Chapter 10 Leo

71 5 0
                                    

Halos umusok na yung ilong ng tuluyan na kami makalabas ng gamefield, bakit? Kasi naman sa eksena ni Ginoong Dylan Ebanez ay naghurumentado nanaman ang puso ko, sabayan pa ninyo ng panunuya nitong dalawa kong kasama. Tss

"Pusang gala talaga yang si Stefan, di ba nangako na yan saatin na hinding hindi nya na uulitin pa yung nangyare na noon." ~ Mae

"Ang alin Mae yung panloloko nya kay Aj noon? Tss di ba una pa lang sinabi ko na sainyo na huwag na kayong magtiwala pa." ~ Shaine

"Pero kahit na Shaine, di ba halos mag makaawa sya saatin noon, at nangako sya ka AJ sa harap natin, tagos yung mga salitang binitawan nya di ba? At tsaka mahal sya ni AJ ng totoo talaga, first love yun diba?" ~ mae

"Tss. Maraming mga tao ang nagkukunwaring walang nakita o nagbubulagbulagan dahil mas gusto pa rin nilang maniwala sa mga binitiwang salita ng taong mahal nila, pero most of the time, dahil sa mga salitang binitawan o pangakong binitawan, doon tayo nasisira."

"Ang lalim Ambs ah? May hinihugutan ka ba? Hahaha :D Maiba ako kumusta naman kaya yung eksena nyo ni Dylan? ~ Shaine

Nakita kong nagkatinginan ang dalawa tapos ngumiti silang pang buang! So ganun, pagkatapos ng bakbakan eh ako na ang itotopic dito?

Pumasok na lang ako ng kotse ko at sumunod ang dalawang bruhilda na nanunukso pa rin ang tingin.

"Hmm. . .mukhang double meaning ata yung binitiwan ni Dylan kanina ah? Ano sa tingin mo . . .Shaine? ~ Mae

Nanatili akong focus sa pagdridrive pero talagang may sapak itong dalawang ito at patuloy ang panunuya saakin.

"Bakit ba Amber, hah? Umamin ka nga, hindi ka man lamang ba nagpaalam kay Dylan noong umalis ka? Kahit text lang?~ Shaine

At guilty ho ako dun, alam na nila ang sagot sa tanong nila ng kumunot ang noo ko. Bakit ba ano pa ba ang use kung magpapaalam ako sa kanya? Para mas maipamukha nya na may girlfriend na sya at ako ay isang malaking joke lang talaga sa buhay nya? No way. I'm Amber and I can't lose my pride because when I fell inlove with that guy, I lose everything.

"Ms. Amber Marasigan, at talagang nanaig din ang pride mo at talagang hindi ka nagpaalam ka sakanya, kaya naman pala may pinaghuhugutan yung tao. Tsk. Tsk" ~ Mae

"SSSSH! Tumigil na nga kayo, pakialam ko ba sa sinabi nya, at pakialam ko sa kanya?"

Tumawa nalang ang dalawa at tumigil na sa panunuya saakin, kai alam na nilang badtrip na ako.

Kinabukasan, nagising ako sa walang humpay na pagtunog ng cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Lance saakin.

mmm. ..Hel ...loo?

Ambs, sorry kung nagising kita ah? haha dapat kasi mainform kita agad eh"

"Okay lang, para saan ba?

Ahhhh. . . ahh. ano. kasi. . .

Napansin kong may nagbubulung bulungan sa kabilang linya, pero binaliwala ko na lang at narinig ang pagpapatuloy nya sa pag sasalita.

Kasi. Ambs kailangan mong pumunta sa Rocket Bar mamaya, 7pm sharp. . . (sssh teka) ayy sorry Ambs, ito kasing mga kasama ko dito ang gulo. Hahaha. Please pumayag ka ah?

Hmmm importante ba yan? Baka kasi may aasikasuhin pa ako.

Please Ambs, next day mo na lang yan, aasahan namin yan ng barkada ah.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon