Chapter 35

24 1 0
                                    

SHAINE

Alam kong medyo kulang na kami ng oras sa barkadahan kaya naisipan ko namang magyaya na lumabas kami at magrelax. Kanya kanya pa naman kaming trabaho, kaya sa tingin ko naman ay this would be a great idea.

Miss ko na rin ang mga bruhang iyon.

Isa-isa ko silang tinawagan para mag confirm, lahat naman ay game kaya natuwa ako, kaso ang bruhang si Amber hindi pa rin ako sinasagot ring lang ng ring. Anong topak nun? Tss

Nang sa pang sampu kong try na tawagan sya, mabuti naman at sinagot nya na.

“Thank God, at sinagot mo rin! Ano bang pinag gagawa mong babae ka?”

“Sorry na. Busy lang ako sa bagong work ko.”

“Bagong work?! Bakit nag resign ka na?”

“Oo. . . ay mali! Na blackmail ako. Walangya!”

Halos isang oras rin kaming nagkausap ni Amber at nalaman ko ang buong istorya ng pagreresign nya, dahil nanaman sa Dylan na yan. Ang hirap kasing ispelingin din nung damuhon iyon, kung ako lang? Ilalayo ko na si Amber sa kanya, he doesn’t deserve my friend. Kahit hindi ako masyadong pakialamera at hindi ko masyadong pinapakita sa mga barkada ko na may concern ako at mahal ko sila, handa akong makipaglaban sila kapag agrabyado na sila.

But I know inside, na yang dalawang tanga’ng yan mahal nila ang isa’t isa. Pero bahala na sila sa lovelife nila, kaya na nila yan, basta ba huwag na ulit masaktan ang kaibigan ko, kung hindi ako na mismo ang gagawa ng paraan para mailayo ko si Amber kay Dylan.

Natawa ako nang magreklamo si Amber saakin, habang kausap ko sya, dahil tinakasan nya raw si Dylan, dahil ayaw nyang makita ang pagmumukha nito, dahil nasa isang room lang sila nagtratrabaho. Hahaha baliw talaga tong babaeng to!

“Oh talaga? Natakasan mo ang boss Dylan mo? Paano?”

“Hahaha Langya! Sabi ko nawewee na ako. Tapos hindi ko na sya pinagsalita pa, may inipit na akong pera sa bulsa ko, kaya hindi nya yon nahalata, iniwan ko na rin ang bag ko.”

“Hindi na ako magtataka pa nun. Queen ka sa cr.”

“tss. Oo na!”

“Oh basta mamaya, rocket bar tayo.”

“Oh sige, pero hindi ako iinum ah!”

“Oo na! Sige babush!”

KJ din ang isang to, si Amber ang nasa tamang edad na pero hindi talaga sya umiino ng mga alcoholic drinks, di rin naman naming pinipilit. May mga kanya kanya naman tayong trip.

DYLAN

“Sir, magwewee lang ako ah?”

“Si~” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil halos itakbo nya na ang labas, para makapunta sa comfort room, natatawa naman ako sa babaeng yun. She keeps on amazing me, with her little things.

“Nasaan na kaya yung babaeng yun? Tss” Sabi ko sa sarili ko. It’s 12 pm at dapat ay lunch break na. Halos 20 minutes na rin syang wala, ang tagal naman nyang mag cr, eh nasa labas lang ng office ang cr.

Nang sumapit na ang 12:30pm ay lumabas na ako ng opisina para katukin ang cr na nasa labas ng opisina ko, pero walang sumasagot, kaya kinabahan ako baka kung anong nangyari. Ipinihit ko ang doorknob ng magulat na walang Amber akong nakita.

I try to dialled her number, pero busy. B*llsh*t anong nangyari sa kanya. Kinakabahan naman ako habang iniisip kong anong nangyari sa kanya. Hahanapin ko sya yan ang nasa isip ko. Inisa isa ko pa ang comfort room kada floor, wala akong pakialam kung may nagugulat na babae sa cr, dahil pumapasok ako para mahanap sya. Pero wala.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon