Chapter 16 Pang-habang buhay

50 5 1
                                    

Habang nagdridrive ako pauwi ay pilit kong ipinagtatagpi-tagpi ang mga sinabi saakin sa mga malabong tao ngayon. Pero wala eh, lutang na lutang talaga ako.

Nang sa wakas ay makarating na ako sa bahay, hapon na pala, hindi ko napagtanto na matagal pala ako sa Black Cabin restaurant.

"Bunso!" ~ Kuya Miguel

"Kuya! Nasaan sila Mama?"

"Wala nasa trabaho pa. Bakit hindi ka umuwi kagabi hah? May kalive-in ka na ba?"

"Yak! Kuya! Grabe ka naman, porke hindi lang ako nakauwi dito, may kalive-in na agad, di ba pwedeng nandoon ako sa isang bahay?"

"HAHAHA, mukha mo talaga, ang sarap asarin."

"TSEE! Matutulog ako huwag kang istorbo!"

"Sige! Bangungutin ka sana! BWHAHA"

Tss. Si Kuya Miguel kami lang dalawa ang magkapatid, matanda sya saakin ng dalawang taon, kung baga nasa stage na sya ng average age kung saan pwede na magasawa, may girlfriend naman yan, ewan ko lang talaga kung bakit hindi pa nagpapakasal.

Nang makarating na ako sa kwarto ko, ay naligo ako ulit tapos nagbihis ng isan tshirt na puti na oversized tapos isang boxer shorts, sorry naman ito talaga ang gusto kong sinusuot pag oras ng matulog.

Nahiga na ako sa kama sinubukan kong makatulog agad pero sawi ako, may mga alaala nanaman ang patuloy na bumabalik sa isip ko.

FLASHBACK. . .

***

Nasa school kami nun at may orientation kami about sa school namain para na rin sa pagready kung saan kami magcocollege.

Nasa magkabilang side kami nun, kasi magkaiba kami ng section. Nang nagtext sya saakin na nabobore na daw sya sa mga speaker kaya aalis muna sila ng student's pavillon para kumain.

Ako naman ay patuloy sa pakikinig sa mga speaker ng iba't ibang department. Nang biglang dumating si Mae at umupo sa side ko.

"BEZZZZZZZT!"

"Ano?! Sssh! Huwag ka ngang sumigaw!"

"Sorry naman. . .Kasi nakasalubong ko si Dylan sa may labasan."

"Ah. . .Oo nabobore na daw sila kakain muna daw sila."

"Hindi yun! Tinanong ko kasi sya kung saan na sya magcocollege."

"Oh? Tapos?"  Parang walang ganang sabi ko kasi busy talaga ako sa pakikinig sa mga speaker, para at least alam ko kung anong magandang course ang inoofer dito sa school kasi wala pa talaga akong maisip na itatake.

"SHEMAY! Sa ibang school na pala si Dylan, hindi na sya dito sa school natin."

"Sigurado ka?"

"Oo nga, tapos sabi ko nga edi iiwan mo ka na pala nya kung sa ibang school sya magcocollege. Tapos alam mo ba ang sagot nya? Waah Bezt!!!"

"Ano? Pabitin ka din ano?"

"Isasama ka raw nya, kasi hindi ka daw nya iiwan kaya kung saan sya magcocollege, dun ka din daw kasi kayo na daw! Grabe ka kayo na pala tapos hindi mo naman sinasabi saakin!"

'Anong kami! Hindi ah! Kita mo nang loko loko yun. Saka final na yung decision ko dito ako magcocollege, sayang din ng mga inooffer dito saatin since alumni pa tayo dito."

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon