Epilogue (Part II)

16 3 4
                                    

Epilogue Part II

To Larang there! My number one reader. Dedicated sayo! Ilovesyou! Hope magustuhan mo ang kinalabasan ng aking brain cells.

AMBER

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ba ako? Tinignan ko ang palibot ko saka ako napasandal sa headboard ng kama. Hindi talaga pamilyar ang kwartong ito saakin.

Ang huli kong naalala ay nang sumakay na kami sa van dahil hindi na namin naabutan ang kasal ni Dylan at ni Claire.

Bigla ko naman naramdaman ang bigat saaking dibdib sa katotohanang ikinasal na si Dylan sa ibang babae. Napakasakit, sobra wala na atang salita ang maaring mag larawan pa sa nararamdaman ko ngayon.

Napahagulhol ako at naramdaman kong bumakas ang pinto, tinago ko ang mukha ko sa mga kamay ko at saka ipinagpatuloy ang pag iyak ko, wala na akong pakialam kung sino man iyon, kung nakidnap man ako ay mabuti na nga siguro mawala na ako, wala na rin saysay ang lahat dahil may mahal ng iba ang taong mahal ko at kasalanan ko kung bakit siya napunta sa iba dahil sumuko ako agad.

Naramdaman ko na hindi iisa lang ang pumasok dahil naramdaman ko ang paglubog sa kama sa magkabilang ibayo.

“Pa~patayin niyo na ba ako? ”

Utal kong sabi habang nakasubsob pa rin sa kamay ko ang mukha ko. Wala pa rin akong naririnig na ingay mula sa kanila kaya napaangat na ako ng aking mukhang basang basa ng luha.

“BWAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHA” Sabay sabay nilang tawa, ang iba ay nakahawak pa sa tiyan nila at tinuturo turo pa ako.

“Ano bang akala mo Ambs? Kriminal kami? Haha! ”

Hawak hawak ang tiyan ni Shaine habang sinasabi niya yun at tinuturo pa ako. Tumango naman ako bilang sagot kaya mas lalo pa silang natawa.

“Naku! Iba na talaga kapag luhaan sa pag ibig!” Tudyo naman saakin ni Gia.

“Mali! Iba na talaga kapag manhid!” Sabi naman ni Nessa. Bakit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.

Nilapitan naman ako ni Mae at pinahid niya ang mga luha saaking mga mata.

“Tumahan ka na kung ayaw mong maging conjuring yang mukha mo mamaya.” Tumawa naman ulit ang mga kaibigan ko saakin.

“Ano bang nangyayari?” Naguguluhan ko pa ring tanong.

“Gosh Amber! I hate drugs! Di mo pa rin ba magets!” Sabi naman ni Cc saka pinaikot niya yung mga mata niya.

“Ambs, ikutin mo nga yung mga mata mo.” Utos naman saakin ni Lai. Napasinghap ako ng makita ko ang gown sa gilid ng kwarto, hindi ko namalayan na may gown dun na nakatayo sa isang manequin. Nagtatanong pa rin ang mukha ko ng ibalik ko sa kanila ang atensyon ko.

“Hindi mo ba naalala kung saan mo yan nakitang gown na yan?” Tanong saakin ni Carol.

“E~eto yung gown na ako mismo ang pumili para sa kasal ni Dylan.”

“EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHH” Biglang tili ni AJ kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Binatukan naman siya ni Shaine.

“Ano ba yan AJ! Ang sakit sa tenga ng boses mo! Tumigil ka nga!” nagtawanan ulit sila dahil sa pagbabatok ni Shaine kay AJ.

“So makabalik tayo kay Amber, ano gets mo na ba? O kailangan ka pa namin sabunutan ng magising yang brain cells mo at mukhang tulog na tulog pa.” Sambit ni Jen

Umiling iling ako bilang sagot kaya nabigla ako ng bigla nila akong lusubin sa kama at pinagkukurot ako sa iba’t ibang parte ng katawan ko, ang iba ay kumikiliti naman saakin kaya napatawa na ako sa mga ginagawa nila.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon