Chapter 32

17 1 0
                                    

AMBER

Hindi na sya umimik pa after nyang sabihin iyon. Kahit ako ay hindi nadin umimik pa. Nakaramdam na rin ako ng pagod at antok. Nang makarating na kami sa bahay ay pinagbuksan nya lang ako ng pintuan ng kotse nya at hindi ako tinitignan.

“Thank you”

Tumango lang sya saakin, hindi nya pa rin ako tinitignan. I was about to ask him kung ano ba talaga ang problema nya, pero madali syang sumakay ng kanyang kotse at umalis na. Tss. Bipolar na kurimaw!

Nagising ako ng alas otso na. Pupunta pa ako kay Mae. Hindi ko pa naman alam kung anong oras ba talaga yung sinabi ni Dylan saakin na may kailangan daw kaming idiscuss, pero no matter what happen ay pupunta ako sa bahay ng best friend ko.

Nagulat nalang ako ng makita kong prenteng nakaupo ang bipolar na kumag sa aming sofa habang umiinom ng kape at nanunuod ng tv.

“Good morning.” bati nya saakin na Wala man lang ka-emosyon emosyon nyang sabi, hindi pa rin nya ako tinitignan sa mata.

“Oh hija. Gising ka na pala. Kumain ka nang ng makaalis na kayo kanina pa yang batang yan dito.” ~Manang

“Opo Manang. Salamat po.”

Ni hindi ko na sya kinausap pa. Ang aga naman ata nya, mahaba ba ang kailangan naming pag usapan? Ni hindi nga sya nag pasintabi man lang ng ganitong oras pala sya pupunta dito sa bahay.

Nagsimula na akong kumain ng maramdaman ko ang mga yabag galing sa aking likod at nakita kong umupo sya harap ko. Tinignan nya lang ako, kaya na awkward naman ako habang sinusubo ko ang pagkain. Halos magbara na sya sa lalamunan ko, pero hindi ko pinahalata na naasiwa ako.

Nang makita nyang patapos na ako agad sa kinakain ko ay bigla syang tumikhim at nagsalita na nakakunot ang noo.

“You should eat more. Bakit konti lang kinain mo?”

“Diet” Simple kong sagot sabay tawa ko na pabiro.

“So you want your body to be perfect. Huh?” Matalim nyang sagot saakin.

“Excuse me, my body is already perfect, ang sama mo ah!”

“So sino ang rason nang pag dadiet mo? Hah? Si Leo ba?”

“Kaloka to! Pag diet? may rason ba dapat agad? Di pwedeng for healthy living lang? Tss”

Nag walk out bigla sa akin si Dylan, problema nun, nang napadaan ako sa sala namin, ay nakita ko lang sya na nakahalukipkip at nanunuod ng tv. Ni hindi nya ako ulit tinapunan man lang ng tingin, kaya pumanhik na ako sa aking kwarto at ginawa na lahat para maging ready sa pag alis namin.

I wore a lazy dress and I matched it with a cardigan at nag sneakers ako. Hindi naman masyadong formal ang suot ni Dylan, naka black pants sya at white v neck shirt.

Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hangang paa ng bumaba ako ng hagdan. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

“Manang alis na po kami.”

Badtrip pa rin sya nang nagsimula na syang magdrive. Kunot pa rin ang noo at hindi man lang ako kausapin o tignan man lang.

“Okay ka lang ba?” Hindi ko na napigilan na magtanong. Pero hindi nya man lang ako sinagot. Leche! May pms siguro itong kurimaw na to.

“Where are we going? Kailangan kong umalis agad kasi~” Pinutol nya ang sasabihon ko at mas lalong nabadtrip ang itsura nya, still focus sa daanan, pero mas lalong kumunot ang kanyang noo.

“Bakit ka nagmamadali? May date ka ba? Ako ang naunang magimbita kaya saakin ka sasama.”

“Bakit ba kagabi ka pa badtrip? Tinatanong kita kung anong problema pero hindi mo naman ako sinasagot!”

Bigla nyang itinigil ang sasakyan sa isang tabi, kung saan hindi kami makakaabala sa ibang sasakyan. Hinampas nya muna ang manibela at nagsimulang magmura.”

“Are you cursing at me?”

“Hell no!”

“Then what is your problem? Hindi ako manghuhula ano ba!”

“T*ng*na bakit ka ba kasi niyakap nung gagong yun!? You didn’t even bother to text or call me. Hindi mo man lang nagawang mag explain kung bakit nandun ka sa bar na iyon, kung wala pa akong tracker ng phone mo ay hindi kita mahahanap.”

“So yan ang pinuputok ng butchi mo?! I don’t need to explain kasi, it’s not my responsibility to explain to you at all.”

At talagang may tracking pa syang nalalaman pero mas nainis pa rin ako sa kanya, but I found it offensive ng makita ko na biglang nanlumo yung mukha nya, halos gusto kong bawiin yung mga sinabi ko.

He started the engine of his car at bumuntong hininga. “Yeah. Wala nga pala akong karapatan.”

Sa isang Italian restaurant kami huminto, halos lunch time na rin, medyo mahaba din ang byahe dahil sa traffic pero I wonder kung ano ba talaga ang kailangan naming pag usapan at bakit kailangan pa naming pumunta sa isang mamahaling restaurant.

Nang matapos kunin ng waiter ang order namin, ay halos hindi ako makatingin sa kanya, naguguilty pa rin ako sa sinabi ko sa kanya pero, totoo naman ah, wala naman kaming responsibilidad sa bawat isa.

Madilim pa rin ang kanyang mukha at nakaigting ang panga. I was about to start the conversation and say sorry for what I’ve said nang bigla syang mag salita.

“I want you to resign.”

Namilog ang aking mata at mataman ko syang tinignan. Wala nang emosyon ang kanyang mukha nya, laglag ang panga ko ng hinihintay ko pa kung may idudugtong sya sa sinabi nya. Ang tono nya ay napaka maawtoridad.

“And what made you think na gagawin ko yun?”

“Because you want my forgiveness” Simpleng sagot nya wala pa ring emosyon ang mukha. Pero mata sa mata ang tinginan namin.

“Hell no! I have two different works and you can’t just ask me to give it up.”

“I’m not saying that you will give it all up, you can continue to your event management thing.”
Parang may pino-propose syang business deal saakin, na parang I have no choice but to follow his order. Nagtitimpi na ako sa kanya, bakit ganito sya kung makacontrol ng buhay ko, na pati trabaho ko ay papakialaman nya.

Dumating na ang waiter at nagsimula nang maglapag ng pagkain. Na wala na ang gana ko dahil sa pagtitimpi ko sa kaharap kong to. Nang umalis na ang waiter ay nagsimula na akong magsalit.

“No way. Bakit ko gagawin yun hah? You can’t control my life!”

“It’s either ikaw ang gagawa ng resignation letter or ako ang gagawa for you.”

“What the hell? Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo anong problema mo sa pagiging chief accountant ko?”

“Wala akong problema. I just need you to resign to that company!”

“Then give me a damn good reason why should I?”

“Because I need you. Is that a good reason?”

“Your reason is senseless.”

Sabay walk out ko, dali dali akong umalis sa restaurant na yon, narinig ko pa ang tawag nya saakin, ni hindi namin na gawang galawin ang pagkain na nakahanda. Hindi nya ako kaagad na sundun, since hindi nya pa nagawang bayaran agad ang inorder naming, kaya bago nya ako naabutan sa labas ay nakasakay na ako sa isang taxi.

I need to see my best friend, walang katuturan ang makipag usap sayo Dylan Ebanez. I want your forgiveness but I don’t see a good reason why you want me to resign, kahit naman medyo napapabayaan ko iyon ay I still make it sure na ginagawa ko ang best ko to perform my job.

~~~~

Comment. Vote. Thanks.

Amber xx Mae in the house.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon