Chapter 58

17 2 1
                                    

Chapter 58

AMBER

Naiinis ako sa sarili ko dahil ng makauwi ako galing sa opisina ay puro DYLAN. DYLAN. DYLAN. ang nasa isip ko. At unti unti na rin natitibag ang wall na pinaghihirapan kong itayo para kumbinsihin ang sarili ko na wala na akong nararamdaman pa at kailangan na wala na talaga dahil ikakasal na siya, masyadong mahina ang pundasyon nito, at alam kong masasaktan nanaman ako sa pagbabalik niya sa buhay ko.

Nagiistreching ako para sa gagawin kong pagjogging. Everyday routine ko na ang mag jogging at least thirty minutes lang at least nakakapag exercise ako.

“Can I come?”

Napapitlag ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Kilalang kilala ko ang boses na narinig ko, hinding hindi ko yan makakalimutan kahit kalian. Ang ikinakataka ko ay kung bakit sa ganitong aga ay nandito siya sa harap ng apartment ko and to think it’s five thirty in the morning pa lang.

“What are you doing here?”

“Uhm. . . Jogging? Can I come then?” Sabay kamot niya sa isang kilay niya, na lalo atang nakadagdag sa appeal na mayroon siya. Grabe! Umaga pa lang pero bakit ang hot na niya? Maghunosdili ka Amber!

“Seriously here? Taga dito ka ba? Hindi ka dito nakatira ah?”

“Who says that? I’m living just right there.” Sabay turo niya sa isang bahay na nasa katabi ng apartment ko.

“Whoa! So kapitbahay kita ganon?”

“Ganon na nga.”

“Hmm. Sige I gotta go.” Nag simula na akong mag jog. Hindi ko na rin siya nilingon pa.

“Sasama nga ako! Wait!” Nagsimula na rin siyang habulin ako at nang makasabay na saakin ay ngiting ngiti ang loko.

Pinasak ko ang earphones ko sa tenga ko at hindi na siya pinakialaman pa na nanatiling nasa gilid ko lang. Pansin ko rin ang mga nadadaanan naming mga babae na mga foreigner na panay ang tingin sa kanya. Halos ismiran ko na nga ang mga malalanding babaeng ito.

“Amber.” Hindi ko siya pinansin.

“Amber!” Hindi pa rin akong umimik.

“AMBER!” Sabay sundot niya sa tagiliran ko. Naalala ko kung paano niya ito gawin noon, kapag kinukulit niya ako noon sinusundot niya ang tagiliran ko. Oh well! Sweet memories!

Tinanggal ko naman ang earphones ko at tumigil din sa pagjojog, tumigil din siya at hinarap ako.

“WHAT? Ano bang problema mo?”

“Kasi naman hindi mo ako pinapansin!”

“So?”

“Uhm. Share nalang tayo sa earphones.” Sabay ngiti niya saakin. Nawala ata ang badtrip ko sa mga babaeng panay ang lingon sa kanya dahil sa pag ngiti niya. No Amber! Focus!

“Hah? Ayoko nga.”

“Sige na Amber, para maenjoy ko rin ang music na naririnig mo.”

“Alam mo para kang bata!” Asik ko sakanya sabay bigay ng isa sa earphones ko.

“Edi tawagin mo akong baby! Haha!” Sabay pasok niya sa isang tenga niya ng earphones.

Napailing nalang ako sa kanya. Nung una halos parating nahuhugot ang earphone ng isa saamin pero nang kalaunan ay natantiya na naming at pareho na ang speed na tinatakbo namin, kasi naman hinawakan niya ang kamay ko!

Sheeet! Kung boyfriend ko lang siya, kung alam ko lang na hindi siya ikakasal hahayaan ko na ang sarili kong kiligin ng super, gusto kong bawiin ang kamay ko pero sa mga pagkakataong sinusubukan ko ay mas hinihigpitan niya pa at bumibilis siya ng konti sa pagtakbo kaya nawawala na ako sa goal ko na maalis ang kamay ko.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon