Chapter 41

24 2 0
                                    

Chapter 41

AMBER

Mas lalo akong naiiyak sa mga sinasabi nya, hindi sa ayoko ng mga sinasabi nya pero nararamdaman ko kasi kung gaano namin parehong sinayang yung unang pagkakataon na sana naging masaya na kami sa piling ng isa’t isa noon pa.

“Tumayo ka na nga dyan!”

Yakap yakap nya pa rin ako sa bewang ko habang nakaluhod sya. Mas lalo akong nasasaktan dahil umiiyak sya.

“NO! Patawarin mo muna ako! Ayokong mawala ka ulit Amber please. Don’t leave me again. Hindi ko na ata kakayanin pa kung iiwan mo ako.”

“Sabing tayo na nga eh! Kapag hindi ka pa talaga tumayo iiwan na talaga kita dito!” I manage to say those words to him, kahit naiiyak pa rin ako. Tiningala nya naman ako.

“Wala namang ganyanan. Baka tumakbo ka pa kapag inalis ko ang pagkakahawak ko sayo.” Hawak hawak nya pa ako sa bewang ko. Ang kulit talaga ng lahi nitong lalaking ito.

“You know hindi kasi ganon eh. . .” Nakita kong biglang kabading kabado na ang mukha nya ng magsimula akong magsalita.

“NO. NO. NO. Amber please don’t leave me.”

“Ano ba! Hindi pa nga ako natatapos magsalita eh. Tumayo ka na kasi! Papatawarin na kita kapag tumayo ka na dyan. Nangangalay na kaya ako!”

“Talaga? Papatawarin mo na ako?”

“Oo nga! Tumayo ka na kasi!”

Bigla bigla naman syang tumayo at humarap saakin, may tumulo pang luha sa mga mata nya pero nakangiti na sya ngayon kahit ang mga mata nya nakangiti na.

“This is so not you Dy.” Sabay wipe ko ng mga luha nya sa mukha nya. Hindi ako sanay na nakikita ko syang mahina sa harapan ko. Tinitignan nya lang ako habang ginagawa ko sa kanya yun. Nang matapos ko yun ay nagsimula na rin akong magsalita.

“What I mean is, hindi kasi ganoon, na ikaw lang ang sinisisi mo sa mga nangyari sa atin. Mas pinili ko rin ang pride ko noon. But I was so immature at that time, I was afraid na sumbatan ka, when I heard what Claire and her friends saying at that time parang nanliit ako sa sarili ko Dylan.” Nagsimula ulit na may mga tumulong luha saakin.

“Natatakot akong maconfirm na totoo nga na may iba ka na pala. Kung sana mas tinapangan ko nalang ang sarili ko noon, tinanong sana kita. Nalaman ko sana na lahat ng yun ay maling akala ko lang. Nang makausap ko si Patrick, narealize ko na ang tanga tanga ko para mas piliing matakot kesa piliing mahalin ka at ipaglaban ka. I’m so sorry for that too. Pero masisi mo ba ako? I never been into a relationship, hindi ako kasing tapang na akala ng mga taong nakapalibot saakin. Nang pinagbantaan pa ako ng mga kaibigan noon ni Claire, hindi ko kayang isipin na wala lang pala yun sayo lahat? Kaya I decided to leave, that way umaasa ako noon na mabubuo ko ulit ang sarili ko, but then, kahit nag mature ako naging okay ako, may kulang pa rin at alam ko kung ano ang kulang sa buhay ko, at yun ay ikaw, ikaw na nagmahal at nagpaparamdam saakin ng lahat nan g bagay dito sa mundo.

“Amb. . .”

“Don’t, let me finish my part.” Pigil ko sakanya, pero nginitian ko sya.

“Instead of regretting all the things that happened, I think we should be thankful, kasi sa mga panahong yung, mas lalo lang tayong naging matatag, we let ourselves to grow apart. Maybe this is really our fate, this is our own version love story. Mas lalo natin napatunayan na mahal nga talaga natin ang isa’t isa.”

Naiiyak pa rin at kahit sya ay naiiyak na rin, pero masayang ngiti ang sumisilay sa aming mga labi. Inilapit nya ang noo nya sa noo ko.

“I love you Amber. I really love you. Please say you love me too.” Maluhang luhang sabi nya.

“Idiot! Sinabi ko na eh!” Inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Ngumuso naman sya at mukhang nagtatampo.

“Tss. Hindi naman eh! Saang banda ba? Sabihin mo na din kasi!”

“Sabi ko na diba doon sa last part yung may isa’t isa!”
“You don’t really love me?” Lumayo na sya saakin at tumalikod na.

“Ay! Ang drama mo naman.” Hinawakan ko sya sa kamay at pilit na hinarap saakin.

“Hey! Look at me!”

“A.YO.KO.”

“Sige na titingin na yan!”

“NO!”

“I so love you DYLAN EBANEZ!”

Sa wakas ay lumingon na rin sya saakin. Yun lang pala! Ang awkward pa rin eh. Hindi naman kasi ako sanay sa ganon. Hello? First boyfriend ko ata sya! TEKA?! BOYFRIEND KO NA BA SYA? Eto na ba yung point na kami na?

“Anong sabi mo ulit?”

Nagising naman ako sa bigla kong pagmuni muni sa tanong ni Dylan.

“Boyfriend na ba kita?”

“BWHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAAHAHAH! You’re so innocent Amber! Whahahahahahahahaahah”

Kumunot naman ang noo ko! Grabe sya! Ano bang nakakatawa sa tanong ko? Nililinaw ko lang naman ah! Psh.

“Sige tawa ka pa! Iiwan kita!”

Pinigilan nya na ang sarili nya sa pagtawa pero natatawa pa rin sya. Nakakainis ah!

“Ulitin mo muna yung sinabi mo.”

“Iiwan kita!”

“Tss! Not that part! Yung sagot mo sa I love you ko.”

“iladnyo” mahina at mabili kong sabi.

“What? I can’t hear you.” Hinawakan nya ang mukha ko at iniangat ang mukha ko para magkatinginan kami.

“tell me you love me too Amber.” Seryoso na ang mukha nya! Sheeet! Ito yun eh ito yung kakabagin ka sa sobrang kagwapuhan nya kapag seryoso na sya.

“Say it.”

“I love you too Dylan Ebanez.”

Napangiti naman sya sa sinabi ko at unti unting nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. We kiss slowly the way we kiss each other is full of love and passion.

Bigla nyang tinapos ang halikan naming at lumuhod ulit sa harapan ko, hawak hawak nya na ngayon ang kamay ko.

“Ms. Amber Marasigan. Will you be my officially girlfriend and are you ready to be my wife as soon as possible? Choose is a yes or a definitely yes.”

“Grabe naman to! Nauna pa yung kiss kesa sa tanong? Hahaha Do I have a choice?”

Sumimangot naman sya saakin at napangiti ako sa pagkaisip bata nya talaga.

“Eh sa gusto ko nang gawin yun eh! Tss. Wala ka nang choice kundi umuoo saakin, kasi kung hindi bubuntisin nalang kita!”

“Ay ang kadiri mo talaga! Pakasalan mo muna ako bago mo yun gawin nuh!”

“Kaya nga tinatanong na kita eh!”

“Napaka inipin mo naman! Oo na! Of course it would be definitely yes Mr. Dylan Ebanez.”

We hugged each other feeling the contentment being in each other arms. This is what love truly means.

~~~

2 chaps for today! Horay!
Not reviewed. Not edited.
Pagpasensyahan po sa mga grammatical errors ang typos.

Kontong push nalang. Matatapos ko na din ito.

Thanks!

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon