Chapter 43

14 2 0
                                    

Chapter 43

Nakatulog na ako after kong makareceive ng text galing kay Dylan na nakauwi na daw sya ng bahay nila. Kahit kasi pwedeng pwede nang bumukod si Dylan ay ayaw nya pa rin umalis sa kanila, sobrang family oriented nya, at isa yun sa minahal ko sa kanya.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko, hindi naman ako nag aalarm kasi kapag sinet ko na ang sarili ko na dapat ay magising ako ng sinet kong time ay magigising na rin ako. Napangiti ako kahit bahagya pa akong nakapikit dahil medyo antok pa ako. Hindi ako sumagot at hinintay lang syang magsalita ng makita ko ang pangalan nya. Ang isang taong bumubuo sa buhay ko ~Dylan.

"Hello sa pinakamahal kong babae sa balat ng lupa pero sympre mahal ko din ang mama at kapatid kong babae. Baka magsumbong ka kaya sinali ko na. Hahaha. Good morning Amber! Kahit mabaho pa yang hininga mo pahingi pa rin ako ng kiss! Mwa! Mwa! Mwa! I love you. I love you. I love you. Kahit may tuyong laway ka pa sa pisngi mo ikaw lang ang pinakamagandang babae na mamahalin ko hangang sa huling hininga ko. Nagising ba kita? hehe"

Gustong gusto ko nang sumabat sa mga pinagsasabi nya, ang haba ng litany nya at parang full na full ang energy nya samantalang ako inaantok pa. Para pa syang bakla sa pag mwa mwa mwa sound nya.

"Hoy! Anong mabaho ang hininga ko? At excuse me! Hindi tumutulo laway ko pag natutulog ako ah! Kainis to!"

"Weh? Hahahahaha Pikon na naman ang Amber ko. Pero grabe ka ah! Yun pa talaga ang mga napansin mo?! Nakakasakit ka ng damdamin. Huhu pero kahit ganon I love you! "

Nakikinita ko na, na umaacting yung mukha nya na nasasaktan habang sinasabi nya ang mga yon saakin.

"Tse! Sarap na sarap ako sa pag tulog tapos mang bwibwisit ka lang!"

"Grabe! Yung totoo mahal mo ba talaga ako Amber? Kasi ako mahal na mahal kita! Bwisit pala ako? Sige kita na lang tayo mamaya."

Hala! Nagtampo na! Ang ano mo din kasi Amber! Bakit ba ang kulang ko sa kacornihan? Hay nako! Hindi naman kasi ako sanay sa ganito eh. Pero walang duda naman na mahal na mahal ko din ang kurimaw na ito.

"Oy. . . Nagtatampo! Good morning Gwapo! I love you more! Gawa ako sandwich for you."

"Sige na. Bye. Sunduin na lang kita."

Anakng!~ Binabaan ba naman ako? Nagtatampo nga! Haaaay, hindi pa naman ako sanay na may amuhing tao. Kainis ano na naman ba tong nagawa ko.

Nag ayos na ako ng sarili ko para makapasok na sa trabaho. Habang inaayos ko pa sa bag ko ang ginawang kong sandwich para saamin ni Dylan ay narinig ko na ang pag tigil ng sasakyan sa labas.

"Oh anak! Nandito na si Dylan"~ Ani ni Mama

"Sige po Ma, alis na po kami."

"Sige mag ingat kayo."

Nang makalabas na ako ng bahay namin ay nakita ko na prenteng nakatayo sya at nakasandal ang likod nya sa side ng sasakyan nya, hinihintay ko syang tumingin saakin pero hindi nya yun ginagawa, at walang expression ang mukha nya.

"Good morning Dy! May gawa akong sandwich for you. Kainin natin sa office mo." Sinabi ko yun ng malapit na ako sa kanya. Sobra sobra pa ang ngiti ko pero wala talagang epekto. Binuksan nya lang ang pinto ng sasakyan para makapasok ako.

Sa byahe hindi nya talaga ako iniimik kahit nagsasalita na ako. Mga naka limang try ako na magsimula ng topic pero parang hangin lang ang kausap ko. Medyo nainis na rin ako kasi nagpapapansin na nga ako pero walang wala lang sa kanya. Kagaya nito.

"Dy! San tayo mag lulunch parang gusto kong kumain ng carbonara! Di ba favorite mo din yun?"

". . ."

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon