Chapter 52

17 2 0
                                    

Chpater 52

AMBER

Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako, naghihintay pa rin, miserable, luhaan at masakit na lahat ng parte ng katawan ko, pero wala iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko matapos kong marinig sa ikalawang pagkakataon na sila na ni Claire.

Martyr ako sa halos ilang buwan kong pagtitiyaga na makita ang mahal ko na masaya sa iba ay mas pinipili ko pa ring makita sya, dahil alam ko na sa oras na magbalik ang mga alaala nya ay ako pa rin ang mahal nya. Tanging mga kaibigan at pamilya ko at pamilya nya na lang ang nagbibigay ng pag asa saakin na babalik pa sya.

“Ambs!” Sabay yakap saakin ng isang babae ~~ si Mae, pag tingin ko sa paligid ko ay nandito na pala lahat ng kaibigan ko. Bakit hindi ko man lang namalayan na nandito na sila. Nanatili ako nakalupasay na nakaupo sa sahig.

“Sila na ba talaga?” Tanong ko sa kanila sabay ngiti ng mapait.

“Hindi din namin alam kung totoo yun Ambs.” ~ Sagot saakin ni Nessa sabay lapit saakin at pinahid ang mga tumutulong luha sa aking mga mata.

“Pero sinabi nilang sila na di ba. Narinig ko yun.” Kahit hirap ako kasi umiiyak ako ay nakayanan ko pa ring itawid yun.

“Baka. . .Baka naguguluhan lang si Dylan, Amber, alam mo namang wala syang naalala.” ~Jen

“Gago kasi sya! Huwag ka na ngang lalapit ulit doon!” Sabi naman ni Shaine nakita ko naman kung paano sya siniko ni CC

“Ano ka ba!” CC

“Ano! Sinasabi ko lang naman ang dapat at tama ah! Kung sana hindi na lang lumapit pa iyong gagong may amnesia na yun sa kaibigan natin edi sana hindi yan ganyan!” Sabay turo nya saakin, alam ko naman na nagalala lang sila saakin, kasi kahit sino naman na makakita saakin kakaawaan ako.

“Intindihin nalang siguro natin. Baka bukas maka alala na si Dylan.” ~Pag checheerup naman ni Aj sa barkdahan.

“HAH! Intindi huwag na no! Nakakainis naman kasi yang si Dylan eh. Kakalbuhin ko na talaga yan!” ~Gia

“Huwag kang mag alala Amber, nandoon si Jerick magtatanong ako kung anong balita.” Sabi naman ni Carol.

“Huwag na! From now on, hindi ka na lalapit Amber ulit kay Dylan.”~ Maawtoridad na sabi saakin ng best friend ko kahit yakap yakap nya pa rin ako, mas matanda saakin ng ilang buwan si Mae, pero mas matured akong magisip sa kanya, pero once na mag salita sya ng seryoso, wala na dapat sumunod ka na.

“But Mae. . .”

“No buts Amber, makinig ka nalang saamin. Hindi na kami papayag na masaktan ka pa ulit. Nakikita mo ba ang sarili mo? And ginawa mo to lahat para sa kanya, pero mas pinili nyang hindi ka pansinin, so it’s better kung. . .”

“Hindi ako susuko Mae, hindi nya ako naalala kaya ganon, huwag naman nyo akong pag bawalan na makasama ko ang mahal ko!” Pagputol ko sa sasabihin nya. Kumalas din ako sa pagkakayakap sa kanya.

“Hindi sa sinasabi kong sumuko ka na, ang gusto ko lang sabihin ay magpahinga ka, baka dun makapagisip isip si Dylan, mag bigay ka ng oras para sainyong dalawa baka yun ang kailangan nyong dalawa.”

“Tama si Mae, Amber, magbigay muna kayo ng oras at space sa isa’t isa. Sa ngayon ayoko munang makikita ka na kasama sya, kung ganito lang din ang mararanasan mo.” Ani ni Lai

“Mahal ka naming Ambs, kaya namin ito ginagawa, sino ba ang gustong makita ang kaibigan nila na wasak na wasak? So please, halika na uwi na tayo para makapagpahinga kana.”~ Mae

“Hay nako! Basta ako babantayan kita Ambs, hindi ko hahayaang magkalapit muna kayo ng Dylan nay an pati yang bruhildang Claire na yan!” Ani ni Shaine

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon