Chapter 54

16 2 0
                                    

Chapter 54

AMBER

Mahina ba ako para sa gagawin ko? Masisi nyo ba ako sa mga choices na pinili ko? Marunong din naman akong mapagod, pero sa oras na mapagod ako ay magpapahinga lang ako at magsisimula o magpapatuloy ulit.

Hindi ba matibay ang pagmamahal ko sa kanya? Kaya mas pinipili ko ang magpahinga muna sa lahat ng sakit at hinagpis na nararamdaman ko?

Mahal na mahal ko siya, at alam kong sinabi ko noon na hinding hindi ako susuko sa kanya hanggang sa mabalik ang mga alaala nya. Pero totoo nga siguro ang kasabihang: "The only thing that is constant in this world is change".

Madaling magbago, madaling mahulog sa mga taong pinaparamdam ka na mahal ka nila, pero sa oras na iniwanan ka na nila ay dun mo mararamdaman kung gaano kataas ang pinaghulugan mo.

Madaling sabihin rin na mag move on ka nalang kasi hindi ka na nya mahal o may mahal na syang iba kaya huwag ka nang umasa pa. Pero ang alam ko, mahirap gawin yun, mahirap na sukuan mo ang isang bagay na sobra mong mahal, na kahit kakarampot na lang ang pag asa ay hahawakan mo pa rin.

Ang tao ay umaabot din sa kasukdulan, hindi natin alam kung kalian o kung saan pero mararamdaman na lang natin ito.

Sa isang napanood kong movie ang title ay "The Choice" sinabi ng bidang lalake doon na: "Every path you take leads to another choice and some choices can change everything".

Sa pinipili kong desisyon ay alam kong "it can chage everything" pero ginawa ko naman ito hindi lang para sa aking sarili kung hindi para na rin sa ikakabuti ng lahat at lalong lalo na para sa ikakabuti nya, dahil ito naman talaga ang gusto nya.

Ayoko na ring mag alala pa ang mga taong nakapalibot saakin, dahil alam kong kahit anong pilit ko na hindi sila maapektuhan ay ramdam kong nag aalala sila kapag nasasaktan ako.

"AMBS! Hindi ka na ba talaga mapipigilan?!" Biglang tantrums ni AJ na halos mangiyak ngiyak na katabi ko ngayon sa bahay nila Carol at Jerick na pinaghandaan nila dahil despidida party ko raw.

Isang linggo din ang nakalipas bago nafinalize ang lahat ng kakailanganin kong documents at bukas ay aalis na ako para sa trabahong matagal nang inalok saakin ni Leo. Ito ang choice na gagawin ko at inihahanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang kakahihinatnan nito.

"Mga loka loka talaga kayo! Pinipigilan nyo ba ako sa lagay na yan? Eh may inihanda pa nga kayong despidida party ko oh!" Biro ko sa kanila pero ni isa ay walang tumawa. Nandito lahat pati sila Lance, Patrick at Jet ay nandito din.

"Ano ba naman yung magkakasama sama tayo? Eh alam naman namin na hindi na magbabago yang isip mo?" Sabi naman ni Carol saakin.

"Oo nga! Bakit ba trip na trip mo ang umalis ng bansa at hindi ba ay nagtratrabaho ka sa kompanya nila Dylan?" Tanong naman saakin ni Lai na nasa harapan kong nakaupo habang kumakain ng cake na ginawa nila para saakin.

"Oo, pero tapos na rin yun at nakapag paalam na ako sa mga magulang ni Dylan." sagot ko naman.

"Nako! Hindi ka lang ba pinigilan?" Tanong naman bigla ni CC

"Pinigilan, sympre noong una, pero nang sinabi ko naman ang mga rason ko ay hinayaan na rin nila ako, ito naman ang makakabuti sa lahat."

" Ang bullsh!t naman ng makakabuti sa lahat Ambs! Hindi mo naman kailangan pang lumayo." Kunot noong sabi naman saakin ni Shaine.

"Kung yun ang tingin ni Bezt na makakabuti ay intindihin at suportahan nalang natin siya sa mga gagawin nyang desisyon." Sabi naman ng bestfriend kong si Mae.

"Naku! Hindi ko alam kung best friend ka ba talaga o ano! Imbes na pigilan mo siya ay mukhang pingatutulakan mo pa! ~Gia

"Magtatagal ka ba dun Ambs?" Tanong saakin ni Jen

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon