. Kung ayos lang sa iyo" giit ni Sarah.
"Sige" matipid na sagot ni Tricia.
"Nasaan nga pala si Christopher?" Tanong niya ng makalabas sila ng school building.
"Hindi ko alam sa lalaking iyon, bigla rin siyang nawala. Baka nagcutting class na naman siya" ngumuso ito. "Di ka pa ba sanay sa kanya?"
Tumingin siya sa nilalabas na bangkay ng kanilang guro. Natatakpan ito ng puting tela. Binuksan nila ang ambulansiya at ipinasok doon. Sigurado siyang deretsu na iyon sa morge.
"May problema ba Sarah?" Tumingin siya sa mga mata nito. "Kanina ka pa hindi umiimik subalit hindi ka rin naman mapakali, napansin ko lang."
"Kasi kanina.." Tumingin din siya sa mga mata ng kanyang kaibigan. "Maniniwala ka kaya sa sasabihin ko ngayon?"
"Depende." Ngumiti ito ng bahagya.
"Ganito kasi iyon, kanina ay kausap ko pa si Mrs. Macalma pero patay na pala siya." Napahigpit ang ginawa niyang pagyakap sa sariling mga gamit pagkatapos siyang manginig.
"Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan." Naguguluhang tanong ni Tricia.
"Narinig kong sinabi ng rumispondeng pulis kanina na mahigit isang oras na siyang patay at mga bandang alas-onse iyon pero kanina-kanina lang ay kausap ko pa siya. Mga lunch break time." Isplika niya. "Mukhang gustong-gusto niya talaga tayong tulungan Tricia."
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Sarah, hindi nakakatuwa" nayakap niya ang sarili pagkatapos dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Pero dapat ay maniwala siya. Hindi ba at nakita rin naman niya ang kaluluwa ni Vanessa noon?
"Pero hindi ako nagbibiro, nakausap ko pa siya at naitanong sa kanya ang libro. Ang sabi niya sa akin ay bumalik daw tayo sa ispiritistang pinakilala niya. Siya daw ang makakatulong sa atin" sabi niya.
"Sa atin? Bakit sa atin?" Nangunot ang kanyang noo. "Di ba dapat ikaw lang?"
"Sinabi ko kasing nagmumulto sa atin itong libro."
"Okay I get it, umuwi na lang tayo pwede? Parang kinikilabutan na naman ako sa sinabi mo. Sa totoo lang ay ayaw ko ng makaencounter ng multo. Natatakot kasi ako" pag-amin niya.
Kaya pala hindi siya makagalaw noong una nilang nakita si Vanessa back in cemetery. Para siyang natulos na kandila noon.
Tumango siya pagkatapos ay nilisan nila ang paaralan gamit ang sasakyan ni Tricia. Pagdating sa kanilang bahay ay inanyayahan muna niya ang kanyang kaibigan sa loob. Pumayag naman ito dahil wala rin daw itong kasama sa bahay. Isa pa ay wala din daw siyang gagawin.
"Magmeryenda ka muna" inilapag niya sa harap nito ang orange juice at kapirasong hiwa ng black forest cake.
"Eh ikaw?" Umayos ito sa pagkakaupo.
"Babasahin ko ito." Itinaas niya ang libro at sumalampak siya sa sahig sa harap ng kaibigan.
"Wala ka pa rin bang balak na ibalik iyan sa library?"
"Meroon, kapag nabasa ko na" tumingin siya dito. Abala na ito sa pagkain kaya binasa na lang niya ang libro.
'Sa unang araw ng pagtawag sa ispirito ay magpaparamdam ito'
'Muli itong mawawala subalit makalipas ang isang linggo ay muli itong magbabalik at magkakaroon ito ng kakayahang hawakan ang taong nais'
Bigla siyang tinayuan ng balahibo pagkabasa sa pangungusap na iyon. Parang ganoon ang nangyari sa kanila.
"Tricia?" Mahina niyang tawag.
"Hmm?" Sagot nito habang nakahilata sa sofa at naglalaro ng candy crush. "May problema ba?"
"Tignan mo ito."
Tumayo ito at binasa ang tinuturo ng kaibigan. Napatingin siya bigla kay Sarah. "Ganyan bumalik si Vanessa tama ba? Sa una ay nagpaparamdam siya tapos nalaman na lang natin na siya pala iyon."
"Oo" binilang niya ang araw kung saan ay kinain si Vanessa ng sarili nitong puntod at sa araw ng sinabing pagbabalik. Sumakto naman iyon sa araw ng pagpatay kay Nico. "Tama ang hinala ko Tricia na si Vanessa nga ang may gawa, tignan mo pa ito." Nanginginig ang kanyang kamay habang nagtuturo.
'Sa pagbabalik ng kaluluwang tinawag ay maaari itong maghiganti. Isa bawat araw'
"Ang sabi ay isa bawat araw. Hindi ba at magkasunod na pinatay si Nico at Mary Rose?" Bulalas ni Tricia. "Does it mean may gumamit nitong libro para ibalik ulit si Vanessa?" Napaupo ito sa sofa dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. "Hindi ko inaakalang totoo pala ang lahat."
"Sinabi ko na sa inyo pero hindi kayo nakinig sa akin." Matigas na sisi ni Sarah. "Totoo ang lahat Tricia."
"I'm sorry, ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat."
Biglang napaisip si Sarah. "Kahapon si Mary Rose kaya may isa na naman ba ngayon?"
Tumayo sila parehas.
"Si Christopher!" Sabay nilang bigkas.
Agad na idinial ni Tricia ang numero para ipaalam dito ang nalaman at para na rin balaan subalit hindi niya ito matawagan.
Vote and comments! Salamat.
A/N:
Yeah! Kung naguguluhan kayo let me explain. Yung book na THE DEAD CALLER 'yun yong nakuha ni Tricia bago magsummer. Someone used the book to bring back Vanessa here in earthland para makaganti siya. Kung sino and why? Let's find out sa susunod na mga chapter. You will also find out why the tittle of the story is I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER..
SPECIAL CHAPTERS SOON..
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
TerrorLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...