Chapter 47

13 2 0
                                    

Chpater 47

AMBER

Pagkalabas ko nakita ko agad syang naghihintay sa labas. Akala ko hindi sya darating, nang masilayan ko ang mukha nya agad sumilay sa dibdib ko ang kaba hindi sa takot ngunit sa dala nitong saya. Nakita kong ngumiti sya saakin.

"Oh! Ayan para sayo!" Nilahad nya saakin ang dalawang box ng mamahaling chocolate. Hindi sya makatingin saakin ng diretso tila ba nahihiya ito.

"Para saan naman to?" Tanong ko sa kanya at pilit na hinuhuli ang mga mata nya.

"Kailangan ba ng rason? Tss. Wala man lang bang "Thank you Dylan?" Namumula na ang kanyang pisngi at nakikita ko na pinapawisan ang kanyang noo, sign na iyon na kinakabahan at natetense sya. Kung pwede lang akong matawa ay ginawa ko na ang kaso hindi pwede.

"Okay. Thanks Dy! Bibigyan ko ang ibang kaklase ko ah? Marami naman to."

"HUWAG! Pa~paara sayo lang yan! Promise me, na ikaw lang kakain nyan!" Nagulat naman ako sa pag pigil nya, pero ang cute.

"O sige. Akin lang to."

"Dapat lang no! Sariling pera ko yan kaya ikaw lang dapat ang kumain nyan."

"Sus. Oo na!"

May inilabas sya sa bag nya isang maliit na blue na papel at may isunulat doon, hinintay kong matapos ang sinulat nya tapos may inilabas din syang isang wire. Anong gagawin nya sa wire?

"Oh!" Sabay abot nya saakin ng papel. Binasa ko naman ang nakalagay doon, pero hindi ko maintindihan kasi nasa ibang language. Ang naintindihan ko lang ay yung may pangalan ako at pangalan nya sa. Habang busy ako sa pag intindi ay sya namang pag ikot ikot nya sa wire.

"Anong ibig sabihin naman nito?" Sabay turo ko sa papel na hawak ko. Nabigla ako ng kinuha nya bigla ang kamay ko at sinuot sa ring finger ko ang ginawa nya sa wire. Ginawa nya iyong singsing! Wala akong mareact.

"Di ba sabi ko noong tinawagan kita noong isang gabi na papakasalan ko iyong naririnig ko. Kapag nasa right timing na ang lahat, tunay na singsing na ang isusuot ko sayo. Sige alis na ako, naghihintay na saakin si Lance."

Wait. What? Naiwan akong nakatulala sa mga sinabi nya. Tinignan ko ang singsing sa ring finger. Halos magsiliparan ang mga butterflies sa tiyan ko. So papanindigan nya yung sinabi nya saakin? Hindi iyon biro lang? Papakasalan nya ako? At itong singsing na ginawa nya na ata ang pinakamahal sa buong mundo, kahit walang wala ito sa mamahaling diamond ring ito na ata ang pinakaimportanteng singsing sa aking buhay.

May mga tumulong luha sa aking mga mata, kay sarap balikan ang nakaraan, nangyari iyon noong college kami. Yung mga panahon na okay pa ang lahat, sinikap nya pa noong pumasok sa school naming at pumunta sa pinakamataas na building, kung saan ang klase ko noon para lang maibigay saakin yun.

Tinignan ko ang mukha ni Dylan particular na ang kanyang mga mata na nakapikit pa rin hangang ngayon. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang maaksidente sya pero hindi pa rin sya nagigising. Sabi ng doctor ay dapat sa lalong madaling panahon ay dapat magising na sya kung hindi ay makina na nalang ang bubuhay sa kanya.

Kapit lang Babe, naghihintay lang ako sayo dito. Hindi ako susuko. Huwag mo akong iiwan ah?

"Hija, umuwi ka na muna. Kahapon ka pa dito. Kailangan mo ring magpahinga at baka ikaw naman ang magkasakit, ayaw iyon ni Dylan" Ani ng Mama ni Dylan

"Ma okay lang po ako, baka magising na si Dylan, gusto ko po ako ang una nyang makita pag kagising nya."

Sa pagdaan din ng panahon, tangap na tangap na rin ako sa pamilya ni Dylan, ngayon nga ay ang gusto nilang itawag ko sa kanila ay Papa at Mama, dahil magiging parte na rin daw ako ng pamilya nila, mabuti na daw ang masanay ako na tawagin sila ng ganon. Paminsan minsan naman ay dumadalaw ang mga magulang ko dito at si Kuya Miguel.

Nagtratrabaho pa rin ako, may mga ginagawa pa rin ako sa kompanya nila Dylan, ang Papa nya muna ang nagtake over noon, simula ng maaksidente si Dylan. Hindi na muna ako tumatanggap kahit isa ng kahit anong event na ioorganize dahil nag rerequire iyon ng maraming oras at ayokong mawala sa piling ni Dylan.

"Sige na hija. Nakikita mo ba ang iyong sarili? Namamayat ka na, baka hindi magtagal ay magkasakit ka din. Nandito naman ang ibang kaibigan nyo, magpahatid ka muna."

Ngayon ay nandito rin si Lance, Patrick, Jerick, Carol, Aj at Gia.

Nakita kong kinausap ni Mama si Lance. Maya maya ay tinapik ni Lance ang balikat ko. Ayaw ko pa sanang umalis kaya lang ay pinilit na ako ng mga kaibigan ko kulang na lang ay ipagtabuyan ako. Tss

"Mars, umuwi ka muna please. Kailangan mo din magpahinga huwag ka ng makulit sabunutan na kita dyan eh." ~Gia

"Oo nga. Baka bugbugin kami ni Dylan pag nagising iyan."~ Patrick

"Alis na! Kami na bahala dito. Tatawagan ka nalang naming kapag may balita. Okay? Maghpahinga ka na." ~Jerick

"Sama ako sa paghatid mo Lance." ~ AJ

"Huwag na! Ako na lang ang sasama hehe" ~Gia

Sa pagdaan ng araw, naging biruan sa kwarto ni Dylan na parehong may gusto si Gia at AJ kay Lance. Gwapo naman kasi Lance maputi, medyo bilugan ang mga mata, tama lang ang katawan at marami din ditong nagkakagustong babae since high school kami.

"Pagulo kayong dalawa eh. Si Lance na lang ang maghahatid."~Carol

"Oh paano bro! Pahiram muna ako ng girlfriend mo at ihahatid ko na. Gumising ka na! Huwag kang batugan dyan! Ang baho na siguro ng bibig mo!"

Nagtawanan ang nasa loob ng kwarto ni Dylan sa sinabi ni Lance. Pabirong sinuntok naman ni Patrick ang tiyan ni Lance. Hinalikan ko muna ang noo ni Dylan bago umalis.

Hindi ko alam kung paano ako nahatid ni Lance sa bahay namin. Tanging ang iniisip ko lang ay si Dylan. Tumikhim si Lance kaya napatingin ako sa kanya.

"You're spacing out Ambs. Huwag kang mag alala sa gago mong boyfriend, pag nakabalik ako aalugin ko yun ng magising na. Be strong." Aniya at pilit na tumawa para mapagaan ang atmosphere.

"Thanks Lance." Ngumiti ako ng mapait.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at naligo at nagbihis pantulog para makapagpahinga ng konti, pero hindi ako agad dinalaw agad ng antok. Hinalughog ko ang mga gamit ko at nakita ko ang mga bagay na hinahanap ko, tinipon ko iyon sa isang box at tinabi. I already make up my mind.

Hinawakan ko ang kamay ni Dylan, kami lang ang naiwan sa kwarto nya, umuwi muna ang Mama nya para makapagpahinga a kumuha ng gamit, ang Papa nya ay inaasikaso ang trabaho, si SM ay may pasok sa school.

"Babe. Gising na please. Huwag mo namang seryosohin ang sinabi kong maghihitay ako." Biro ko sa kanya, siguro kung gising lang sya sumimangot na sya saakin. Pero wala. Nanatiling nakahiga at nakapikit ang mata nya.

"Sige, magkaroon tayo ng deal Babe, kapag nagising ka, ibibigay ko sayo yung diary ko malalaman mo na lahat ng kabaliwan at kadramahan ko sa buhay. Ano deal?"

"DEAL" sagot ko rin sa tanong ko sa kanya kung sana sumagot sya ay parang nanalo na ako sa lotto.

Nishake hands ko ang kamay na hawak ko. Hinalikan ko ang pisngi nya at matagal akong nanatili doon, hangang sa may mga tumulong luha ulit sa aking mata.

Mahal na mahal kita Dylan. Gumising ka na please. Miss na miss na kita.

●●

Not edited and not reviewed

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon