Chapter 55

11 2 0
                                    

Chapter 55

AMBER

"Sabi ko na nga ba at tatanggapin mo ang offer na to eh." Sabi saakin ni Leo, habang inaayos nya ang mga gamit ko sa likod ng kotse nya.

Yes, I decided to go,I decided to leave, hindi dahil sa sumusuko na ako, pero dahil iyon ang sa tingin kong tama at dapat at kailangan ko na din para sa sarili ko. Kakarating ko pa lang dito sa Amerika, hinatid naman ako ng pamilya ko at mga kaibigan ko.

Wala siya, hindi ko man lang nasilayan kahit anino man lang niya, mali ba ang umasa na sana pigilan nya akong umalis? Dahil kung pipigilan niya man ako sa mga oras na yun ay handing handa akong balikan siya? Pero wala. Wala.

"Paano mo naman nasisigurado na iaaccept ko nga talaga ito?"

Inis kong tanong sa kanya. Tapos na din siyang ayusin ang gamit ko tumabi siya saakin at nilingon ako sa paraang pagod.

"Hmm. . . Kasi napakalaki siyang gago? Dahil tanga siya? Sumakay ka na nga baka umiyak ka pa dito!" Sabay tulak niya saakin papasok sa kotse. Ang sama talaga ng ugali nito.

Nakarating na kami sa isang apartment na inilaan ng management para sa akin. Mag isa lang akong titira dito.

"Saan ba ang tirahan mo dito Leo?"

"Katapat lang ng iyo, hindi naman kita pwedeng pabayaan ano, malagot pa ako sa mga magulang mo, saka hindi naman pwedeng mag kasama tayo, baka rape-in mo pa ako di ba? Mabuti na ang mag ingat." Sabay smirk nya saakin.

"Ang kapal mo naman!"

Sabay tawa namin. Tinulungan niya akong ipasok sa apartment ko ang mga gamit ko.

Ako nalang ang magaayos ng mga gamit ko, total ay ang ayos at ang gara na din ng apartment ko.

Inilibot ko ang mata ko may isang kwarto, na may cabinet ay saktong kama para sa isang tao at may maliit ding kitchen na pwedeng magluto, may mga appliances na available na din katulad ng microwave, blender, rice cooker, etc.

May living room din na may itim na sofa at may flatscreen tv. Ang gara din ng bathroom dahil gold ang theme sa loob nito.

"Ambs, I have something to tell you." Nagulat ako sa biglang seryoso sa tinig ni Leo pagkatapos kong lumibot sa kabuuan ng apartment ko.

"Parang seryoso yan ah! Ano bay yan?" Tatawa tawa kong sagot, sabay upo ko sa sofa, sabay tabi nya naman saakin.

"Remember noong college?"

"Oh anong mayroon dun?"

"May gusto lang akong ipagtapat sayo. Well, nasabi ko na to kay Dylan at siguro nabanggit na din niya ito sayo. I was the one who send the picture to Dylan. Remember noong inakbayan kita at I pulled you closer na parang halos magkayakap na rin tayo? Yun ang sinend ko sa kanya, kaya siguro nagalit siya sayo sa sobrang selos, I am sorry Amber, kung isa ako sa mga pumigil sa pagmamahalan ninyo, but hindi yun ang intension ko that time. Mahinahon niyang paliwanag saakin.

"Why did you do it?" Kunot noo kong tanong sa kanya dahil kahit ako ay nagtataka kung bakit niya ginawa iyon.

"I don't know why I let that happen Amber, one time there's this one woman who came up to me and she said that if I want my bestfriend to be safe and to make sure na hindi siya sasaktan ng lalaking mahal niya ay kailangan ko siyang itest. Then boom! You know the history. I'm so stupid that time, gusto ko lang naman na imake sure na hindi ka sasaktan ni Dylan noon kaya pumayag ako na gawin yun. I am so sorry Amber. Are you mad at me?" Kinakabahang tanong niya saakin.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "I'm not Leo, naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yun, and nagpapasalamat ako because inamin mo yan saakin. I think Claire is the one who talked to you. Wala na din tayong magagawa pa, nangyari na yun so we should move on."

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon