Chapter 21

51 3 3
                                    

Mabibitawan ko sana yung hawak kong phone ng marinig kong nagsalita si Dylan. What the? Ako ba kausap ng kumag na to?

Tingin naman ako sa gilid nya at sa gilid ko na rin, pero wala naman may mga kanya kanyang mundo ang mga tao dito sa bar.

"I am talking to you Amber." Nahalata nya pala.

"Hh-huh?" Nauutal utal naman ako kasi parang ibang iba yung pagkakasabi nya nun. I can't expalin kung ano yun pero parang nasasaktan sya. Wow. Assuming ulit.

"Nang umalis ka. . . Ni hindi ko alam kung saan kita pwedeng hagilapin o sundan man lang." Sinabi nya yan habang nakatingin lang sya sa basong hawak nya.

"Kahit communication man lang wala, pinutol mo lahat Amber! Bakit ganon ang dali ba sayong kalimutan lahat ng pinagsamahan natin?"

Medyo malakas na yung boses nya at mukhabg galit sya. Mas humigpit din yung grip nya sa hawak nyang baso kulang nalang ata mabasag yun sa kamay  nya.

Nanatili akong tahimik. Ni hindi ko kayang makita ang mukha nya. Gusto ko nang umalis pero parang hindi ko kaya parang mas gusto kong marinig ang saloobin nya. Kasalanan ko ba?

Tumingin sya saakin. Yung mukha nya parang napaka devastated. Kaya medyo na awkward ako.

"WHAT AMBER? ANSWER ME!"

Nagalit na ata sya saakin kasi wala talaga akong imik. Nakakainis sya. Ang kapal ng mukha pagkatapos nyang mag karelasyon sa iba eto sya nanunumbat?

Ni hindi nya nga nagawa saakin yun, nabigyan ako ng flowers. Peste. Ang drama ko.

"Alam kong alam mo ang sagot dyan sa tanong mong yan." Mahinahon kong sabi wala akong gana makipagsumbatan sakanya. Bahala sya sa buhay nya.

"Bullsh*t! Hindi ako tanga kung alam ko, edi sana di kita tinatanong ngayon."

"Watch your mouth Dylan. Aalis na ako, mag usap nalang tayo kapag hindi kana lasing."

Dali dali akong lumabas ng bar. Iniwan ko sya. Nakakainis. Bakit parang nakokonsensya ako? Dahil nakita ko talaga sa mukha nya na puno ng sakit dahil nga ba sa umalis ako? Pero hindi eh. Alam kong wala lang yun sakanya. Dahil wala akong halaga.

Nang makalabas na ako ng bar. Naghihintay naman ako na may dumating na taxi. Nakakalimutan ko kasama ko pala si Leo. Tinext ko nalang sya na uuwi na akong mag isa at wag na syang mag alala pa.

Muntik na akong sumigaw ng malakas ng may humablot ng kamay ko. Jusme! Akala ko mahoholdap na ako o kaya kikidnapin para kunin ang mga lamang loob ko. Omg.

Nakita ko naman kung sino. Peste akala ko ba lasing to! Bakit parang ayos naman sya kung lumakad, hindi pa sway sway.

"Aray ko Dylan! Bitiwan mo nga ang kamay ko."

". . ."

"Hooooooy! Anooo ba!!!"

". . ."

Hinihila nya ako papunta sa mga kotse. Peste ayokong sumabay sa kanya. Naiinis parin ako at the same time nakokonsensya.

Naiinis dahil mas kinampihan nya si Claire at nakokonsensya na rin dahil oo aaminin ko hindi ko pinaalam sa kanya na aalis ako. Pero para saan pa? Wala rin namang magbabago dahil may iba na sya.

Nang makalapit na kami sa kotse nya. Binuksan nya yung kotse nya para papasukin ako.

"Pasok." Wala man lang ka emosyon emosyon yung mukha nya pero nakatingin sya saakin.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon