Pababa si Sarah sa sariling sasakyan ng maagaw ng kanyang pansin ang mga nagsisiumpokang estudyante malapit sa isa sa kanilang building. Nagkakagulo doon at naririnig niya ang ilang bulong-bulongan.
Kawawa naman siya..
Oo nga eh! Crush ko pa naman siya..
Tao ba ang may gawa sa kanya niyan?
Nakakaawa talaga siya. Sinong nakaatim na gumawa niyan?
Nangunot ang kanyang noo sa narinig at nagtaka kung bakit madami pa ring nakakalat na estudyante. It's almost 8 am bruh students should be in their respective classrooms.
Nakatitig habang dahan-dahan siyang lumalapit para tignan kung sino ang tinutukoy ng mga estudyante at kung ano ang nangyayari doon hanggang sa..
"Sarah!"
Napaigtad siya ng biglang sumulpot si Reizelle sa kanyang harapan. Galing ito sa H.E. Room at nakahawak pa ng walis tambo. Nahawakan niya ang kanyang dibdib dahil biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.
"I'm sorry nagulat ba kita?" Ibinaba niya ang walis pagkatapos ay nagtali ng buhok.
"Ay hindi!" Sinabayan niya iyon ng isang ngisi.
Ano bang sa tingin niya? Napakaseryoso niya sa paglalakad tapos bigla itong lilitaw.
"Saan ka pupunta?"
"Doon.." Itinuro niya ang mga nag-uusisang taong wala pa ring tigil.
"Pupunta din ako diyan para tignan kung anong meron. Kararating ko lang kasi, sabay na tayo?" Ngumiti ito. "Nakakacurious lang kasi may narinig akong tumili kanina tapos bigla silang nagsiumpokan diyan" sabi pa nito.
Napatitig siya dito. Ayaw man niya ay pumayag na rin siyang sumabay ito. Malaki rin ang naitulong nito noon dahil kung wala ito noong pumunta sila sa bahay ng ispritista malamang ay nagpaparamdam pa si Vanessa sa kanya. Naalala niya ang sinabi ni Tricia na ilang oras silang nagpaikot-ikot sa lugar. Matagal bago nalaman na naliligaw na pala sila at pinaglalaruan sila ni Vanessa.
Habang papalapit sila ay nagsitabi na ang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay nakatitig kay Sarah bagay na pinagtaka at ikinabahala niya.
"It's weird!" Sabi ni Reizelle. "Nakatingin sila lahat sa iyo."
"Oo nga e," sagot na lamang niya.
Nagsimula na naman siyang makarinig ng mga bulongan bagay na nagbigay sa kanya ng pangingilabot.
Nang mahawi sa gitna ang mga estudyante at nabigyan siya ng daan ay tumambad sa kanya ang nilalangaw na katawan. Napatakip siya ng labi dahil sa nakita.
A very bloody body.
Napakaraming dugo.
Sariwa pa ang dugo nito na pumapatak sa semento. Pero hindi iyon ang ikinagulat niya ng sobra dahil ang bangkay na nakikita niya ngayon ay katawan ng kanyang kaibigan. Ang katawan ni Nico!
Ang katawan ay nakatusok sa isang nakausling bakal. Kinakalawang pa iyon subalit hindi na makita ang kalawang dahil sa bahid ng napakaraming dugo. Wala ang isang kamay nito at wakwak ang tiyan. Ang hiwa ng kanyang tiyan ay nagsisimula sa kanyang puson pataas sa kanyang dibdib. Kitang-kita ng lahat dahil walang suot na T-shirt ang katawan ni Nico.
BINABASA MO ANG
I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)
KorkuLahat ng bagay ay may kapalit at walang sikretong hindi nabubunyag. Simula ng magbalik eskwelahan ang magkakaibigang Sarah, Mary Rose, Tricia, Nico at Christopher ay nakaranas na sila ng kababalaghan. Isang nakaputing babae ang laging nagpapakita at...