Chapter 11 My Fault

66 5 1
                                    

Nagmamadali akong pumunta ng Rocket Bar, halos palipadin ko na nga ang kotse ko, pero hindi eh 1 hour pa rin medyo traffic pa. Tss. Pero bakit ba ako kinakabahan? Parang ang labo ng nararamdama ko. . .  hala ewan, basta kinakabahan ako, sigruro baka ngungudin ako ng mga kaibigan ko kasi hindi ako umabot ng 7pm late na late na 11 na ako makakarating. -_______-

Since lowbat na nga yung phone ko, nagconcentrate na lang ako sa pagdridrive at nanalangin na sana nandun pa sila kasi mukhang importante talaga.

Nang makapasok na ako sa Rocket bar ay inobserbahan ko muna, mukhang mayayaman ang narito ahhh, may mga sumasayaw pero hindi yung super wild, maraming umiinum, tapos may space din na may kumakanta.

Sinumulan kong hanapin sila sa VIP room, since bago naman malowbat yung cellphone ko ay may text naman sila na nasa VIP sila.

Nang maaninag ko sa maliit na salamin sa may pintuan ay nandoon sila ay pinihit ko ito, para mabuksan. Thank God at narito pa sila.

"Haha. [malamig na tawa nya]. Sinabi ko na sainyo na hindi darating ang babaeng yun. [Sabay lagok ng inumin na hawak nya] ~ Dylan

"Bro tama na yan" ~ Lance

"Oo nga Dylan, lasing ka na uwi na tayo" ~ Patrick

"Anoo. bah. . hindi pa ako lasing" Sabay hawi nya sa kamay nila Patrick. "GUSTO KONG MAGISA! HAYAAN NYO NA AKO!!! PWEDE BA!!!

Unti unti nilang napansin ang presence ko, at mukhang disappointed silang lahat na sabay sabay halos umiling. WHAT? What I have done?

Lumapit ang ibang kaibigan ko saakin, hindi pa rin napapansin ni Dylan iyon, siguro sa sobrang kalasingan na rin at busy pa sya sa paglagok ng inumin nya, habang ipinagpapatuloy nila Lance ang pag kumbinse sa kanya na uuwi na.

"Bezt naman! Tinext ka namin na wag malate di ba?!"

'Hah? sorry.. . si Leo kasi. . ."

Tinapik naman ako ni Jerick.

"Ambs, anong month ba ngayon?"

"October! Jerick naman ano ba naman yang tanong mo!"

"Anong araw?"~ Carol

"Ano ba. . . hm saturday di ba?"

"Naman eh, anong specific number! Kutusan na kita dyan eh!" ~ Mae

"Oooh, easy, teka titignan ko sa pho~ay lowbat na pala ako"

"tss. Amber October 24 ngayon, birthday ni Dylan"~ Jerick

"Ano ba yan Ambs, preoccupied nanaman yan utak mo?"~Gia

Napaisip naman ako, oo alam ko naman na ang birthday nya ay October 24, kahit kailan di ko naman yun nakalimutan, pero talagang nagsabay sabay yung mga works at inoorganize kong event kaya medyo nawala na sa utak ko ang tumingin man lang sa kalendaryo.

Though nabigla ako ay nakabawi naman ako, kasi oh? ano naman ngayon di ba? Kung birthday nya? Ano naman kinalaman ko? Ako ba ang pinaka importantent tao sa kanya, at kung makarereact to ay parang kasalanan ko kung bakit parang nasira ang bday nya???

Kung napagtanto ko nga na magcecelebrate pala sya ng birthday ngayon, ay hindi ako pupunta no! As if I am invited here. . .

"Ahh. . Birthday nya pala, So? What's the big deal guys? Wala saakin ang bday cake nya. HAHAHA" Tumawa ako ng pilit pero tinignan lang nila ako. Bigla naman nagsalita si Dylan kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon