Chapter 29

30 3 0
                                    

AMBER

Anong sinasabi ng kumag na to? Anong first and last? Ang tanga ko din kasi bakit sinabi ko na sya ang first kiss ko? Baka kung ano pa ang isipin nya. Pero shocks! Kinilig ako dun sa first and last, sige na sabihin nyo nang ang baduy ko pero sobrang avid ako sa first and last na yan.

"A. . .anong sinasabi mo dyan?!" Sheeet bakit ako nauutal

"Bingi ka ba?" Matamlay nyang sagot saakin.

Tinignan ko ang mukha nya at nang nakita nyang tumigin ako ay iniwas nya bigla ang mukha nya saakin.

"Tss. Bakit ang sungit mo na? Nagtatanong lang naman ako." Sabay lapit ko nang mukha ko sa kanya.

Napapitlag sya sa ginawa ko. Lalayo na nga sana sya pero naka cuff yung hands naming kaya hindi nya nagawang lumayo talaga.

"I. . ilayo mo nga yang mukha mo sa akin." Sabay tusok tusok nya sa noo ko palayo.

"Ang arte mo! Sa ganda kong to? Gusto mong ilayo ang mukha ko?"

Nakakainis naman kanina lang he kissed me, tapos ngayon parang nandidiri na sya sa pagmumukha ko? Pinaglalaruan ba ako ng kurimaw na to?

"Kaya nga. . . pinapalayo ko yang mukha mo kasi ayokong may mas magawa pa akong masama sayo. Kita mo nang nasa iisa tayong kwarto, tapos tayo lang dalawa." Aniya

"WHAAAAAAAAAT?! Anong ibig mong sabihin?" Sabay lagay ko sa dibdib ko ng aking isang kamay.

Humagalpak na man sya ng tawa. Tss kainis to.

"Ang inosente mo talaga." Sabay tawa nanaman nya halos maiyak na sya kakatawa tapos sapo sapo pa ng kamay nya ang tiyan nya.

"Ewan ko sayo! Anong oras kaya tayo makakalabas dito?"

"Bakit? Kating kati ka na bang makaalis dito?"

"Sympre! Tayong dalawa lang dito anong pwedeng pagkaabalahan dito?!"

Nakita kong bigla nag dilim ang expresyon ng kanyang mukha, wala naman akong masamang nasabi ah? Totoo naman, habang nakakulong kami dito, nagsasaya ang mga tao sa labas, kahit cellphone wala, naiwan namin sa labas.

Mga ilang minute rin ang nakalipas bago sya nagsalita. Kaya nagulat ako.

"Edi maglaro tayo!" Aniya

Tinignan ko ang mukha nya kung seryoso ba sya sa sinabi nya. Bigla naman akong napaatras sa sinabi nya.

"Oh easy! I won't do anything na makakasakit sayo" Sabay smirk nya saakin

Ako lang ba itong green minded? Parang double meaning yung sinabi nya saakin eh.

"Oh ano naman yang larong yan?"

"Truth or Remove"

"Ano yan sarili mong version ng laro?"
"Hindi. Hindi bay an familiar sayo? Kailangan ko pa bang mag explain?"

"Oo. Kasi di ko gets yung remove na part."

"Remove edi tanggal, tanggal ng kahit anong bagay na suot natin ngayon."

Imbes na magpaikot ng bote, ay iba ang ginawa namin, jack en poy sa tatlong tries ang unang makadalawa ang panalo.

"JACK EN POY" Sabay naming sabi

Napakamot akong ulo ng ako yung unang natalo. Si Dylan naman ay grabe kong ngumisi.

"Truth!"

"Ayaw mo nang remove?" Sabay tawa nya.

"Ang manyak mo din ano?! Magtanong ka na!"

"Hmm. . . Ilan na nagging boyfriend mo?"

"Wala."

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon